CHAPTER 13

91 2 0
                                    

❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 13

ILANG beses na nagpabaling baling ng higa ang dalaga sa kanyang kama kung kaya't napareklamo na ang katabi niyang matulog na si Thesh. No choice na bumangon na lang siya at naisipan lumabas na lang ng boarding house. Masyadong malalim na ang gabi Kaya ng makalabas ng kwarto dumeretso siya sa labas at sa kalsada na lamang umupo. Agad niyang napansin ang liwanag ng buwan sa kalangitan kaya napaangat ang tingin niya roon.

Imbes na ganda ng buwan ang makita niya ay mukha ni Aether ang naroon at naiisip niya.

Ilang beses na ba niyang itinaboy sa isipan ang binata sa isip niya? Hindi na niya mabilang. At dahil pamilyar siya sa pakiramdam niyang 'yun hindi niya maiwasang Hindi mag alala. Maaaring tinanggap siya ni Aether kahit na nagpanggap siyang mahirap dahil gawain din nito 'yun. Pero may hindi alam sa kanya ang binata na ayaw niyang malaman nito.
Alam niyang magiging unfair 'yun sa binata pero ang tanong, wala naman silang espesyal na relasyong dalawa. Kaya bakit ba niya iisipin na mag alala kung malalaman nito ang itinatago niya?
Maaaring attracted sa kanya si Aether at ganun din siya dito. She admit it. She's not faking it all. Pero hindi niya din sure kung alin sa mga ginagawa niya ang totoo sa di totoo. Czizea is actually intrigued her play game.

Hindi naman kasali sa dare ang magpahalik siya! at ang humalik din dito. Biglang namula ang mukha niya sa naisip.

She and Aether already kissed and what's their level is called a fling!

Isa pa, wala siyang balak tapusin ang dare nila ni Czizea. Sadyang nasaktan lang siya noong hindi siya pinansin ni Aether ng siya ang unang lumapit dito para makipagkilala. Pinagsisihan niya 'yun dahil isang kahihiyan talaga 'yun para sa kanya. Masyado siyang mahiyahing tao kaya nga pinili niyang trabaho ang chief editor dahil mas ginusto niyang magtago at wag masyadong makihalubilo sa mga taong mayayaman.

Dahil sa malalim na iniisip ay biglang nagvibrate ang cellphone niyang hindi niya namalayan na nasa bulsa ng pajama niya.  Nangunot noong tumingin sya sa screen ng cellphone at nakita ang text message ng unregistered number.

Kanino naman kaya ito? Baka may death threat na naman siya.

Unregistered number;

Bakit gising ka pa?

Mas lalong nangunot ang noo niya. Sino ba ito? Mabilis na nagtype sya para magreply.

Sino ka?

Nang masend 'yun ay biglang nagreply din ito.

Unregistered number;

Hindi ako sinoka. Inire ako ng mommy ko.

Kwyn message;

Pinagloloko mo ba ako? Magpakilala ka.

Unregistered number;

Kung niloloko kita edi sana sinabi kong hindi ako gwapo.

Kwyn message;

A-aether?!?

Ito lang naman kasi ang naiisip niyang laging sinisingit sa usapan ang kagwapuhan nito. At isa pa, paano nito nakuha ang number niya? Actually, her real contact number.

Aether message;

Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit gising ka pa? Iniisip mo ba ako?

Kwyn message;

Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako makatulog dahil hindi ko nakuha 'yung gamit ko sayo!

Aether message;

THE JOCK (COMPLETED)Where stories live. Discover now