CHAPTER 01

446 7 1
                                    


❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 01.

"I heard nag aplay kang service crew sa McDo branch na pag aari ni Cecaurus?" Biglang tanong ni Neith nang makita siyang busy sa pag aayos ng nasirang cellphone na napulot niya lang nung nakaraang buwan sa coffee shop na pinagtatrabahuhan noon.

"Oo. Saan mo ba narinig ang balitang nag aplay nga ako?" Balik tanong niya sa kaibigan habang inaayos pa din ang cellphone.

"Wala ka ba talagang matinong trabaho at raket ka ng raket? Saan mo ba ipinunta ang perang binayad sayo nila Chance at Hadern?" Curious na tanong ng kaibigan.

Naaalala niyang isa si Neith na Walang alam sa totoong trabaho niya at para wala ng pagdududa ito ay nagtapat na siya ng panibagong palusot.

"Magastos akong gwapo pare. Natural, ubos na ang pera na nakuha ko sa dalawang 'yun." Sabi niya.

"Putcha ka pre, Magastos maniniwala pa ako pero ang salitang gwapo? Taena. Wala ka niyan." Umingos pang wika ni Neith sa kanya.

"Kung pumunta ka lang dito sa bahay ni Creill para murahin at kontrahin ang kagwapuhan ko, maaari ka ng lumayas pare."

"Fuck you."

"Your welcome pare."

"Baliw ka na. Sumama ka na lang sa sports outlet ko. Huwag ka ng rumaket at magkunwaring mahirap." Pag iiba nito ng topic.

"Lol. Masayang rumaket pare. Kung alam mo lang."

"Mayaman na ako, hindi ko kailangan magtrabaho para ano? Pahirapan ko pa ba ang sarili ko? Fuck. Nasasakal ako."

"Ulol. Babae lang naman ang alam mo."

"Ikaw naman ang kontrabida sating grupo pagdating sa babae."

"Duty ko yun pre."

"Duty my ass. Sige na, aalis na ako dito."

"Kanina pa kita pinapalayas. Makapal lang talaga ang mukha mong hindi pa umalis."

"Fuck you Aether. Kung makapal man ang mukha ko dumoble naman ang iyo. Pinaaalis mo ko sa hindi mo naman bahay tangina mong gago!"

"Double ba?"

"Siraulo kana pre."

"Kayo 'yun. Hindi ako gago."

Napailing na lumabas na lang si Neith sa mismong bahay ni Creill at siya naman ay naiwang nangingisi. Wala talagang panalo kapag siya na ang mambubwisit sa mga kaibigan niya.

Laging sya ang may ngiting wagi.

Ngayon niya iniisip kung anong disguise ba ang isusuot niya sa unang araw niya bilang service crew sa isang McDo branch na pag aari mismo ng asawa ni Chance na kaibigan niya.

Mabuti na lang close na sila ni Cecaurus dahil hindi siya agad makakapasok dito kung wala ang tulong nito.

Tomorrow?

Is Monday. Siguro naman magandang araw 'yun para sa pagsisimula niya sa bagong raket. Nabobored na din kasi siya sa pagiging Bartender sa bar ni Kihl. Lalo na't kinasal na ang dj niyang kaibigan na si Czizea sa kaibigan din niyang si Hadern. Napapatawa sabay iling pa siya nang maalala ang kagaguhan niya para lang asarin si H.

Nagpopropose noon si H samantalang nasa kanya ang singsing ni Czizea. Gusto niyang humagalpak ng tawa pero pinigilan niya dahil ang purpose niya lang ay mainis niya si H. At hindi nga siya nagkamali, pikon na pikon sa kanya ang kaibigan.

"Tatawag na ba ako ng psychologist?" Biglang salita ng nasa likuran niya ng makita ang taong nagsalita ay may dala na itong kahon.

"Creill ano yan?"

THE JOCK (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora