CHAPTER 04

139 4 3
                                    

❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 04

"Uuwi kana ba?" Nagulat si Kwyn sa biglang boses ni Aether na nasa kalsada nakaupo at ngayon ay nakatingalang tumingin ito sa kanya.

"Bakit ka nakaupo diyan?"

"Experience lang. So ano pauwi kana ba? Ihatid na kita."

"Experience? Ngayon ka lang ba umupo sa kalsada?"

"Hindi sa pagmamayabang pero oo.  Ano uuwi kana ba? Ihatid na kita."

"Wag mo na kong ihatid."

"Ha? Bakit?"

"Wala kang kotse diba?"

"Oo."

"Wala ka ding motor diba?"

"Oo."

"Ibig sabihin wag ka na mag abalang ihatid ako!"

"Bakit? Dahil ba wala akong kotse o motor kaya ayaw mong magpahatid? Diba bago ka naman tuluyang papasok ng bahay mo, naglalakad ka lang? Marunong ka naman sigurong maglakad para Dina kailanganin pa ang motor at kotse, diba?"

"Alam mo ang basic mo!"

"Pero hindi mo alam na gwapo ako."

"Bakit naman nasali yang kahanginan mo sa usapan natin aber?"

"Dahil gwapo ako."

"Tsk. Wala ka niyan. Nasisiraan kana."

"Nasisiraan lang 'yung mga sasakyan kapag naover heat na."

seryoso ka, lahat talaga ng sasabihin ko, may explanation ka agad?"

"Oo kaya nga pinapaliwanag ko sayong gwapo ako pero ayaw mo naman makinig."

"You're a Jock!"

"Jock? Marunong ka palang uminglish?"

"Syempre! Anong Akala mo sakin bobo ako?"

"Aba, ikaw na may sabi niyan. Di ako."

Napataas ang sulok ng labi ni Kwyn sa sagot ni Aether kaya imbes na makipagtalastasan pa dito ay naglakad na lang siya palayo dito, kaso agad naman sumunod ito sa kanya.

"Bakit ka sumunod?"

"Uuwi din ako pero hatid muna kita."

"Hindi na."

"Bakit ayaw mong ihatid kita?"

"Kasi gwapo ka?"

"So nagagwapuhan kana nga sakin, Miss Kwyn?"

"Yuck. Naniwala ka naman talaga na gwapo ka? In your wildest dreams!"

"Against ka talaga sa kagwapuhan ko? Sigurado kana ba diyan?"

"Sino ba kasing nagsabing gwapo ka?"

"Parang Ako?"

Dahil sa sagot ni  Aether ay dina napigilan Ni Kwyn na mapangiti sa sagot ng binata. 

Sometimes, Aether act an innocent guy.  Tila hindi ito aware sa binibitawang salita.

Nakakatangang kausap ito pero nakakatuwa naman.

"Tama ba ang nakita ko?"

Biglang tanong ni Aether sa kanya na hinawakan pa ang mata at kinusot kusot. Nagtatakang tinignan nya ito at ng mapagtanto ang ginawa nito ay bigla itong ngumiti sa kanya at..

"Napangiti kita... napangiti kita diba?"

"Hindi."

"You're  smiling! I saw it!"

THE JOCK (COMPLETED)Where stories live. Discover now