Special Chapter 1: The ISITL Q and A

3K 78 170
                                    

Special Chapter 1: The ISITL Q and A 

Hi everyone! Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa It Started in the Library na siyang isa sa mga experimental writing project ko sa Wattpad. Salamat sa mga nakiiyak, nagalit, nakiramay, at nasiyahan sa kuwento ni Aya at Prince. Ako'y lubos na nagagalak na magkaroon ng mga bagong kaibigan dahil sa kuwentong ito. Marami akong natutunan sa aking pagsusulat dahil sa mga nagbabasa at nagtitiyagang mag-iwan ng komento. Hindi niyo lang alam pero lahat kayo ay naging inspirasyon ko.

This chapter is dedicated to all the loyal readers of ISITL. XD Haha, dito ko sasagutin ang inyong mga katanungan. Namili ako ng mga questions na galing sa mga fans na gusto nilang sagutin ng characters.

1. Sino sa Zabala brothers ang pinaka-vain? (from gingerbreadprincess)

Si Alfredo. Kailangan daw y'on para maka-attract ng girls. 

2. To Alfredo: kailan ka pa nahumaling kay Lady? (from LifeIsRed)

Nahumaling si Alfredo kay Lady when he was 21. Paborito na talaga niya ang Nissan Skyline GTR because he loves 'speed in the corners'. Lady is not his first car though. Ang unang kotse niya ay isang Honda Civic RS na kagaya ng kay Ali.

3.  For Yaya Maring - kailan nagsimula maging ladies' man si Alfredo? Di niyo po ba pinipingot ang tenga? (from lunatrix)

Yaya Maring: Hay naku three years old pa lang yan ang hilig na magpapansin sa girls! Lagi siya nagpapa-cute du'n sa mga kapitbahay namin. Parati ko namang pinapagalitan pero, wala, gwapo kasi talaga ang baby Alfredo ko. (proud yaya!)

4. To Aidan: Bakit wala s'yang niligawan sa personal? Given na yung reason n'ya sa chapter 42, I mean, lalaki s'ya, hindi ba s'ya nagkagusto or natempt sa totoong tao na nasa palagid nya unlike sa internet? (from LifeIsRed)

Aidan suffers from fictiophilia-- in love with fictional characters. Real girls didn't interest him. He finds love online, kaso parati siyang nawawalan ng interes when they meet him in real life because their internet personalities pale in comparison to the real them. Kaya nga when he met Red, ang unang comment niya, "...para siyang si Angelina Jolie sa Lara Croft." A real girl who embodies the badass beauties that he dreams of. Of course, plus factor na rin na hindi siya kagaya ng ibang babae na nagiging stalker once na-meet siya. Aidan is pretty much a joker, pero he is not comfortable with loud girls. Call it fate, call it love-at-first-sight, but Aidan saw his ideal girl in Red. And when Aidan Zabala wants something, he strives to get it.

5. To Ali: we all know that you care a lot for your family and for Ria (syempre. Pasintabi sa mga nasasaktan. Haha) at alam din namin na ayaw mo at takot ka (siguro? Somehow, I think?) na masaktan sila or may mangyaring masama sa kanila. Pero aside from that, may iba ka pa bang kinatatakutan? (from icenearth)

Ali: Being caught without a plan. I don't like being surprised which is why I prepare answers for multiple scenarios before I go out to the field.

6. Aya, madami na din kayong napagdaanan ni Prince. Pero what if circumstances come to worst at dumating sa point na kailangan mong pumili between your family and Prince, sino pipiliin mo? (from icenearth)

Aya: I hope hindi aabot sa ganoon. I really want my family and Prince to be with me. Ayokong mamili. Ako na lang ang mawawala.

7. Aya: Ano ang feeling na maging nag-iisang prinsesa ng mga Zabala? (from aqsicariza)

Aya: Masaya po. Kasi andami kong mga kuya na sobrang love ako. Tapos madami din ako natututunan sa kanila kasi iba-iba yung mga talents nila. Si Kuya Alphonse tinuruan kami lahat na humawak ng baril, si Kuya Albert sobrang street-savvy, si Kuya Alejandro tinuruan ako ng photography saka outdoor skills, si Kuya Ali ng self-defense, si Kuya Alfredo naman ng driving saka cooking. So masasabi ko na super swerte ako. Si Kuya Aidan magaling mag-bake saka mag-drawing, si Kuya Adam naman parati kasama sa mountain climbing.

It Started in the Library (Completed and Editing)Where stories live. Discover now