Chapter 9: How to Fall

6.4K 170 28
                                        

Chapter 9: How To Fall

Pinipilit kong wag antukin habang nag-eexplain yung group leader namin ng gagawin sa group report. Napansin kong palihim na naglalaro ng PSP si Kiko sa ilalim ng desk habang si Sab naman ay di na tinatago ang paghihikab niya. Nag-vibrate yung phone ko at nakangiti kong chi-neck ang message. Sigurado na ako kung sino ang nag-te-text na 'to.

Prince ko: Tapos nba class mo?

'Wait lng. May group report pa kmi. D2 pa ko CSSP'

Prince ko: Pnta ko jan. Wait 4 me.

'San k?'

Prince ko: NIGS lng. See u in a bit.

"Uy Aya, nakikinig ka ba?" Sab elbowed me.

"Oo, nag-text lang si Prince. Susunduin niya ko," I replied with a smile.

"Grabe talaga magpakilig yung boyfriend mo. Haay... sana ako rin may ganyan." Sab sighed dreamily.

I blushed, "Hindi ko pa siya sinasagot kaya hindi ko pa siya boyfriend."

Sab raised an eyebrow at me, "Aya gusto mo ba si Prince?"

I nodded.

"Gusto ka niya di ba?"

I nodded again.

"So anong problema? Sagutin mo na, dun din naman pupunta yun."

I frowned at her, "Sab, one week ko pa lang siyang kilala sasagutin ko na agad? Grabe naman ang bilis nun." Binuklat ko yung Readings namin sa Soc Sci 1.

"Aya pwede mo naman siyang makilala pag kayo na."

Tinitigan ko si Sab ng matagal, "Ayoko ng ganun Sab. Gusto ko yung first boyfriend ko kilala ko talaga. Ang pangit naman ng memory ng first love ko kung minadali ko lang."

She rolled her eyes at me, "Hay nako girl, andaming nakapilang abangers diyan kay Prince Constantino kaya kung magpapakipot ka pa baka mawala na siya."

"Sab kung gusto niya talaga ako hindi siya titingin sa iba."

"Aya naman, iba na panahon ngayon." she insisted with a frown.

"No Sab, ayoko ng ganung logic. Gusto ko naman yung sigurado ako. I don't want to sell myself short. Kung nililigawan pa lang niya ako mambababae na siya, wag na lang."

"Oo naniniwala naman ako na ang love dapat parang chemical reaction... may reactants, activated complex, at transition state bago magka byproduct ng bagong substance sa dulo pero dapat long-lasting yung ending, di tipong Poof! It's Koko Crunch!"

Sab raised an eyebrow at me, "Sandali lang ha, nawindang ako dun sa dulo. Pulutin ko muna yung brain ko".

"Potek Aya, na-nosebleed ako," Tawa ng tawa si Kiko at sinamaan na kami ng tingin nung leader sa group report.

"Oopsss... may nag-me-menopause ata tumahimik na tayo," bulong ni Sab na lalong nagpahagikhik kay Kiko.

"Baka naman nakakaistorbo kami sa inyo? Baka pwedeng gumora na kung ayaw makinig?" Si Liz, yung highblood na group leader namin.

"Sorry" I apologized quickly. She raised her eyebrow and launched back to discussing the project and how we should divide the work. Sab and I got the role of reporters while Kiko was asked to prepare the written report. Feeling ko nag-tri-trip lang si Liz kaya yung pinakamahirap na part ang sadyang in-assign niya para i-tackle ko. Gosh, ang sarap sapatusin ng mukha!

Nang matapos ang meeting ay sabay-sabay kaming lumabas ng classroom. Andun na si Prince at nakasandal sa pader habang nagbabasa ng Readings niya. Ngumiti siya ng makita kami. Inabot niya kaagad yung bag ko at siya ang nagdala.

It Started in the Library (Completed and Editing)Where stories live. Discover now