Chapter 24
"Sorry kuya Alfred, pinapaimbestigahan na ng mga tao ni papa kung anong nangyari," I ran a hand through my hair. "Ako na lang maghahatid kay Shiro sa bahay bukas. Papalitan ko lahat ng tires."
"Hindi yun yung inaalala ko eh. Okay lang na bumili ng bagong gulong, pero sinong tarantado naman ang gumawa non?" Masama ang mukha ni kuya at nahihiya ako dahil sa sarili naming bakuran nangyari yung insidente.
"May kaaway ka ba?" we sat down on our sala. Pagkatawag ni Aya sa kuya niya wala pang thirty minutes ay dumating na ito mula sa restaurant sa Eastwood.
"Well, pwedeng yung kaaway ni papa sa pulitika pero malabo rin eh. Hindi ganito yung style nila kapag nanggugulo." I sighed. Hindi na ba 'to matatapos?
"Yung ex mo? Alam ko galit kay Diosa yun."
"I don't think gagawin ni Mel ang ganito. I mean confrontational siya, ito hindi eh." Sumasakit ang ulo ko. I felt Aya's hand clasp mine. Hay naku Goddess, ano bang gagawin ko? Sinong gagawa ng ganito? Wait...
"Naalala ko lang nung nasa Banawe tayo may tumawag sa'kin na prank caller. Sabi niya 'Magpakasaya ka na.'" Konektado kaya yun dito? Pero bakit? I saw kuya Alfred's scowl deepen.
"Shet, bakit hindi mo sinabi agad?"
"Hindi ko pinansin. I mean, unknown number at di naman ulit tumawag." I reasoned out.
"Meron ding tumawag sa'kin non sa Banawe pero wala namang sinabi," Aya looked worried.
"Mag-ingat ka baby girl, wag ka kaya muna mag-drive hangga't di nalalaman kung sinong gumawa nito." Kuya Alfred looked seriously ticked-off. Kilala ko na yung ganitong protective mood niya pagdating kay Aya.
"Wag kang lumabas na mag-isa," Sabi ko sa kanya, "tawagan mo ko o kaya magpasama ka sa isa sa mga kuya mo."
"Prince abala lang yun," she protested, "baka naman adik lang na walang magawa yung nag-slash ng kotse ko. We're jumping to conclusions."
"Wow, shet kanino yung Nissan Skyline sa labas?" Excited na tanong ng kapatid kong si Duke pagkapasok sa sala. Bigla siyang natigilan nang makita si kuya Alfredo. "Sorry," he grinned sheepishly.
"Kuya Alfred, kapatid ko si Duke," I introduced the two of them. "Duke si Kuya Alfred, kapatid ni Aya."
"Hello po, nice to meet you," kinamayan siya ni Duke. Pumasok si mama na may dalang juice at kasunod din ang papa ko. Kinamayan din sila ni kuya Alfred.
"Naku pasensya ka na at napasugod ka pa dito," dahil sa nangyari ay sobrang nagbago ang demeanor ni mama. Kung kanina ay medyo aloof siya kay Aya, biglang nag-aalala siya ngayon para sa aming dalawa. Kinausap niya rin ako kanina at sinabi niya na natutuwa siya kasi mukhang mabait si Aya at seryoso sa pag-aaral. Pero sinabihan niya rin ako na huwag masyadong seryoso sa aming relasyon dahil napansin niyang sa aming dalawa, ako ang agresibo. Ang sabi niya, hinay-hinay lang daw ako kasi mukhang si Aya hindi pa gaanong matured at baka biglain ko. Grabe, bilib ako sa instincts ni mama at napansin niya lahat yon agad.
"Wala po yun. Nag-alala kasi ako nung tumawag si Diosa," he accepted the glass and drank the juice.
"Naka-report na ito sa local police at NBI dito sa bayan namin at kakatapos lang rin nung mga imbestigador sa labas," my father looked extremely apologetic. "We'll make sure na malalaman natin kung sino ng gumawa. May CCTV ang front gate namin at meron na ring mga posibleng witness ang lumapit."
"Sige sir, keep us posted po. Mauna na kami ni Diosa kasi gumagabi na," tumayo na si kuya Alfred at Aya para magpaalam.
"Hindi ba kayo maghahapunan dito?" Tanong ni Mama. "Nagpahanda ako ng pagkain."
YOU ARE READING
It Started in the Library (Completed and Editing)
RomanceHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
