Chapter 1: It Started in the Library
"Ugh, ang korni mo Aya. Bakit ba dito mo trip na trip tumambay e ang ganda-ganda ng panahon?" My bestfriend Sab rolled her eyes as she looked disdainfully around the Main Library's lobby.
"May gagawin nga kasi akong research sa KAS," sagot ko na di inaangat ang mga mata sa monitor nang OPAC. Nag-enter ako ng keywords at lumabas sa screen ang mga titles ng libro at location nito sa system.
"Gosh, pwede bang i-Google na lang yan? C'mon ang tagal pa naman 'ata ng deadline." She tapped her foot impatiently and I had to roll my eyes. Sab and libraries don't go together. Ever.
I pushed my glasses up my nose. "Sab hindi naman kasi lahat ng research pwedeng puro Google. Kailangan ng triangulation para ma-assure yung validity ng data. Yung Wikipedia open source 'yon, hindi ka sure sa mga information na nakalagay d'on."
"Haaay... Ang hirap talaga ng anak ng propesor... My god live a little Aya! Para kang hindi freshman niyan e."
"Correction, incoming sophomore."
"Freshie ka pa rin kasi summer pa lang," Sab retorted back.
"Kain na lang kasi tayo sa CASAA, mamaya na 'yang research mo. Two hours pa naman ang vacant bago yung next class," sabi ni Kiko, best guy friend ko. Busy siya sa kakalaro ng PSP niya at pareho sila ni Sab na allergic sa library.
"Mauna na kayo, busog pa ako. Saka pinabaunan ako ng sandwich ni Yaya Maring," sagot ko, ti-nype ko sa I-pad ko ang mga titles na mukhang relevant sa aking research. "See you na lang sa AS steps. Pag wala pa ako, save niyo ako ng seat."
Sab grumbled before she dragged Kiko away with her. Pumunta ako sa Filipiniana section kung saan naroon ang libro na kailangan ko. Hindi kagaya nang ibang estudyante, hindi ako mahilig sa cramming. Mas gusto ko yung natapos ko na kaagad ang homework ko para mas marami akong time na i-review at i-edit ang trabaho ko. Call me perfectionist, or plain weird pero pakiramdam ko kasi kapag hindi ko agad isinulat o ginawa ay mawawala na yung ideas ko. Ika nga, 'When the muse calls, you have to heed'.
Binigay ko dun sa library assistant yung mga titles at naghintay ako na mahanap yung mga libro. I caught him smiling at me, and I couldn't help but smile back. Ang cute ng dimples niya.
"This one is Room-Use Only." He pointed to one title and I nodded. Room-Use kaya hindi pwedeng ilabas. Hay, parang feeling ko dapat 'ata sumunod na lang ako kila Sab pero nandito na ako at hawak na ni cute library assistant ang book kaya kinuha ko na lang rin at naghanap ako ng secluded table kung saan pwede akong mag-concentrate.
Libraries for me are very relaxing. Hindi ko alam kung anong meron sa ambience ng mga silid-aklatan at gustong-gusto kong tumambay dito. Gustong-gusto ko ang mga libro. Kapag may binibili akong bagong libro, inaamoy ko muna at ninanamnam bago ko basahin. Even the pungent smell of old books appeal to me. Kakaiba yung scent nang mga libro na parang hinahanap-hanap ko.
Sabi nga ni Mommy, dapat yata ay nag-Library Science na lang ako kung may love-affair din naman kami ng mga libro. Hindi ko lang talaga maamin kay Mom na kaya ako napilitang pumasok ng Behavioral Sciences ay out of pure chance. Wala lang talaga akong gustong maging, well correction- yung gusto kong maging ay di ko maabot.
I wanted to be a mangaka ever since I was a kid at ang una kong i-napplyan na course sa Diliman ay Fine Arts, second ang Bio. Nung kasalukuyan kaming nag-fi-fill-out ng courses ay wala kong maisip na course para sa second choice kong campus kaya ang ginawa ni Sab ay tinakpan ang aking mata saka tinapat yung daliri ko sa application form. Saktong nag-landing sa Behavioral Science at kahit wala akong alam dun ay sinulat ko na lang rin. I totally forgot all about the incident until lumabas ang results ng UPCAT at nakalagay sa tabi ng pangalan ko ang:
STAI LEGGENDO
It Started in the Library (Completed and Editing)
Storie d'amoreHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
