Chapter 38: This Love
"Brod may topic ka na ba? Shet, wala pa akong idea hanggang ngayon. Baka maubusan ako ng topic..." Sinasabunutan ni James yung ulo niya at mukhang problemado. " 'To parang walang problema ah."
"Nag-iisip pa lang. Sa Monday pa naman yung pasahan ng proposal," I replied as I busied myself with my problem set. Walang magagawa ang pag-wo-worry at baka lalo pa akong magka-mental block. Iisipin ko na lang munang matapos yung kaya kong tapusin. My thesis needs full attention kapag wala na akong ibang iniisip. I vowed kila Mama na gra-graduate ako on time and I'm going to make good on that promise.
I pulled my concentration back dun sa susunod na number. Apat na lang ang hindi ko nasasagutan. There's twenty minutes before my next class so I judged the time to be enough para hindi ako ma-late, tutal kaunting lakad lang naman papuntang Eng'g mula dito sa tambayan namin na nasa tabi ng Main Lib.
"Prince Constantino?" I looked up and froze.
Oh shet, anong ginagawa niya rito?
"Bro, mauna na 'ko ha," James patted my shoulder at napatingin ako sa kanya. Shet, traydor!
Naupo siya sa harap ko at hindi ko alam kung paano mag-re-react. My throat suddenly felt dry.
"Tita Mariz..."
"I thought of contacting you sooner pero nasa ospital ka daw," she sat down on the bench opposite mine. I've only met her a few times pero ibang-iba ang hitsura niya ngayon. She looked like she aged ten years since the last time I saw her.
"My daughter wants to see you." She said simply. Walang paligoy-ligoy. She's the kind of woman who is used to getting what she wants. Napabuntong-hininga ako.
"I'm sorry Tita," I want to be truthful. Seeing me again would give her hope. Ito ang natutunan ko sa conversations namin ni Aya. It's more cruel na paasahin ko siya samantalang wala na akong feelings para sa kanya.
"Don't make me beg, Prince." Even in her misery, she clung to her pride like a lifeline.
"I don't think ako ang kailangan niya. She needs professional help."
"Sinasabi mo bang nababaliw ang anak ko?!" Her face darkened with fury.
"Tita, I think kayo po ang kailangan niya. Matagal niya na po kayong hinihintay," Her slap was so sudden na hindi agad nag-register sa akin yung hapdi. She looked really shaken at nagbabadya ang mga luha sa kanyang mata.
"Walanghiya ka. Tinuturuan mo ba ako kung paano maging magulang sa anak ko?"
"Pasensya na po kayo, hindi po sa ganoon ang gusto kong sabihin pero alam ko pong kung ako ang nasa lagay niya, magulang ko po ang una kong lalapitan." Natigilan siya at tinignan ako ng masama. Hindi na niya tinatago yung luha niya sa mata. Naawa ako sa kanya pero ayokong magpadala. Ayoko sa lahat ang babaeng umiiyak pero mas nananaig sa akin yung mukha ni Aya na umiiyak. Sorry, pero mas hindi ko yata kaya na siya ang umiyak for other people's whims. "Ayoko pong umasa siya."
"Pasensya na po, may klase pa po ako." I stood up, gathered my papers, and excused myself.
"Prince," I heard her call my name once more and I stopped. "Talaga bang hinihintay niya ko?"
"Opo Tita, na-mi-miss na po niya kayo."
-----------------
"Bakit ang haba ng nguso mo?" Pabagsak na umupo sa tabi ko si Issa. Last class na namin at atat na akong makauwi.
"Yung immersion kasi natin third monthsary namin ni Prince." Nung in-announce kanina ni Prof ang schedule ng immersion namin for Anthro 1 sa Zambales ay nalungkot ako.
STAI LEGGENDO
It Started in the Library (Completed and Editing)
Storie d'amoreHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
