Chapter 35: Days With You
"Baby sigurado ka bang okay lang na sa inyo ako mag-stay?" Napangiti ako sa tanong ni Prince.
"Oo sabi. Pero andun si Mommy ngayon para kausapin tayo." I glanced at him at parang namutla siya. "Hala, wag kang kabahan. Hindi masyadong nangangagat si Mommy." I wanted to joke to ease his worry pero parang lalo ata siyang kinabahan.
Mukhang mas matindi pa nga yung kaba niya ngayon kahit na kakagaling lang naming sa stress debriefing ng psychologist na padala ng HQ. Grabe, bilib ako sa network nila Kuya Ali dahil nagawa nilang pagmukhaing simpleng buy-bust operation lang ang nangyari. May ilang balitang lumabas sa local newspapers pero planted lahat iyon at mahigpit ang media black-out lalo na't mayroong mga matataas na tao sa gobyerno ang nasa payroll ni Tiu. Kinausap na rin ng mga pulis ang mga magulang namin at wala silang kaalam-alam na konektado sila kuya sa nangyaring barilan sa BGC.
"Okay lang naman kapag sinabi niyang hindi pwede. Nahihiya tuloy ako sa inyo lalo," he bit his lower lip and I reached across to squeeze his hand.
"Hay naku, takot ka?" I chided him. "Nakipaglaban sa ex-FBI agent at druglord pero takot kay Mommy? Ayaw mo ba akong kasama?"
"Hindi sa ganon," he squeezed my hand back. I returned my hands to the 10-2 position on the steering wheel. "Pero kung ayaw ni mommy mo, igagalang ko yung decision niya. It's her house."
I smiled at Prince, "Si mommy, cool yun. Basta reasonable ka, hindi siya magagalit." My mom is often seen by her students as one of their coolest teachers for her laid-back attitude. Pero don't go overboard with her at may paglalagyan ka. Students learn early on that my mother is not someone you can trifle with.
All throughout my childhood, hindi ko masyadong nakakasama si Mommy although she always makes sure na andun naman siya sa mga important occasions sa buhay namin like birthdays, Christmas, New Year, graduations, at weddings. Nasanay na rin ako na sila Kuya Alphonse at Kuya Alfred ang parating present kapag may school programs kami at kilala naman kasi ng teachers ko na faculty rin ang parent ko.
Maswerte kaming magkakapatid sa privilege na prino-provide ng pagiging faculty ni mommy. Napakababa nang binabayaran namin na tuition fee at libre pa yung bahay na tinitirhan namin.
"Basta Prince maging totoo ka lang kay Tita. Ayaw nun sa sinungaling at mayabang. Tignan mo, pag nagustuhan ka nun, sobrang cool niya." I smiled at Kuya Adam when our eyes met on the rear view mirror. Buti na lang at boto sila Kuya kay Prince kasi panghihinaan din ako ng loob kung siguro ay tutol sila sa aming relasyon.
"Dito na tayo," I announced as we arrived at our house. Hindi naman ito yung first time ni Prince sa bahay namin, in fact lagi naman siyang bumibisita pero ito ang unang beses na haharapin niya si Mommy. Kadalasan na andito siya ay nasa Los Baños si Mommy at pag weekend naman na andito si mama ay kami naman ang lumalabas.
Nag-aantay na si Mommy at pinagbuksan kami ng gate.
"Hello, 'Mmy," hinalikan ko agad ang pisngi ni mommy at nagmano si Prince pagkatapos kong igarahe si Shiro. Hindi namin nakasanayan ang magmano kay Mommy, bagkus ay lagi kaming humahalik. Sa mga grandparents at malayong kamag-anak lang kami madalas magmano.
"Good afternoon po," bati ni Prince. Natawa naman si Mama kasi parang constipated na ewan yung boyfriend ko.
"Pasok kayo." Anyaya niya. Tumuloy na kami at pinaupo ko si Prince sa sala bago ako umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit. Gusto kong harapin niya si Mommy kagaya nang ginawa kong pagharap sa mama niya. I realized na gusto ko din na mapalapit si Prince kay mama pero ayokong i-build-up siya. Gusto ko makilala siya ni mommy as he is.
YOU ARE READING
It Started in the Library (Completed and Editing)
RomanceHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
