CHAPTER 33: The Grimoire

13.1K 407 65
                                    

CHAPTER 33: The Grimoire

POINT OF VIEW: JILL


Nagtungo ako sa aking silid, kinuha ang aking spell book at umupo sa aking kama. Inilabas ko ang aking wand at binuklat ang aklat sa pahina kung saan ko mababasa ang mga basic na spells.


"Hmmm" naghanap ako ng madaling imemorize. When I found a simple spell, I moved my hands in the air and pointed my wand in the vase that was on the table in front of me.


"Glasies" bulong ko. 'Glasies' is a Latin word for 'ice'. Nagliwanag ang dulo ng aking baton at bigla na lamang naging yelo yung vase, ilang saglit pa ay nabasag ito at nagkapira-piraso. "Cool," bulong ko sa aking sarili. Ngumiti ako at muling ibinaling ang aking tingin sa spell book.


"Censum," muli kong bulong kasabay ng pagtapat ng aking wand sa mesa.


"Oh my God! Oh my God!" I exclaimed, the table was set on fire. "Teka, teka!" nagpanic ako at mabilis na naghanap ng counter-spell. "Dispelsatio!" mabilis kong binanggit. It's a spell that disperses another magic. Naluwagan naman ako ng paghinga ng nawala ang apoy.


"Jill," napalingon ako sa nagbukas ng pinto. Si Jack. "Narinig kitang sumigaw, akala ko naman kung napano ka na." expressionless naman niyang sinabi.


"Aruy! concern!" I teased him. Nag smirk lang siya at naglakad papalapit sa akin. "Nag-aaral ako ng spell gaya ng utos mo." saad ko. Hindi siya sumagot sa aking sinabi at umupo lamang siya sa tabi ko. "Panonoorin mo ba ako?" tanong ko.


"Aye." matipid naman niyang sagot. Nag shrugged lang ako at muling nagbasa. Kaso nararamdaman ko ang pagkakatitig niya sa akin kaya hindi ako makapag-concentrate.


"Jack..." tiniklop ko ang libro at sumimangot na tiningnan siya. "Hindi ako makapagconcentrate kung nandito ka kaya umalis ka muna." nag pout ako.


"Ye so mean love, Im still yer captain. Respect." pananakot niya, kaso hindi na ako nawiwindang sa kanya.


"Eh kasi naman tinititigan mo ako, nako-conscious ako." muli kong sagot kasabay ng pagtulak ng mahina sa kanyang mukha.


"Ang pagkakatitig ko ba problema mo?" asked Jack. Napalunok ako dahil nakita ko na naman ang mga mapanloko niyang ngiti. "Or my awesomeness and handsome face distracts you?" inilapit niya ang mukha niya sa akin.


"Ang kapal mo din no?" muli kong itinulak ang kanyang mukha. Nagfake naman siyang natumba at tuluyang humiga sa aking kama.


"Could ye continue that later?" tanong niya sa akin at bigla na lamang niya akong hinila. Nagkatamaan ang mga katawan namin at pinaikot niya ako upang pumaibabaw siya sa akin. Namula na naman ako sa ginawa niya at umiwas ako ng tingin. Grabe, pakikiligin na naman ba niya ako? Medyo nakaka-ilang pero masarap sa feelings, hehe.

"Shall we play a game love?" nakatitig niyang tanong.

"W-what game?" nauutal kong tanong. Question-kiss-answer game na naman ba? Napangiti ako ng maalala ko yung nangyari dati,para tuloy akong nakikiliti. Pero syempre hindi ko pinahalata sa kanya.

"Magtatanong ako, pag hindi ko magustuhan ang sagot mo, gagawin ko lahat ng gusto kong gawin sayo." naka-smirk niyang sinabi. Teka, unfair naman ata yun?

"Paano ko malalaman kung nagustuhan mo sagot ko?" I asked. Baka kasi mamaya mandaya siya di ba? Hirap pa man din basahin ang iniisip niya.

Dead Man's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon