CHAPTER 30: I'm Yours, You're Mine

11.1K 425 98
                                    

Chapter 30: I'M YOURS, YOU'RE MINE


POINT OF VIEW: Andrea


Tiningnan ko pataas pababa ang babaeng nasa aming harapan ngayon. Sino naman kaya itong pangahas na bagong mangkukulam na masyadong makapal ang mukha upang tawagin akong bingi at bobo?


Pasalamat siya may mga kasama kami, kung hindi ay baka naimudmod ko na ang pangit niyang mukha sa lupa. She sat down to recheck Jill's body, I secretly rolled my eyes. Masyado naman siyang papansin at pasikat. pwee!


Napayukom din ako ng kamao sa sinabi niyang naghalikan sila ni Jack. As if naman sinandya yun ni Jack, sigurado akong naghihiganti lang siya kay Jill dahil sa pagkikiss din nila ni Fang!


"A Maiden!?" she exclaimed. Bigla siyang tumayo at napaatras. So ano naman kayang trip niya ngayon?


"Is there any problem?" tanong ni Fang.


"A Maiden witch killed my parents when I was a child," mabilis niyang sagot. "Well, that was a long time ago pero hindi ko makakalimutan ang nangyari," sabi niya. Okay, I hate dramas kaya lumayo ako ng konti sa kanya.


Lumapit naman si Jack sa nakahigang katawan ni Jill at binuhat niya ito.


"Jill has nothing to do with your past, don't you ever think of hurting her," si Jack.


"Bakit ko naman siya sasaktan?"


"Kasi isang Maiden ang pumatay sa parents mo at baka mamaya maisipan mong maghiganti sa pamamagitan ng pananakit kay Jill, kasi galing siya sa lahi ng mga Maiden" ako ang sumagot. Actually, binigyan ko lang siya ng idea nang pwede niyang gawin. Sana nga maghiganti talaga siya. It will be a good fight, a sorceress against a sorceress. *evil grin*


"Don't worry I already buried the past," nakangiti naman niyang sagot. Talaga lang ha? Baka kaplastikan lang ang mga sinasabi niya. "By the way alam niyo ba ang pangalan ng mom ni Jill?"


"Why do you care?" tanong ni Jack, "Let's go men, let's get out of here." nauna na siyang naglakad. Sumunod naman ang buong crew sa kanya.


"Huy! ano nga pangalan ng mama ni Jill!" naparinig kong pangungulit niya kay Fang.


"Hindi ko pa naipakilala ng maayos ang sarili ko sayo, I'm Fang DeVille." nakangiti namang mungkahi ni Fang kasabay ng paghalik sa kamay nung babae. Yuck! gross!


"Ay oo nga pala, hehe! I'm Snow Lucas." sagot naman niya. Flirt!


"Ano nga ulit yung tanong mo?" pati ba naman si Fang ini-entertain ang babaeng ito? grr! Padabog lang akong naglalakad habang pinapakinggan ang usapan nila. Napasulyap din ako kay Jack na buhat-buhat si Jill. Siguro ganyan din niya ako binuhat nung nalunod ako. Sana hindi na magising yang Jill na yan!


Dead Man's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon