CHAPTER 39: The Purgatory

8.7K 372 67
  • इन्हें समर्पित: marahlloyd
                                    

[!!!] SPECIAL MENTION: Hello kay bebe Minette Cuterasu! Mention ko daw...hahaha

[!!!] PROMOTING: Check helly_me story :)

****

CHAPTER 39: The Purgatory

Long before God created Angel and Man, he made the first beasts -- the Leviathans. I personally found them entertaining, but he was concerned they'd chomp the entire petri dish, so he locked them away. Why do you think he created Purgatory? To keep those clever, poisonous things out."

-Death(SPN)

****

POINT OF VIEW: Snow Lucas

It was the birdsong that woke me the next morning. Kinusot ko ang aking mga mata and yawned.

"Hmmm." I inhaled the smell of wind flowers as I opened my eyes. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa ilalim ng malaking puno. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi, nang sigawan ako at ipagtabuyan ni Fang.

"Umaga na pala----" natigilan ako when I felt something warm against my skin. I turned my head and saw someone cuddled against me. "Aaaaaaahhhhhh!" Malakas kong sigaw kasabay ng pagsipa sa kanya palayo sa akin.

"What the!" he landed on his feet in a semicrouch position with his fist closed na parang nakadepensa at handang makipaglaban. Nanlaki ang aking mga mata.

"Oh my God!" I exclaimed.

"Miss okay ka lang?" Mahinahon niyang tanong, tsaka niya inayos ang kanyang tayo. "Akala ko naman kung may nangyari na sayo." he scratch the back of his head and yawned.

Hindi ako nakapagsalita. My mouth still swung open while looking at him.

"Miss?" He snapped his fingers in front of my face. Napakurap ako ng ilang beses bago nakapagsalita.

"Isa kang anghel?" Mabilis akong tumayo at hinawakan ang kanyang pakpak, napaatras naman siya na parang naalarma sa ginawa ko. "Am I dead? Nasa langit na ba ako?" Tanong ko at tiningnan ang paligid.

"Hindi ako anghel." He answered. "I'm a winged man, a fairy." with a short strokes of his wings, unti-unti siyang umangat sa ere. Ngumiti siya sa akin kasabay ng paghampas ng malakas sa kanyang pakpak na dahilan ng paglipad ng buhok ko tsaka ito bumagsak na magulo sa aking mukha.

Inayos ko ang magulo kong buhok tsaka ako tumawa. "Hahahaha!"

"Anong nakakatawa?" Nakaukit sa kanyang mga mata ang pagkadismaya sa reaksyon ko. Dahan-dahan siyang bumaba at ilang saglit pa ay bigla na lamang nawala ang kanyang mga pakpak. Whoa ang cool! Kaya niyang itago ang kanyang mga pakpak. Mukha na siyang normal na tao.

"Ibig sabihin totoo ang mga lahi ni Maleficent?" I asked and giggled tsaka ako muling lumapit sa kanya.

"Sino si Maleficent?" nagtataka niyang tanong.

"Ah never mind." Maikli kong sagot. May nabasa kasi ako na libro dati about sa fairy na iyon. Hindi ako makapaniwala na may nagi-exist pang tulad niya. I thought they were already extinct. Ang alam ko nalang kasi na uri ng mga Fae ngayon ay mga butterfly winged fairies.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Bigla kong naitanong. Mukha naman siyang mabait.

"Ako tagapangalaga ng forest na ito. Nakita kita kagabi na basang basa sa ulan at nanginginig sa lamig. Lumapit ako sayo at nakita kong lumuluha ka habang natutulog." Umiwas siya ng tingin sa akin at tsaka siya sumandal sa puno.

Dead Man's Kissजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें