Napahawak ako sa leeg ko at kinapa yung necklace na bigay sa akin ni lola. Hobby ko kasi paglaruan yung pendant neto minsan kapag nag-iisip ako o di kaya kung malalim yung iniisip ko. Pero teka lang. Bakit wala akong makapa? Napahawak ako sa buong leeg ko, pati na rin sa dibdib ko pero wala talaga akong makapang kwintas. Teka bakit ngayon ko lang napansin?!

 "Huy, nangangati ka ba sizter?" 

 "Yung kwintas ko . . ."

 "Yung kwintas na bigay ni lola dear? Diba never mo 'yon hinubad?" 

"That's the point!"Saang lupalop ba 'yon nagpunta? I can't lose that necklace. I can't, I just can't. Kinalkal ko 'to sa bag ko pero wala. Punyeta saan ko 'yon nilagay?!  F*ck! Asan na 'yon? Naiwan ko ba sa banyo? Nahulog sa bahay? Nasa bed side table? Asaan? Wala akong maalala na hinubad ko 'yon!

"Ah! What if . . ." Inilapit niya yung mukha niya sa akin. "Nahulog mo the night na nakipag jugjugan ka? You know? Sa sobrang wild ninyo baka natanggal or what? Galing ko talaga!" Pumalakpak pa ang gago. 

"Then let's go there-"

"Sis sa tingin mo meron pa 'yon doon? Ilang linggo na rin at madaming nag accomodate sa room na 'yon at ilang beses na rin nalinisan. Imposibleng nandoon pa rin 'yon." 

Sa dami ng pwedeng mawala, bakit kailangan pa yung kwintas na 'yon? How stupid of me. Sa sobrang badtrip ko inagaw ko kay Azen yung laptop niya at inulit ulit yung video. If what he said is true then I must find that guy. I need to get that necklace back.

Paulit ulit kong pinindot yung replay button at ni-zoom ko pa para lang makahanap ako ng clue. 

"They're still looking for the cut footage, either technical error lang 'yon o baka may sumadya talagang gawin 'yon?"

"For what f*cking reason? Mga abno."

Halos dumikit yung mukha ko sa screen. Napakunot noo ako at mas lalong ni-zoom yung part sa kamay ng lalaki. Ngayon ko lang napansin 'to. Nakasuot siya ng singsing at tila may nakaukit dito na symbol? I zoomed in more. Now it looks more like a crest or something? Hindi siya gaanong malinaw pero mukhang nakita ko na ito. Napaka pamilyar niya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita. 

Tinignan ko yung isang clip, ito yung scene kung saan lumabas yung lalaki. Umaga na this time at napa-pause ako bigla. Tinignan ko yung kamay niya at andoon ulit yung singsing pero nakakapag taka dahil nakasuot ito sa kaliwa niyang daliri kesa yung nakita ko kanina na nakasuot sa kanan. Hindi lang 'yon dahil may isa pa akong napansin. May kumikinang sa leeg niya. Ni-zoom ko iyon ng maigi. 

You've got to be f*ckin' kidding me. 

"What? Why?" Inagaw niya sa akin yung laptop. Idinikit niya yung mukha niya sa screen at napanganga siya. "OH MY GOD! THIS IS YOUR NECKLACE!"

"Obviously."

"I MEAN HOW? BAKIT NIYA SUOT?"

"I don't know?" As if na maalala ko pa yung katangahan ko nung gabing 'yon. Paano napunta sa kanya yung kwintas ko? Ano 'to? Bagong modus? Bubuntisin pagkatapos nanakawan? Aba iba din 'to.

"HE'S OUR GUY THEN! WE HAVE A LEAD!"

 "Hmm--"

May naaninag akong asul na buhok na pumasok sa cafe. Ano ba yan litaw na litaw nakaka agaw pansin dito sa loob ng cafe. Lahat ata kami nakatingin sa kanya except kay bakla na naka talikod mula sa view ng entrance. Blue hair? That reminds me of someone. 

"Ano na nga pala yung ikukwento mo sa akin? Yung limang chenes na natuklasan mo?"

He's wearing glasses and a black turtle neck. Sinundan ko siya ng tingin at pumila ito sa may counter. He really looks familiar. Kitang kita siya mula dito sa kinauupuan ko kasi first of all, yung buhok niya asul at pangalawa ang tangkad niya at pangatlo, mukha siyang modelo. Not really my type though. I can already get that vibe.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon