Chapter 4

11.5K 289 34
                                    

Andra Celestine Xanford

"So, Rachel, how's life?" tanong ng asawa ko habang titig na titig sa mata ng kaibigan ko.

"It's good! Sobrang saya at nakakaaliw," sumilay ang isang ngiting makahulugan sa labi ng aking kaibigan na naging dahilan upang mapaiwas ang aking asawa.

"Ang sarap mo pa ring mag luto, Andra. Walang duda kung bakit hanggang ngayon masaya pa rin kayong dalawa," kumento ni Rachel sa pag kain na hindi naman talaga ako ang nag luto.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at tinignan siya ng maigi. "Hindi ako ang nag luto nito, Rachel. Luto ito ni Manang, and besides, wala namang kinalaman ang ulam sa relasyon namin ni Lawrence," she flashed an awkward smile and continue eating her food.

The atmosphere was heavy. The reason why I called Rachel here is because I need to confirm something.

Way back June, I can still remember Lawrence reaction when he heard that Rachel is looking for him. Actually, I trust Rachel so much. She's the gem that I treasured the most because she's been in my side since then. I love her so much and I am sure that I can trust her BEFORE.

"Opss! Sorry, pupulitin ko lang," ani ko at yumuko upang makuha ko ang panyo kong inihulog ko ng sadya.

When I'm about to pick up my handkerchief, I saw Rachel's foot, caressing my husbands foot. Halos isumpa ko sila sa nakita ko at gustong gusto ng kumawala ng mga luha ko pero pinigilan ko ito at nag panggap na wala akong nakita.

Then dinner went smooth—well, not for me. It was a horrible dinner actually. Nakikita ko ang palihim na sulyap nila sa isa't isa pero binabaliwala ko lang iyon dahil I need proofs. Hindi pweding sugurin ko nalang sila bigla at pag sasampalin, lalo na ngayong may bata akong dinadala sa sinapupunan ko.

"Thank you for inviting me," malambing ang boses nang mag paalam sa amin ang BESTFRIEND ko. Nakita ko pa ang palihim na sulyap at makahulugang tinginan ng dalawang impotante at pinagkatiwalaan kong tao.

"Ehem!" kunwaring tikhim ko ng nag tagal ang tinginan ng dalawa.

"Drive safely, Rachel," ani ng asawa ko at tumango naman ang kaibigan ko.

Nang nakaalis na ang sasakyan ni Rachel ay pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa aming silid.

"Hon, Martha called, may gagawin raw kami ng team ko," iyan agad ang pambungad ni Lawrence pag-pasok na pag-pasok niya sa aming kwarto.

"Gabi na ah? Bakit pinapatawag ka pa ng ex mo?" tanong ko habang nakaupo sa aming kama at nasa lap ang laptop.

"I told you, may gagawin ang team namin," medyo naiinis ng aniya.

Tsk, tsk. Masyadong halata, Lawrence. Ani ng maliit na parte ng utak ko.

"Okay," pag-payag ko at itinuon na ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.

Nakita ko pa ang alinlangan at pagkagulo sa mukha ni Lawrence pero sa huli ay pumasok pa rin siya sa walk-in closet namin at nag bihis ng simpling damit.

"Bye, I'll be back," paalam niya at hinalikan na ako sa sentido.

Nang makalabas siya sa aming silid ay dumeretso ako sa aming walk-in closet at kumuha ng mas maayos na damit dahil susundan ko ang asawa ko. Maybe it's the right time to collect evidence. Hindi pweding pabayaan ko nalang siya na mambabae. May bata na rito sa sinapupunan ko. Dalawa kaming  kawawa ng anak ko kapag nag patuloy ang maling gawain ng ama niya.

Nakita kong lumabas na ang kotse ni Lawrence kaya pinasibad ko na rin ang kotseng dala dala ko. Hindi ako lumapit masyado sa kotse ng aking asawa upang hindi siya makahalata. Nakita kong lumiko sa ibang daanan ang asawa ko kaya naman mas lalong lumakas ang hinala ko na mag kikita sila ni Martha ng wala ang team niya.

Huminto ang kotse ng asawa ko sa isang sikat na hotel. Bumaba siya sa kanyang kotse at nag laglagan ang mga luha ko ng makita kong lumabas mula roon ang bestfriend ko. Mabilis na hinalikan ni Rachel ang asawa ko sa labi bago sila nag madaling pumasok.

Bumaba ako sa aking kotse dala dala ang camera ko. Nakunan ko lahat ng nangyari. Mag mula sa halikan nila hanggang sa pag pasok nila sa loob. Nakita kong nasa loob na sila ng elevator kaya dali dali kong inayos ang kalo na suot ko at ang shades ko upang hindi nila ako makilala. Nakita kong sumulyap sila sa akin kaya naman mas iniyoko ko pa ang aking ulo at nag kunwaring tinitignan ang sapatos ko. Nakita ko sa repleksyon na hinawakan ni Lawrence ang kamay ni Rachel at nginitian nila ang isa't isa.

Gustong gusti nang tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko lang dahil ayokong mabuko. Kinakausap ko na ang anak ko sa utak ko na mag pakatatag lang siya dahil ginagawa ko ito para sa aming dalawa. Ang sakit sakit. Ang sakit na 'yung mga taong pinag katiwalaan ko ay siya pa palang man loloko sa akin. Mas okay pa siguro kung 'yung ex niya nalang ang kabet niya at hindi ang bestfriend ko.

Tumunog ang elevator sa 10th floor at lumabas na ang dalawa. Bago pa man mag sara ang elevator ay nakita kong nag halikan nanaman sila bago hinila ni Rachel ang asawa ko sa isa sa mga kwarto. Nang mag sara ng tuluyan ang pintuan ng elevator ay napaupo nalang ako sa gilid dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkapunit ng puso ko dahil sa mga nasaksihan ko.

Matagal na akong may hinala na may relasyon sila. I've seen their DM's pero pinabayaan ko lang dahil baka "friends" lang sila. But as days goes by, pansin ko na rin ang closeness at titigan nila sa isa't isa. May once dati na nahuli ko sila na mag kasama sa opisina ni Lawrence. Nag tatawanan sila sa loob at nang maabutan ko ay halos mag halikan na dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Doon na nag bago lahat ng paniniwala ko. Halos lahat ng Friday na party nila ay mag kasama talaga sila ni Rachel. Sigurado rin ako na si Lawrence ang tinutukoy ni Rachel na boyfriend dahil nga bukod sa may ebidensiya ako ay kita ko pa sa titigan at DM's nila.

"You okay?" rinig ko na ani ng isang malalim at lalaking lalaki na boses. Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang elevator kaya naman dali dali akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko.

"Hey Miss, you okay?" tanong ulit ng lalaki. Hinarap ko siya upang makita ang mukha at masabing okay lang ako, ngunit mistulang umurong lahat ng luha ko ng makita ko ang isang napaka gwapo at napakakisig na lalaki—kaso, antipatiko at babaero.

"I'm fine," malamig na sagot kay Mr. Calix Dellion Saavedra. Ang isa sa mga pinakabatang naging successful dito sa mundo ng business.

"You look familiar," ani niya at tinitigan pa ako na ikinakaba ko. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at dali daling lumabas ng marinig kong bumukas ang elevator at dinala ako sa parking lot.

"Hey! Wait! I think I know you!" naririnig ko ang yabag niya sa likod ko kaya naman mas binilisan ko ang lakad ko at nang makita ko ang kotse ko ay pinaharorot ko ito kaagad dahil nakita kong hinahabol pa rin niya ako.

Shit! Sa dinami-rami naman ng makakakita sa akin bakit siya pa! Arrgh! I hate you, Calix!

————

A/N:
Hi, Chérie! Sorry ang panget ng update and I know some of you eniexpect na 'yung plot na 'yan but don't worry, nag prepare na ako ng twist kaya ayos lang na nahulaan ito haha. Thank you for reading! I love you guys!

Lust in Ocean [Kainuyan Island #1] [COMPLETED]Where stories live. Discover now