Chapter 7.3 - Mga halimaw sa loob ng banga

9 6 0
                                    

UMUPO si Mama sa kama. Hawak-hawak niya ang sunflower na iniwan ko. Kunut-noo niya itong tinignan at bigla siyang ngumiti. Tumingin siya sa akin pagpasok ko. Namumutla pa din siya at hinang-hina.

"Mama!" takbo ako sa kaniya sabay yakap. "Kinuha ka ng mga halimaw kanina! Ayos ka lang ba?"

Ngumisi si Mama, parang hindi naniwala. "Ako? Kinuha ng mga halimaw?" Nilagay niya ang bulaklak sa bedside table.

"Opo! Sumulpot ang banga sa tabi ng bookshelf. Tapos lumabas ang mga halimaw! Kinuha ka nila."

"Paano naman susulpot ang banga? Binenta ko na 'yon sa iba. Di ba nga? Takot ka sa banga."

Kumalas ako sa yakap ni Mama at tumingin sa kaniya. "Hindi na po ako takot sa banga." Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at kinuha ang paborito kong libro. Saka ako bumalik sa tabi ni Mama.

"Sorry, Lulu. Nanghihina si Mama. Ayoko magbasa ngayon."

Umiling ako. "Ako po ang magbabasa para sa 'yo."

Tumawa si Mama nang mahina. "Ikaw ang magbabasa? Okay, sige." Umupo kaming dalawa sa kama at pinalibot niya ang braso sa akin. Tinignan namin parehas ang libro.

Blue ang hardbound cover nito at may pinamagatan na Parade of Stories. Binuksan ko sa page 22 at tumapat sa paborito kong kwento, Dorrie and the Weather Box.

"This is Dorrie. She is a witch. A little witch," pagbasa ko, "Her room is mixed up, her socks are mixed up, and her hat is always on crooked. Her mother is the Big Witch. One Wednesday Dorrie was looking in her closet for her other shoe and she found a picnic basket. Dorrie looked at the picnic bask—" naputol ang pagbasa ko.

"Marunong ka na magbasa?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

Tumango ako. "Tinulungan ako ni Leonardo sa school."

Saka nagpakawala si Mama ng mga luha. Sumisigaw ba siya o umuungol? Ewan ko. Ang lakas. Nakakabingi. Nabitiwan ko ang libro matapos niya akong yakapin nang sooobrang higpit. Naalala ko siyang umiyak noong isang Sunday habang nandoon kami sa The Feast. Tinanong ko si Leonardo kung ba't umiiyak ang Mama ko. Sabi niya, takot daw pareho ang mga magulang ko sa dilim.

Anong ibig sabihin ni Leonardo? Ewan. Basta sabi niya, simpleng yakap lang daw ang kailangan ni Mama. 

Mga Abo sa AlexandriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon