Chapter 10

66 4 2
                                    


PAGDATING niya sa loob ng hospital ay diretso agad siya sa silid ni Matt ngunit wala na siyang naabutan doon. Nanghina siyang napatingin sa bakanteng kama na naayos na. Mukhang matagal ng nakaalis sina Matt doon.

"Excuse me ma'am may hinahanap po kayo?" tanong ng nurse na lumapit sa kanya. Nagtaka siguro ng makitang binuksan niya ang bakanteng silid na iyon.

"S-saan na po ang dating pasyente dito?" tanong niya sa nurse sa garalgal ng tinig. Nahuli na ba siya? Saan pumunta si Matt? Marami tanong lang ang pumapasok sa isip niya. It was just a minor accident at sa braso ni Matt medyo malalang naapektuhan kaya kailangan nitong mag-hospital.

"Si Mister Alcaraz po? Umalis na po sila kaninang umaga balita ko po ay mangingibang bansa sila," saad ng nurse na mas biglang ikinagulat niya.

"Mangingibang bansa? Baka nagkakamali po kayo," sabi niya sa nurse at gusto niya itong tuktukan dahil sa sinabi nito. Anong mangingibang bansa? Agad-agad?

"Basta iyon ang narinig kong sinabi niya sa kaibigan niya yata 'yun, yung Pen-pen ang pangalan," sabi pa ng nurse at bigla ay parang nawalan siya ng kulay sa sinabi ng nurse. Baka nga mangingibang bansa si Matt?

Jusko, paano na ako? Tanong niya sa sarili at umalis siya sa hospital na parang wala sa sarili. Bigla niyang naisip na tawagan si Pen-pen.

"Hello, Lee napatawag ka?"

"Totoo ba?"

"Totoong ano?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Mangingibang—" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil biglang may humablot sa kanyang cellphone sisigaw na siya ng hold-up ng sa paglingon niya ay nakita niya si Matt. Nakatayo sa kanyang likuran. Haggard. Namumugto ang mga mata at habang nakatingin sa kanya ngayon ay mukhang dudungaw na naman ang mga luha nito. Pulang-pula ang ilong halatang nagpipigil na umiyak ng mga sandaling iyon.

"M-Matt," tawag niya sa pangalan nito. Lahat ng gusto niyang sabihin ay parang bigla niyang nalunok lahat. Wala na siyang mahanap na sa salita sa isip lalo na iyong mga pinraktis niya kanina habang papunta siya ng hospital.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" tanong sa garalgal ng tinig at bigla ay yumakap ito sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit kahit na may benda pa ang kanang kamay nito ay pinilit siya nitong yakapin. Naramdaman niyang humagulgol ito. "It must been hard for you, iyong wala kang kasama, iyong nasasaktan ka at wala kang mapagsabihan, iyong hindi kita pinansin at sinisi pa kita sa lahat pero ang totoo ay ikaw pala ang totoong biktima dito. I'm sorry Lee, hindi ko alam, wala akong alam," anito sa pagitan ng paghagulgol at paghikbi nito. Para itong bata.

"Paano mo nalaman?" aniya na naiiyak na din. Kahit umiiyak si Matt ay hindi man lang nabawasan ang paghanga niya dito. Nang mga sandaling iyon ay damang-dama ni Honeylemon ang pagmamahal sa kanya ni Matt.

"Mahalaga pa ba iyon?" tanong nito sa kanya at biglang humarap sa kanya. "Sorry kung nagmukha akong mahina sa harap mo. I-I'm just hurt dahil sa nalaman ko, huwag mong isipin na m-may nawala sa'yo you are still Honeylemon at hangang-hanga ako sayo dahil matatag ka pa din sa kabila ng lahat." sabi nito sa kanya habang nakakulong ang mukha niya sa mga palad nito.

"Isa ka sa mga dahilan kung bakit mas pinili kong gumaling at bumalik sa dati. Pero akala ko ba hindi mo ako tanggap dahil damaged good na ako? Hindi na ako buo?" tanong niya dito ng maalala ang text message sa kanya.

Bigla ay napatiim-bagang ito. "It was Audrey, gusto niyang sirain ka sa akin. Kahapon ng maaksidente ako ay pinakita niya sa akin na may kausap kang lalaki. Nakita ko kayo 'nung lalaki at pinangunahan ako ng selos which was stupid. Ang tanga-tanga ko na nagpadala ako sa galit ko at nagpauto ako kay Audrey. Ginawa niya lang 'yun dahil gusto niyang gantihan si Pen-pen sa pamamagitan ko."

How To Un-Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now