Chapter Nine

39 2 0
                                    


NAKATINGIN si Honeylemon sa may malaking pinto ng hall kung saan idadaos ang taunang selebrasyon ng St. Ignacia Rehabilitation Center for Stress and Trauma. Sa taong iyon ay siya ang inaanyayahang maging speaker para sa mga katulad niyang naging biktima. Dati siyang pasyente ng SIRCST, pero matapos ang ilang taon na gamutan ay nalampasan niya ang lahat at naibalik niya sa normal niya ang buhay niya. Siya daw ang isa sa mga patunay na malalampasan at makakaya ang lahat kapag ikaw mismo ay tinulungan mo ang sarili mo.

"Wala pa ba 'yung bisita mo?" tanong ng lalaking katabi niya. Si Calix, ang pamangkin ng may-ari ng center. Isa ito sa mga motivator niya noon. Ito ang isa sa mga tumulong sa kanya na ma-overcome niya ang kanyang trauma. Naging close sila ni Calix dahil mabait ito at talagang tinutukan siya hanggang sa makalaya siya sa mga trauma niya. Malapit na itong ikasal at masaya siya na natagpuan na din ni Calix sa wakas ang babaeng magpapasaya dito.

Luminga siya sa paligid ngunit wala siyang makita kahit isang bakas ni Matt. Tiningnan niya ang kanyang cellphone ngunit wala pa ding reply ang binata. Ilang beses na niya itong pinadalhan ng text ngunit hindi ito sumasagot. Tinawagan din niya ito pero nag-ri-ring lang din ang cellphone at hindi sinasagot mga tawag niya.

Tinanggap niya na maging speaker para sa okasyon na iyon dahil naisip niya na iyon ang magandang pagkakataon para sabihin niya kay Matt ang lahat. Ngunit bakit wala pa din ang lalaki? Ito pa nga ang excited. Nakita niya si Pen-pen na papasok sa loob ng hall kasama nito si Hiro. Nag-excuse siya kay Calix at mabilis na pinuntahan ang kaibigan niya. Inimbitahan din niya si Pen-pen at Hiro para sa araw na iyon.

"S-Si Matt?" tanong niya kay Pen-pen at bigla itong nagbaba ng tingin. Mas lalo siyang kinabahan ng matagal bago nakasagot si Pen-pen.

"Naaksidente si Matt at nasa hospital siya ngayon kaya hindi siya makakarating," sabi ni Pen-pen at pinipigil ang iyak.

"A-ano? Paanong naaksidente? Bakit?" naging mabilis ang pagtahip ng kanyang dibdib at parang gusto na niyang takbuhin ang hospital ng mga sandaling iyon. Gusto niyang makita si Matt. At bakit ito naaksidente? Naaksidente pa ito papunta sa SIRCST?

"Excuse me Miss Honey pero magsisimula na tayo," narinig niya ang tinig ng isa sa mga facilitator ng center.

Tumingin siya kay Pen-pen at tumango ito. "Just finished this at pupuntahan natin si Matt," ani Pen-pen sa kanya.

Tumango lang siya at bumalik na sa kanyang upuan. Nasa kay Matt ang isip niya ng mga sandaling iyon. Naglalaro sa isip niya kung bakit ito naaksidente. Maingat sa pagmamaneho si Matt. Pero aksidente nga diba? Walang nakakaalam ng aksidente. Anang isip niya sa kanya. Dasal nalang niyang sana ay hindi gaanong malala ang natamo ni Matt.

Nagsimula ang programa ngunit nasa malayo ang isip niya. Nang marinig niya ang pagtawag ng host sa pangalan niya ay agad siyang tumayo at nakarinig siya ng palakpakan. Siguro sasabihin nalang niya kay Matt ng sila lang ang buong nangyari. Siguro mas mabuti ang ganoon para silang dalawa lang at mas magiging sincere siguro ang pag-uusap. Pero bago pa siya makaakyat sa itaas ng entablado ay naramdaman niyang may nag-text sa kanya. Nag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa. Inisip niyang si Matt iyon kaya kahit na nakatingin sa kanya ang lahat ay kinuha niya iyon at binasa para lang mapanganga. Binundol ng malakas na kaba ang kanyang dibdib. Parang nanghina siya at biglang na-blangko. Nawala ang lahat ng lakas ng loob na meron siya. Lahat ng kompiyansa na meron siya ay biglang naglaho.

"Miss Mendoza are you alright?" narinig niyang tanong sa kanya ng host saka doon lang siya biglang natauhan.

Bumangon ka Honeylemon, tumayo ka at harapin silang lahat. Tumayo ka para sa mga taong naniniwala at handang tanggapin kahit na ano ka pa. anang maliit na tinig sa isip niya.

How To Un-Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now