Chapter Two

47 4 0
                                    

Present. . .

"SO paano nga ba magsimula?" tanong ni Honeylemon sa babaeng kaharap. Ito daw si Celestine ang babaeng tutulong sa kanya na i-unlove si Matt. Unlove. Parang ang weird pakinggan. Dahil ang salitang 'love' ay napakapositibo. Parang kapag naiisip mo ang salitang ito, naiisip mo ang lahat ng magagandang bagay sa mundo, cotton candy na pink, Disneyland, rainbow at isang masarap na gising kasama ang isang mabangong kape. Pero ng nilagyan ito ng salitang un, isang prefix na may negatibong hatid sa makulay na salitang love. Parang sinisira nito ang lahat ng ilusyon na binubuo ng isang tao sa isipan nito tungkol sa pag-ibig.

Celestine was not your average girl, hindi ito yung babae na babae lang. She was something. Parang binuo ang salitang wisdom para dito.

"Think of the first time your fall for him. Isipin mo ang unang araw na na-realize mo na mahal mo siya. Doon ka magsimula. Kapag inisip mo 'yun pwede ka ng mag-proceed sa step two." Paliwanag nito sa kanya.

Paano nga ba niya na-realize na mahal nga niya si Matt?

Nineteen days ago. . .

VACANT NIYA ng araw na iyon sa isa niyang subject, nag-announce ang professor niya sa kanyang major na kasunod sa kanyang vacant na wala silang pasok at mayroon lang silang bring home exam kaya naisipan niyang lumabas sa university. Medyo masama ang pakiramdam niya ng araw na iyon. Dumaan nga siya sa infirmary kanina para kumuha ng gamot. Habang papalabas siya ng Montello ay bigla siyang napatigil at napahawak sa kanyang ulo. Medyo may pumitik doon. Kinapa niya ang kanyang leeg at medyo mainit nga siya. Naramdaman na niya iyon kaninang paggising niya pero binalewala lang niya.

Naisip niyag dumiretso na ng uwi sa kanyang inuupahang apartment ngunit ng makita niya ang Hugot Café ay nagbago ang isip niya. Siguro ay tatambay muna siya doon at magpapalipas ng oras. Wala naman siyang aabutan sa kanyang apartment at baka kapag nagmukmok siya doon ay mas lalo lang siyang lalagnatin. Sanay na din naman siyang mag-isa sa loob ng ilang taon. Simula ng mag-Japan ang mama niya ay hindi na ito umuwi. Hindi na din siya umuwi sa dati nilang bahay dahil ayaw niyang balikan ang kung anumang alaala na meron siya sa bahay na iyon. Oo at marami siyang masasayang alaala sa bahay na iyon lalo na sa kanilang village, pero sa tuwing naalala niya ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis doon at iwan ang lahat ng kung ano ang meron sila ay natatabunan ang lahat ng masasayang alaala na meron siya.

Her happy childhood day was stolen by that accident. Ang dati niyang makulay na mundo ay napalitan ng isang madilim at malungkot mundo. She always believe that life was composed of colourful events. Optimistic siya sa lahat ng bagay na nasa paligid niya. Tinatawag nga siyang weird noon dahil mahilig siyang magsuot ng makukulay na damit, palagi din siyang nakangiti. Pero lahat ng iyon binura ng isang aksidente. Doon niya napagtanto na ang buhay ay hindi isang masayang circus, life was cruel. It was reality at iyon ang dapat niyang tanggapin.

"Honeylemon," malakas na sigaw ang nagpalingon sa kanya habang patawid sa kabilang daan papunta sa Hugot Café. Nakita niya si Matt—her heart skip a beat—at hindi niya napigilang ngumiti. Pero hindi niya namalayan na may paparating palang motorsiklo. Huli na para ihakbang niya ang mga paa dahil naramdaman na niya ang malakas na pagbunggo sa kanya ng motor.

Naramdaman niya ang sakit sa may bandang tagiliran niya at ang malakas na impact ng pagbagsak niya sa semento. Everything went black-out. Pero bago siya tuluyang nawalan ng malay narinig niya ang boses ni Matt.

"Mattie," mahinang usal niya. Kasabay ng pagtawag ng pangalan niya dito ay dinala siya ng alaala niya sa araw na tinanggap niya na mahal niya ito ng higit pa sa isang kaibigan.

"WHY are you doing t-this?" tanong sa kanya ni Matt habang hawak-hawak nito ang mga post-it na inilagay niya sa loob ng notebook nito. She is MuntingAlitaptap, ang anonymous na babae na nagpapadala ng mga love notes kay Matt sa pamamagitan ng pagdikit ng post-it sa loob ng notebook nito. Habang hawak nito ang mga sticky notes ay parang problema ng bansa ang problema nito. Matt was torn between two things. Hindi nga lang niya alam kung ano.

How To Un-Love (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant