Chapter Eight

33 2 0
                                    


Present. . .

PINAHID niya ang mga luha sa mata at muling tumingin kay Celestine. Nakatingin ito sa kanya at nakikita niya ang awa sa mata nito.

"Hindi mo naman kayang i-un-love si Matt," komento nito pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa.

"Paano mo nasabi 'yan? Eh, gusto ko na siyang mawala sa sistema ko. Hindi ko na kaya na makita siya at nasasaktan lang ako," saad niya sa babaeng kaharap.

"Eh, sa lahat ng mga sinabi mo parang wala naman akong makitang dahilan para i-un-love mo siya. Alam mo kasi ang step three mahirap gawin 'to. Parang kumbaga kung nahirapan ka na sa step one at step two dito mas mahihirapan ka. This a make or break step." Ani Celestine sa kanya.

Make or break? "A-Ano ba ang step three?" tanong niya dito.

"Lumayo, umalis ka sa lugar kung nasaan siya. Dahil paano mo siya makakalimutan kung palagi mo siyang nakikita. Paano ka mag-mo-move-on kung maya't maya kayong nagkakasalubong. You have to stay away from him kung gusto mo talaga siyang kalimutan." Seryosong wika nito na para bang minsan na nitong ginawa iyon at parang naging effective dito.

Kaya ba niyang muling umalis at iwan si Matt?

Five days ago. .

AYON sa kanilang napagtanungan ay doon daw nila makikita ang biological mother ni Matt. Sinabi ni Matt sa daddy nito at sa mommy nito ang gagawin nitong pakikipagkita sa totoong ina nito. Hindi pa una pumayag ang magulang nito pero ayon sa binata iyon lang ang tanging paraan para matahimik ito at para na rin makalimutan nito ang galit na itinamin sa puso nito. Gusto nalang mabuhay ni Matt ng masaya. And he was proud of him. Nag-matured na ito.

"Hindi mo ba talaga anak 'yung bitbit ni Audrey?" ikasampung tanong na 'ata niya iyon dito.

"Walang nangyari sa amin it was just a short lived romance," ikasampung sagot nito sa ika-sampung tanong niya.

"Sabi ni Pen-pen mula ng maging kayo ni Audrey ay tumino ka na. Head over heels ka pa nga 'dun," aniya dito na hindi mapigilan ang selos. It seems that Audrey was special to him. Hindi sa madamot siya pero—madamot talaga siya. Lalo na at nakaka-insecure ang ganda ni Audrey. Pero medyo may saltik lang. sinabihan ba naman silang sisirain nito ang relasyon nila ni Matt.

"You don't deserve to be happy Matt dahil naging miserable ako pagkatapos nating maghiwalay. Parang inilayo mo lang ako kay Hiro." Sigaw pa nito sa kanilang dalawa ni Matt. Hindi niya alam kung paano sila natunton ni Audrey.

"Ikaw ang umalis dahil buntis ka ng mga panahong iyon. You choose your own fate Audrey huwag mong isisi sa iba ang pagkakamali mo." Ani Matt dito at mas lalo lang nanggigil ang babae.

"You will pay for this Matt. Sisirain ko ang relasyon niyo." At tumalikod ito bitbit ang umiiyak na anak.

Pinalayas pala ito sa bahay ng mga ito dahil nabuntis. Si Matt at si Pen-pen ang sinisi nito sa mga nangyayari dito. Pero ang totoo naglandi pala sa iba si Audrey pero sa iba sinisisi ang naging resulta ng kalandian.

"Anong ginagawa ng nanay mo sa hospital na 'to? Doktor ba siya?" tanong niya habang papasok sila sa loob ng hospital. Nagtaka din si Matt kung bakit doon sila tinuro ng napagtanungan nila.

"I don't know pero hindi naman siya doktor sa pagkakaalam ko," sagot nito at ng makakita sila ng desk information ay agad na nagtanong si Matt tungkol sa pangalan ng ina nito. "Nandito po ba si Amelia Saavedra?" tanong nito sa babaeng nakaupo doon na nakaharap sa computer.

How To Un-Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now