Chapter Six

38 2 0
                                    


"TARA, DITO tayo, dito tayo maupo," ani Honeylemon sa kanya habang hila-hila siya nito papunta sa mga nag-uumpukang mga estudyante. Dahil sa naging deal nilang dalawa ay napilitan siyang pakisamahan ito. He was trying his best na huwag ma-distract dito at mag-focus din sa sariling goal. Kahit na sinabi ni Honeylemon na huwag siyang maging masungit dito ay pinaparamdam pa din niya ang malamig na pakikitungo. But it was hard. Really, really hard. Dahil may mga pagkakataon na pumapasok sa isip niya ang mga napakaraming what ifs para sa kanilang dalawa. And it was not healthy. Dahil bakit kailangan niya iyong isipin. Ang iniisip nalang niya ay dapat matapos ang araw na iyon. Kapag natapos ang araw na iyon ay apat na araw nalang niyang titiisin ang dalaga.

"What so good about fireworks?" naiinis niyang wika dito. Hindi na nakatali ang kamay niya dito. Ah, that crap. It gives him chills. Sa tuwing magdadaiti kasi ang balat ni Honeylemon sa kanya ay parang kinukuryente ang balat niya. Kung ano-ano din ang mga iniisip niya. And again hindi iyon normal. Hindi niya pwedeng pagnasaan si Honeylemon, never, ever.

"Haller, hindi mo ba na-a-appreciate ang fireworks sa tuwing nagsasabog sila ng kulay sa langit. Diba sabi ko sa'yo noon feeling ko parang fireworks nagsimula ang pagbuo sa mundo. So, para sa akin fireworks means beginning. Parang ang sarap magsimula with a bang!" anito na nag-action pa pagkasabi ng with a bang. Para itong timang. Pero cute itong tingnan.

Napangiti siya. Shit, bakit ako ngumiti. At kitang-kita ni Honeylemon na napangiti siya dahil agad na bumaling ito sa kanya.

"Nakangiti ka?" parang gulat na gulat na wika sa kanya.

"Ako? Hindi ah," kaila pa niya at umiling-iling.

"Ngumiti ka eh," panunudyo pa nito sa kanya.

"At bakit naman ako ngingiti? Alam mo para sa akin fireworks is just a thing na paasa. Pagkatapos kasi niyang magsabog ng kulay sa langit ay wala na, balik ulit sa pagiging madilim. Parang patikim lang sayo pero hindi mo naman pala makukuha." Sabi niya dito para iliko lang ang topic at bigla ay sumimangot ito.

"Ang KJ mo," sabi nito sa kanya at bigla ay narinig na nila ang pagsisimula ng fireworks. Biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid nila ng magsabog ng liwanag ang fireworks sa langit. Iyon ang hudyat ng pagsisimula ng Piyesta sa BA. Parang tradition na talaga iyon sa unang gabi ng fiesta. Napatingin siya kay Honeylemon at nakita niyang nakatingala ito sa langit at nakasiklop ang mga palad. Nakangiti ito sa tuwing nagliliwanag ang langit. At mula sa liwanag na nagsasabog sa madilim na kalangitan ay nasilip niyang muli ang Honeylemon anim na taon na ang nakakaraan. Six years ago Honeylemon was hopeful, optimistic at consistent ang kinang sa mga mata. Parang palaging naghahatid ng good vibes.

Ngayon kahit alam niyang pinapakita nito sa kanya na masaya ito ay hindi nito naitago na isa lamang iyong pagpapanggap. She was faking it. And it was killing him in the inside dahil alam niyang pinepeke lang ni Honeylemon ang lahat para sa kanya. Para ipakita sa kanya na ito pa din ang babaeng minahal niya noon. Pero hindi iyon matatago ng dalaga sa kanya. Matagal silang naging magkaibigan at anim na taon man na nagkahiwalay sila may bagay na hindi pwedeng magbago.

That's why you accept the deal dahil gusto mong malaman kung bakit pinepeke nalang nito ang lahat. Aniya sa sarili.

He could refuse her. Pero habang kasama niya ito ay maraming katanungan ang muling bumagabag sa kanya at kahit sabihin niya sa sarili ng paulit-ulit na wala ng halaga na malaman pa niya iyon ay hindi niya maiwasan na isipin ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya.

"Oh, God," narinig niyang bulalas ni Honeylemon at nakita niyang tutop nito ang bibig.

"Bakit?" tanong niya dito at nakita niyang may itinuro ito. May naghahalikan sa di kalayuan mula sa kanila. Napangiwi siya at napatingin kay Honeylemon. Nagtitigan sila ng ilang minuto. May namuong tensiyon sa pagitan nila. Bumilis ang tibok ng puso niya. Nababasa niya ang nasa mata nito. Nauna siyang naglayo ng tingin at pagbaling niya sa kaliwa niya ay may naghahalikan din. Shit naman oh!

How To Un-Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now