Chapter Seven

37 3 0
                                    


THE AIR was kissing their skin. The moon was their witness as their hearts collide once again. Ang puso hindi nakakalimot ng tapat na pag-ibig. Gaano man katagal na lumayo kapag muling nakabalik sa totoong may-ari nito nakakalimutan na ang naging distanya, naging pagkukulang at mga nasayang na panahon. Ang tanging naiisip ng isang pag-ibig na nakauwi ay ang ngayon. Dahil iyon ang mahalaga. Ang ngayon, ang ngayon na magiging nakaraan, at ang ngayon na daan sa hinaharap.

"A penny for your thought?" napatingala siya kay Matt ng marinig ang boses nito.

Nakasandal siya dito. Nasa rooftop sila ng Hugot Café. Doon sila dinala ng kanilang mga paa matapos ang kanilang kissing scene. Ang rooftop ng Hugot ay open din para sa lahat. May maliit din na counter doon para sa gustong umorder. Pwedeng tumambay doon kapag gusto mong mag-isip.

"Masaya lang ako. I can't believe this is happening?" sabi niya dito at ginagap ang mga kamay nito.

Gusto niyang hawakan ang mga kamay nito at huwag ng bitiwan. Natatakot kasi siyang kapag binitawan niya ang mga kamay nito ay bigla siyang magising sa isang magandang panaginip na iyon. Pakiramdam niya panaginip ang mga nangyayari sa kanya dahil pagkatapos ng mahabang paglalakbay niya sa makitid na daan ng buhay ngayon lang siya ulit naging masaya. Totoong masaya.

Naging mahigpit ang pagkakahawak ni Matt sa kanyang mga kamay na maging ito rin ay nakakaramdam ng takot na mawala siya ng mga sandaling iyon. "I've been dating different kind of girls, Lee." Narinig niyang wika nito at hindi niya napigilang mapahawak sa kanyang dibdib ng marinig ang palayaw nito sa kanya. Lee. Naging mabilis ulit ang tibok ng puso niya at parang maraming paru-paro sa kanyang tiyan na nagliliparan ng mga sandaling iyon. Anim na taon ng huli niyang marinig na may tumawag sa kanya ng ganoon. "And I'm being a jerk because I broke their hearts. Akala ko kapag ginawa ko iyon magiging magaan ang pakiramdam ko dahil iniisip ko na parang nakaganti na ako sa babaeng nagluwal sa a-akin at sa babaeng nang-iwan sa akin. Pero sa tuwing ginagawa ko iyon parang nadadagdagan lang ang kahungkagan na nararamdaman ko. I blame my mother for everything at maging ikaw ay nadamay sa galit kong iyon. I thought I hate you dahil iniwan mo ako noon sa araw na pinakakailangan kita. Pero hindi ako nagalit sa'yo. Nagtampo oo, pero, ng makita kitang nasasaktan at nahihirapan ay hindi ko mapigilang hindi mag-aalala.

Araw-araw mula ng bumalik ka ay natatakot ako. Natatakot ako na baka mabuhay ang pagmamahal ko sa'yo at baka iwan mo ako ulit. I'm trying to push you away, pero lapit ka ng lapit. At sa tuwing lumalapit ka nasisira ang lahat ng harang na binuo ko. Nang makita kitang umiyak kanina, alam ko na may malaki kang dahilan kung bakit ka umalis noon, kung bakit tila mailap ka na ngayon sa kabila ng pinapakita mong tawa. Gusto kong malaman ang dahilan mo Lee, gusto kong maintindihan ka, I'm willing to risk everything now because I realize I'm still that stupid Matt who foolishly in-love with you. Kaya wala akong nagtatagal na relasyon dahil nandito ka pa rin," anito at itinuro ang dibdib nito. Kinuha nito ang kamay niya at dinala nito sa may dibdib nito. Naririnig niya ang tibok niyon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"C-Can you give me some more time Matt para ipaliwanag sa'yo ang lahat?" habang dama niya ang tibok ng puso ni Matt sa kanyang mga kamay ay unti-unti nawawala ang takot niya na mahusgahan at baka hindi siya tanggapin dahil sa nangyari sa kanya. She was safe and secured. Iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"Gusto ko din sabihin na let's take one step at a time. Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin agad ang lahat. I know you have big reasons. Kilala kita Lee at alam ko na hindi ka aalis ng walang malaking dahilan. Hindi mo puputulin ang komunikasyon sa amin ng wala lang. Kung kailan ka handa, kung kailan willing ka ng sabihin sa akin ang lahat ay makikinig ako. Don't pressure yourself." Sabi nito sa kanya at niyakap siya.

How To Un-Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now