Chapter Thirty Four

4.5K 100 10
                                    

Chapter Thirty Four

                     Napakatahimik nang buong lugar na kinalalagyan nila Alex at Allison.  Tinignan naman ni Alex si Allison na may ginagawa sa wrist watch niyang may LCD at parang may tinatype si Allison. 

"What are you doing?" Mahinang tanong ni Alex kay Allison. Napatingin naman si Allison kay Alex. 

"I'm assessing the whole data of that building." Simpleng sagot ni Allison nakunot naman ang noo ni Alex.

"Eh?" Nagtatakang tanong ni Alex sa kaibigan. Napabuntong hininga naman si Allison itinigil kung anong ginagawa niya at tinignan si Alex.

"What i mean is, i'm hacking their system. For us to know the blueprint of the whole building." Wika ni Allison sabay balik sa pagpipindot.

Napa-upo naman ng tuwid si Alex at tinignan niya ang buong building. Tinititigan talaga ni Alex ang kabuuan ng building. 

Ng may mapansin siyang limang lalaki na nakikipag-palitan na ng suntukan sa mga tauhan na nakabantay sa labas. Agad na nanlaki ang mga mata niya at nahampas niya si Allison.

"What the fuck?! Alex i was fucking hurt because of what you did bitch!" Singhal ni Allison sa kaibigan. 

Pero hindi na niya pinansin ang sinabi sa kanya ni Allison pero kundi ay itinuro niya ang limang lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanilang dalawa. Nanlaki naman kayang mga mata sa kanyang nakikita.

"Why are they fucking here?!" Bulong ni Allison sa tenga ni Alex. Tinignan naman ni Alex ng masama si Allison.

"They should be in school right know."   Malumanay na wika ni Allison napapatango naman si Alex.

"Fuck," Alex murmured under her breathe and then stand up. Tinignan niya si Allison at tinaasan niya ng kilay.

"Ba't di ka pa tumatayo?" Tanong naman sa kanya ni Alex napakamot maman si Allison sa ulo niya bago siya tumayo at tinignan si Alex.

"I can stay here and instruct you para sa kung anong gagawin mo." Wika ni Allison sa kaibigan napa straight face naman si Alex.

"Madami sila Ally, you really think highly of me. But i can't do it alone not at this state. Marami akong mga sugat sa katawan ko and i'm not yet fully recovered." Sabi naman niya kay Allison kaya naman wala ng nagawa si Allison kundi ang tumayo at saka sinundan si Alex.

Tahimik lang silang naglalakad papasok sa loob ng building. Natigil naman sila ng may grupo ng mga lalaki na ang sasalubong sa kanila kaya naman mabilis silang nagtago sa gilid ng mga kahon na nakalagay kahit saan. 

"Andito na daw yung Phoenix Empire. Tangina inubos nila ang mga tauhan na nagbabantay dito sa harap ng building." Wika ng isang lalaki nagtinginan naman sila.

"Oo nga eh, ampucha tignan mo tayo na tuloy ang papalit sa mga iyon." Pagsasagot naman niya.

"Wala na tayong magagawa ang sabi ni bossing ay kailangan daw natin ang Phoenix Empire para makalaban natin ang Cold Empire."

"Ampucha talaga ayaw na ayaw ko talagang magbantay sa labas."

Naglakad naman ang mga lalaki patungo sa labas habang tahimik lang sila Alex. 

"Oh they want to take us down." Nakakaloko niyang wika. Tumahimik lang si Allison.

"Let's go," wika ni Alex, aalis na sana sila ng bigla siyang hinila ni Allison.

Masama niya naman itong tinignan.

"What?!" Galit niyang singhal sa kaibigan.

"We can use the passage above us. Let's use the attic." Nakangising wika ni Allison habang nakaturo sa taas nila.

Napapurma naman ng 'O' ang bibig ni Alex at suwabe silang umakyat pataas.

~•~•~•~•~•~
       
             Alam nila Phoenix na gagamitin lang sila ng grupong ito para mapabagsak nila ang Cold Empire. He really saw that coming. Kaya naman uunahan niya sila. Kung patayan ang gusto nila more than willing sila Phoenix para makipaglaban.

"Matagal na din nung huli nating laban." Nakakalokong ngisi na wika ni Luke habang naglalakad sila patungo sa silid ng bossing dito.

"I can't even remember, when was the last time i punched a person straight in the face." Malamig na wika ni Heath at napatingin naman sila kay Heath.

Natawa naman ng konti si Vernon atsaka inakbayan si Heath.

"Pare napaka-cold mo talaga. Pakita ka naman ng emotion kahit minsan lang." Natatawang wika ni Vernon kay Heath habang inaakbayan niya ito.

Pabiro naman siyang kinutusan ni Heath. At nagtawanan silang lima.

"Andito na tayo." Wika ni Trevor kaya naman napaseryoso na sila. 

Tumikhim naman si Phoenix at siya na ang nagbukas sa pintuan. Sinenyasan niya ang mga kasama na mag-ingat. 

At pagbukas na pagbukas nila sa pintuan putok agad ng baril ang sumalubong sa kanila.

"Fuck!" Sigaw ni Vernon habang mabilis silang napatakbo sa gilid ng pintuan kung asan may pader. 

"Akala ko ba may napag-usapan na tayo Adam?!" Singhal ni Phoenix sa kakatagpuin sana nila.

"Ampucha! Oo nga't may pinag-usapan tayo pero hindi sakop nun ang patayin kahit na mga tauhan ko dito sa loob ng teritoryo ko!" Galit na wika ni Adam sa kanila.

Napapikit naman sa inis si Phoenix.

"Tangina mo Adam! Yun lang mga tauhan mo sa labas na mga bobo ang kinanti namin! Wala nga kaming nakakasalubong mong mga tauhan kanina papunta dito! Kaya putang ina ibaba mo na yang baril mo!" Mahabang wika ni Phoenix sa kanya. 

Tumigil naman ang putukan ng baril pero nagdadalawang isip pa din sila kung dudungaw ba sila oh hindi.

"Arghhh!" Sigaw ni Adam galing sa loob at nakarinig sila ng putukan ng baril sa loob.

"Fuck!" Rinig nilang mura ng isang babae sa loob.

Kaya naman nagtinginan sila at nakita nila na dumudugo na ang braso ng isang babae.  Habang ang isa naman ay abala sa pag-iwas sa mga putok ng baril at nakikipaglaban.

Pawang duguan naman silang dalawa. At natumba na nila lahat ng mga kalaban nila.  Parang walang magawa sila Phoenix sa kinatatayuan nila.

"Tangina mo! Sabi mo shortcut yun pero ang dami nating nakalaban on the way here!" Pagmumura ng isang babae na pawang duguan na ang iba't ibang bahagi ng katawan.

"Eh sa malay ko ba?! Hindi mo na ako hinayaan na tignan ulit itong mapa ng building kaya tayo napahamak!"

"Anak ka ng kagang kaya nga ikaw ang isinama ko dito kasi alam kong kaya mo!"

Napatigil lang sila ng pagbabangayan nila ng tutukan sila ng baril nila Phoenix, Vernon,  Trevor, Heath at Luke. Kaya naman sabay na napatingin sila Alex at Allison. 

Halata namang nagulat si Allison pero ikinubli niya ang emotion na iyon at malamig nilang tinignan ang mga lalaki.

"We didn't came here to fight you." Malamig na turan ni Alex.

"And we didn't expect to see you here Empress, in all of the places. Dito ka pa talaga namin makikita."

~•~•~•~•~•~

Black's Note:

          Sorry at ngayon lang ako naka-update masakit na masakit kasi yung kamay ko kahapon kaya hindi ko na kinayang mag-type. Hope you like it.  Lovelots 💘💘💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon