Chapter Ten

10K 210 2
                                    

Chapter Ten

               Tahimik lang na nakamasid si Alex sa buong lugar at napatingin siya sa limang lalaki na kakapasok lang sa loob ng classroom nila.

Hindi niya mapigilan kaya naman napatingin siya sa ibang direksyon.

"Fuck," bulong niya sa sarili. Ng may sumipa sa upuan niya. Kaya naman napatingin siya sa lalaking sumipa.

"Umalis ka dyan ako uupo dyan." Maangas naman na sabi ng lalaki sa kanya. Di naman niya ito pinansin.

'Ang mga ganyang klaseng tao mga papansin ang tawag sa kanila.' Sabi naman ni Alex sa sarili niya at naramdaman nalang niya na sinipa nanaman ulit ng lalaki ang upuan niya.

Malamig at nakakakilabot niya namang tinignan ang lalaki. Kanina pa siya nagtitimpi at kapag siya naubusan sasapakin niya na talaga ang letseng lalaking to.

"Phoenix, pre dito ka nalang sa upuan ko huwag mo na lang guluhin ang babae. Naka-una na siya. Dito ka nalang." Napatingin silang lahat sa kanya at siya naman ay umiwas.

Huwag kang traydor sa sarili mo Alex. Walang magandang maidudulot sa iyo yan. Sabi naman ni Alex sa sarili kaya naman naman di nalang niya pinansin ang limang lalaki na nagsasalita sa harapan niya.

           Sa lunch break naman ay tinignan siya ng lalaki na ang pangalan daw ay Luke ay kinukulit siya.

"Hi miss, ano ba kasi ang pangalan mo? Ba't ang tahimik mo? Wala ka bang dila miss?" Makulit na sabi naman nung Luke sa kanya kaya naman napatingin siya dito.

Do you want to die? Inis na sabi ni Alex sa sarili niya at masamang tinignan yung Luke daw.

"Can you please stop?" Walang gana niyang sabi pero bakas sa mukha niya na inis na siya.

"Halika miss, sabay ka nalang sa amin." Sabi naman ng lalaki sa kanya at hahawakan na sana siya sa braso niya ay pinigilan niya ito.

"Stop," Malamig niyang sambit at nakita niya kung paano siya tignan ng lalaki pagkatapos.

"Ang lamig woh!" Sabi naman nung Luke daw sa kanya kaya naman iniwasan nalang niya ito.

"Wait Miss! Ge na!" Sabi naman niya kay Alex kaya naman napairap si Alex sa kawalan.

             Napataas naman ang kilay ni Thea sa nasaksihan niya at inirapan niya si Luke.

"Pwede ba!" Sabi naman ni Thea kay Luke kaya naman napatingin si Luke sa kanya.

"Hi there pretty lady," Malanding sabi ni Luke kay Thea kaya naman nanlaki ang mga mata ni Thea at napa-irap.

"Malandi ka! Pwede ba huwag mong guluhin si Al- este Elisha!" Sabi naman ni Thea sa kanya.

"Oh, Elisha pala ang pangalan niya? Hi Elisha!" Sabi naman ni Luke kay Alex kaya naman napa-irap ulit si Thea.

Hinila naman ni Thea si Alex.

"Tara na nga Al- este Elisha! Kakain na tayo gutom na ako. Atsaka pagod!" Sabi naman ni Thea sa kanya kaya naman mabilis siya nitong hinila sa table kung saan sila kakain.

Napatingin naman si Thea sa kamay niya ng may humawak nito at may binigay ang lalaki sa kanya.

"Call me." Sabi naman ni Luke sabay wink kay Thea kaya naman sa inis ni Thea ay nalukot niya ang papel na hawak na bigay ng lalaki sa kanya.

"Urgh! Ang landi talaga! Naiinis ako!" Sabi naman ni Thea sa sarili.

Napailing nalang si Alex sa mga nasaksihan niya.

~•~•~•~•~

Black's Note:

Para sa mga nagbabasa (kung meron man, meron yan!) Napaisip po si ako. At ang naiisip ko po ay i-unpublish yung ibang chapters at bagohin at kapag nabago ko na po ay saka ko lang ulit ipu-publish. Sana basahin niyo pa rin po! At sana po nagbabasa kayo ng mga Note's ko! Para malaman niyo po ang gagawin ko.

Hope you still support this story kahit na babagohin ko majority ang lahat ng nakasulat! Lovelots! 😘 Support po kayo and keep in reading!

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon