Chapter 24

105 3 7
                                    

Ice pov

"Pagod....." Reklamo ni Aye ng makalabas kami ng gallery.

"Gabi na pala mga cyst!" Tumingin pa muna sa kanyang relo si Mc saka nagpatuloy sa paglalakad. Naging busy kami this week dahil preliminary exam namin at Reading in Philippine History ang last exam namin.

Bukod sa written exam ay may performance pa kami at katatapos lang namin. Ginabi kami dahil sa dami ng naka assign na educ at talagang ipinahuli pa kaming BPEd.

"Guys mauna na kami ah." Paalam ni Vin, Mc, at Rina sakay sa kanilang kotse. Tango lang ang isinagot ko dito.

"Una na ako Ice ah, sasakay pako ng Jeep e." Paalam din ni Aye.

"Sige" Tipid kong sagot dito. Inintay ko pa munang makaalis ito bago ako tumuloy sa kinalalagyan ng bisekleta ko.

"Ano ba kuya!, gabi na umuwi na tayo!" Sinundan ko ng tingin ang teenager na may ari ng boses na yun.

"Teka lang Aze mag intay ka nga alam mong nahihilo pako e!" Kung hindi pa nagsalita si Alas ay hindi ko makikilala ito. Malayong malayo ang itsura nito kumpara nung isang linggo. Ang bangs nito na nakaharang sa kanyang noo noon ay nakataas na nakapagpaaliwalas sa kanyang muka. Sa tingin ko ay mas bagay iyon sa kanya tss.

Naramdaman nyang nakatingin ako sa kanila kaya naman dumapo ang paningin nya sakin.

"What???" Masungit na tanong nito sakin.

"Tsk...tsk.." Iling ko dito saka ako tuluyang pumunta sa pwesto ng bike ko.

"Kuyaaaaaa!!!" Paalis na sana ako ng marinig ko nanaman ang boses ng kapatid ni Alas.

"Sa dami ng susukahan mo dun pa sa malapit sa kotse ko!" Sigaw ng kungsino. Hindi na sana ako makikialam pero nakita ko si Alas na nakasubsob na sa lupa at pinilit itinatayo ng kapatid.

"K-kotse mo pala yan akala ko basurahan." Pagyayabang pa ni Alas. Itong lalaking to ang galing manghagilap ng gulo.

"Teka teka," Hinawakan ko ang braso nung lalaki at tinulak ko paatras. Napabaling ako sa kotse nito kung totoong natalsikan nga ng suka. Wala akong nakitang suka doon kundi talsik lamang ng tubig. Tss ang arte ah!

"At Sino ka namang pakelamera ka?"

"Ako? Ako lang naman ang babasag sa muka mo kapag hindi mo itinikom ang bibig mo." Bored kong sagot dito.

Bigla nya akong susuntukin ngunit masyado pang mabagal ito kaya naman walang kahirap hirap ko itong nailagan. Nang mapagod ito ay kitang kita ang inis sa muka nito.

"Pagod ka na nun? Ako naman?" Nakangiting tanong ko. Akma kong susuntukin ito ngunit bigla itong kumaripas ng takbo at mabilis na pinaharorot ang kanyang sasakyan.

"A-ang yabang mo talaga Nyebe..." Namamaos na komento ni Alas.

"Ang lampa mo talaga Alas." Panggagaya ko sa sinabi nya.

Nakatayo na ito ng ipasok sa kotse ay bigla nalang nakatulog. Tss iinom inom di naman pala kaya.

"Ate, sorry pero I can't drive. P-pwede mo po ba kaming ihatid samin." Nahihiyang Sabi nitong kapatid ni Alas.

"Hmmm" sagot ko at saka kinuha ang bike ko at isinakay sa likod ng kotse ni Alas pagkatapos ay inihatid ko na sila.

"Magkaklase po ba kayo ni kuya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ace & IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon