Chapter 7

105 4 0
                                    

Ice POV

"Kriiiiiiinnnnggggg"

Minulat ko agad ang aking mga mata ng marinig ko ang alarm clock na yun na nasa patungan ng lampshade. Pinatay ko na agad yun. Nag inat muna ako bago pumasok sa c.r saka naligo at nag toothbrush. Inayos ko na ang gamit ko saka bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa dining area para kumuha ng babaunin Kong tubig. Yung mag ina lang ang naabutan ko doon.

"Have a sit"
Bahagya pang binaba ni kuya Anton ang kanyang kutsara at tinidor para sabihin sakin yun.

"No thanks, I need to go now. Doon nalang ako kakain."
Walang gana Kong sagot habang nagsasalin ako ng tubig sa baunan ko.

Nakakunot naman si Auntie Tonette na napatingin sakin.

"What? Tss."
Walang gana Kong tanong saka ako tumalikod at saka pinedal ang bike papunta sa school.

Ng makarating ako ay ipinark ko ang bike ko malapit sa guard. Pumasok na ako sa loob saka dumaretso sa canteen at umorder ng makakain. Although masasarap naman ang pakain sa mansion ay Hindi ko lang talaga gusto ang mga kasama ko doon.

"One tapsilog, one rice"
Bungad ko agad dun sa counter at binigay ang bayad ko.

"Hoy!! Hoy!!"
Nakakarinding sigaw ng kung sino, Hindi ko na ito nilingon at pinabayaan nalang.

"Humarap ka nga, ikaw yung kinakausap ko ah."
Hinila nya yung braso ko,para mapaharap sa kanya. Hmp kingina si Alas nanaman, anak ng!!

"Whut?"
Walang gana Kong tanong.

Salubong ang kilay nya na animoy gigil na gigil sa narinig nya.

"Ako yung nauna, bakit naniningit ka ha?
Nakataas pang kilay na sabi nya.

"Kung nauna ka edi dapat ikaw yung nandito sa tayo ko at hindi ako tss."
Walang gana ko paring sagot.

"Ako ang nauna dyan, nakalimutan ko lang yung wallet ko sa bag"
Turo nya pa sa bag na malapit sa kinatatayuan namin.

"Hindi mo ba ako nakikita ha? Bumalik ako para kumuha ng----"
Dagdag pa nya at pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Ng pera... Oo narinig ko, hindi mo na kailangan pang ulitin, nakakabingi ka na masyado. Hindi kita nakita dahil wala akong pakelam sayo. Sino ka ba para tingnan ko ang bawat galaw mo?"
Pormal kong pagpuputol sa sasabihin nya. Ito na yata ang pinaka mahaba Kong litaniya ah.

Kitang kita ko kung paanong lalong pumangit ang kanyang reaksyon.

"Namumuro ka na talaga ha..."

"Namumuro na ako, o baka naman ikaw kase palagi ka nalang nagpapansin. Tss tabi nga."
Kinuha ko na yung inorder ko at tiningna ko sya.

"Ano?"
Maangas nyang tanong.

"Yung kaliwang braso ko baka pwede mo ng bitawan, enjoy na enjoy ka rin talaga e tsk tsk tsk."
Pag iling iling ko pa.

Napapahiya nyang binitiwan ito ng pahagis. Tinalikuran ko na sya papunta sa table ko.

"May araw ka din Nyebe!
Naiinis nyang sigaw sakin. Agad ko syang nilingon at sinabing

"Kahit gabi pa yan Alas!"
Nakangisi Kong sagot, hindi ko na sya tiningnan nun at saka pinagpatuloy ang pag lalakad at naupo. Nagsimula na akong kumain matapos Kong magdasal, ngunit Hindi ko pa lahat nauubos ng may pumatak na hilaw na itlog sa plato ko. Iniangat ko ang aking muka at tumambad sakin ang pagmumuka ng babaeng tumalapid sakin kahapon lang.
Blankong muka ang iniharap sa kanya, ngiting success ang kanyang ipinakikita sakin. Tumayo ako at Hindi ko inaasahang Nak ng!!! May bumato sakin ng itlog na buo ngunit nabasag to sa muka ko.

"Tigas talaga ng muka mo, nyebeng Nyebe talaga hahah"
Si Alas na tawang tawa sa kanyang ginawa at nakahawak pa sa kaniyang tiyan.

Hindi ko napansin na marami na ring estudyante ang nandoon at nanonood.

"Hahahaha grabe yung pagbato ni pareng Ace, shapol na shapol"

"Bagay lang sa kanya yan, manlilinlang!"

"Akala nya yata ay maaawa sa kanya si Ace duhhh!!"

"Go prince Ace, paalisin mo na yang babaeng yan"

Marami pa akong naririnig ngunit wala akong pake alam. Napabuntong hininga ako at ipapagpapatuloy ko na sana ang aking paglalakad ng hinila nung tumalapid sakin ang kaliwa kong braso at isinampal sakin ang itlog. Kingina! Lord patawad sa gagawin ko.

"Go Flery! Nice one."

Sigaw pa nung isang lalake.
Nilingon ko sya at sinabing

"Pero mas nice to."

Hinila ko ang buhok ni Flery at saka sinabunotan at inihampas ko ang pagmumuka nya sa plato kong may hilaw na itlog na nilag yan nya kanina. Rinig na rinig ko ang kanyang pag iyak na nangangatal na hinahawakan ang kanyang muka. Nginitian ko sya ng nakakaluko at kinuha ko ang Plato at paharap ko itong ibinato sa pagmumuka ni Alas, babasagin ito kaya nabasag ito sa kanyang muka dala ng malakas na impact nito. Bahagya pang dumugo ang kanyang ilong.

"Fuck!"
Yun nalang ang nasabi nya matapos nyang kapain ang ilong nya.

"Oh my god nakakatakot sya"

"Kingina pre , shooter ang isang to"

Hindi ko na pinatagal pa ang eksena. Lumingon lingon pa ako at iginala ang paningin.

"Ice at your service"
Pamamaalam ko sa kanila saka isinakbit ang aking bag at naglakad papuntang comfort room.

Please know me well.

Ace & IceWhere stories live. Discover now