Chapter 17

93 2 0
                                    

Ice pov
"Ice"

Bago pa man ako tuluyang makapasok sa kwarto ko ay tinawag ako ni Cae

"Ano iyon Clyde Alfonso Earlie Ferrer?"
At saka ako ngumisi sa kanya.

Kitang kita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay.

"Nakakairitang marinig ang buong pangalan ko. Hindi nakakatuwa yun Ice."
Seryoso  ngunit May bahid na inis na sagot nya.

"Hahaha kapag ako ang aasarin mo ay ayos lang sakin tapos ikaw hindi? Hindi naman yata patas yun pinsan?"
Pagtawa ko pa ng bahagya sa kanya.

"T-tinawag mokong pinsan?"
Nauutal pa sya nyan.

"Oh ay bakit pinsan naman talaga kita?"
Paliwanag ko dito

"Hindi Lang ako sanay. Sana ay dinagdagan mo na rin ng kuya para mas ayos bwahahahahaha."

"Tss. Anyway ano bang sadya mo?Bilisan mo dahil akoy magpapahinga na."

"Bukas ay darating na yung folder na naglalaman ng iyong pinapahanap na impormansyon."

"Hmmm, salamat"

"Walang anuman,"
Saka sya lumapit sakin ay ginulo pa ang buhok ko.

"Aisst, aisst."
Pagtataboy ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

Naglinis ako ng katawan saka sumalampak sa kama.

Ano nanaman kayang pakulo ni Alas bukas? Timatamad na akong patulan ang pikon na yun. Hindi ko alam Kung bakit galit na galit sya sakin. Aisst! Bakit ko ba iniisip ang isang yun.

Nagsisimula ng magulo ang pinaplano kong pananahimik sa pag punta dito. Kahit saang lugar ako pumunta ay kakambal ko na ang gulo. Nagkaroon na ng mga bagong tao sa buhay ko. Ayukong mapalapit sila sa akin hindi dahil ayuko sa kanila kundi ayuko silang mapahamak ng dahil sakin. Bahala na aisst.

You're still a mess Ice.
Hindi ko namalayan ang pagbigat ng mga talukap ko.

K I N A B U K A S A N

Nagising ako ng maaga, dahil sa tunog ng bagong alarm clock. Tsk. Bumangon nako at naligo.  Dumaretso na ako sa dining area. Pati mga maid ay hindi pa gising tsk. Kumuha nalang ako ng tinapay at pinalamanan iyon ng liver spread.

Umupo ako sa isa sa mga upuan doon.

"M-ma'am Ice...."

Nilingon ko ang nagsalita at isa yun sa mga maid.

"P-pasensya na po kayo ma'am k-kung hindi ko kayo naipagluto."
Tumungo sya at hindi magawang tumunghay.

"Ayos lang, wag ka ng tumungo dyan at ipagluto mo na ang mga tao dito sa bahay. Bilisan mo na at siguradong yari ka nanaman kay Auntie Tonette."

"S-sige po"

Agad syang kumilos at hindi ko na pinansin. Nagtoothbrush lang ako at saka umalis.

Wala pang masyadong estudyante sa school. Maging ang Gallery ay hindi pa bukas.

Humiga muna ako sa isa mga bleachers doon at saka ipinikit ang mata.

Kahit tahimik ang paligid ay ramdam na ramdam ko ang paglapit ng kung sino. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Alas na nakatungo sakin. Tsk tsk tsk. Ang aga aga ito agad ang bumungad sa akin.

"Ang pangit mo!"
Sigaw ko sa kanya. At kitang kita ko naman ang pagkibot ng kanyang bibig. At nangangalit na mga panga.

"A-anong? huy Nyebe ang kapal naman ng muka mong sabihan ako ng pangit. Anong tingin mo sa sarili mo maganda? Tch. Para sabihin ko sayo muka kang Kriminal sa suot mong hoodie!"
Sigaw nya mismo sa muka ko.

Ace & IceKde žijí příběhy. Začni objevovat