Chapter 10

95 4 0
                                    

Ace pov

Halos mag gagabi na rin ng makarating kami sa village nina Fae. Hinintay ko pa syang matapos sa klase nya kanina, baka maencounter nya pa si Nyebe. She get into my nerves arghhh!!!

"Ace, dito nalang ako."

Napalingon ako sa kanya ng sabihin nya yun.

"Diba doon pa ang bahay nyo?"
Nagtataka kong tanong.

"Ahh kase may idadaan pa ko sa classmate ko e, hindi kase sya pumasok kanina kaya wala syang notes you know im the president kase e."
Nakangiti nyang paliwanag.

"Ah oo nga pala, napakaresponsible naman talaga ng babygirl ko."
Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"Syempre, Ace? Anong plano mo ngayong nandito na si Mavis?"
Hindi ko inaasahang itatanong nya yun.

Agad namang nawala ang ngiti ko sa labi ng maalala ko si Nyebe.

"Hmmm, bukod sa pahirapan at pagbayarin sya sa ginawa sayo wala na."
Seryoso kung sagot.

"Ahh okay, sige Ace gabi nadin una na ko."

Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan sya.

"Good night Ace, thank you sa pag hatid."
Matamis na ngiti ang binigay nya sakin.

"You always welcome babygirl"

Ngintian nya ako at akmang hahalikan ako sa labi, ngunit umiwas ako. Ayukong gawin nya gun hanggat hindi pa kami. Bad boy lang ako pero may respeto ako sa babae except sa pambubully ko kay Nyebe.

"Ahh sige,"
Yun nalang ang naisagot nya at naglakad na sya papasok sa loob.

Pumasok na ako sa kotse upang makauwi nadin.
Past 15 minutes ay nasa bahay na din ako.

"Ginagawa mo dyan?"
Tanong ko kay Aze, na nakasandal sa may pinto habang titig na titig sa cellphone nya at naka kunot ang noo.

Sa halip na sagutin ako ay pinasadahan nya lang ako ng tingin. Nak ng!

"Huy Aze? Baka may boyfriend ka na ha? Tigil tigilan mo yan,malilintikan yan sakin!"

Nangunot ng todo ang noo ni Aze.

"Huy din kuya! Sinasabi mo dyan? Hindi ko nga makasundo mga feeling gwapo na mga lalaking yan e tapos boyfriend pa.! Wag nga ako kuya!"

Tinawag nya pa ako ng kuya ng lagay na yan.

"Oh e anong dinadrama mo dyan?"

"Ito kaseng kaklase kong bida bida! Ibinuking ga naman ako kay Ma'am! Palibhasa kase ay matalino e, o ede sya na ang napakagaling mag isip at nagagawa lahat ng ipagawa ni Ma'am! Oh ayan o kuya inaaway ko sa groupchat."

Mahaba nyang litaniya habang ipinakita nya sa akin ang cellphone nya.

Binasa ko ang mga convos nila doon at halos sila nalang ang mag ka chat, merong iilan na nanunukso sa kanila.

"Bata ka pa nga aking kapatid, napaka pikon mo! "

"Don't tell me kuya siya pa kinakampihan mo?"
Pagtataas nya ng kilay sakin.

"Kahit saang anggulo mali ka kapatid, kaya hala pasok mag aral ka doon, hindi yung puro computer games ka lang.!"
Tinuro ko ang hagdan sa kanya at iminustra ito.

"Kuya??"

"Walang kuya,kuya akyat!"
Pagtataboy ko sa kanya.

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Bading!"
Pahabol nya pa.

Tsk. Tsk. Mukang nakahanap yata ng katapat ang aking kapatid ah. Angelo Grey Erdee Ferrer, ang pangalan ng kaklase ni Aze, haha mga junior nga naman oh.

Dumaretso na ako sa dining area at naabutan ko si Manang Maria doon.

"Manang, si Aze ba kumain na ng hapunan?"
Tanong ko sa kanya.

"Ay oo iho kanina pa, mula ga naman kaninang pagkarating ay nagpaluto na, ay ala e, muka ngang may kaaway ang batang iyon."
Pagtawa pa ng bahagya ni manang.

"Alay meron nga ho, nakahanap nga yata ng katapat ang aming bunsong iyon"
Pagtawa ko naman.

"Ay sya nga pala iho, tumawag ang inyong ama, hindi daw makakauwi si Sir Gilbert ngayong buwan, marami daw syang hinahabol na sales sa kumpanya nyo e. Pasensya na rin daw at hindi sya makatawag."
Paliwanag in Manang Maria.

"Amm, ayos lang manang naiintindihan ko naman si daddy e."
Sagot ko naman.

"Napakasipag ng inyong amang yun Ace."
Dagdag pa nya.

"Sinabi nyo pa manang"

"Oh sya ipaghahayin na kita."

Ipinaghanda nya na ako ng makakain at pagkatapos noon at umakyat na ako ng kwarto  para maglinis ng katawan at magbihis. Napaka laki ng bahay na to pero kami lang ni Aze at maids ang tao. Nakakalungkot isipin na wala na naming ina.
Hayyss. . Nahiga na ako at nakatulog na din.

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil sa sunod sunod na katok ni Aze.

"Oo na! "
Tanging sagot ko nalang.

Naligo at nagbihis na ako ng mabilis saka bumaba para kumain ng breakfast.

"Bakit ba ka aga aga nangangatok ka Aze ha?"
Salubong ko sa kanya.

"Dahil malelate ka nanaman kuya,"
Sagot nya habang sumusubo ng pagkain.

"Oh hindi ka pa ba nasanay Aze?"
Tanong ko uli.

"Sasakay ako sa kotse mo kuya."
Tumigil sya, at tumingin sakin.

"Susunduin ko si Fae, Aze."

"Hahaha sus! Sa aga nung magpapansin sa school, ay paniguradong mauuna pa yun sayo."
Pagtawa nya pa.

"Aze!'

"Okay. Okay fine! Basta sasakay ako sa kotse mo, ayaw ko ng magpahatid Kay manong e. That's the order of your sister!"

"Tss."
Yun nalang ang nasabi ko.

Nang matapos kami, ay nangunguna pa syang sumakay.
Hindi nalang ako nagsalita, sumakay na din ako at wala na ngang nagawa kundi magdrive papuntang school.

"Ingat kapated!"
Yun nalang ang nasabi ko bago sya bumaba.

"Sila mag ingat sakin kuya!"
Sabay kindat pa nya.

Tsk. Tsk. Ipinark ko na ang making kotse at saka naglakad papasok ng Mabini building.

Nasa daan palang ako papuntang lobby ay naririnig ko na ang mga ingay ng estudyanteng nagkukumpulan doon.

Nagmadali ako upang makarating agad doon. Hinawi ko agad ang mga ilang students doon para maka daan.

"Na sa susunod na padapuin mo  ang palad mo sa katawan ni Aye ay hindi mo na mararanasan pang makahawak ng kahit ano sa mundong to lalaki!"
Galit na galit at nakahawak sa kuwelyo ni JP si Nyebe.

Duguan ang ilong ni JP at  nanghihina.

Agad naman akong lumapit upang hilahin si Nyebe. Ngunit hindi sya nagpatinag. Bigla nyang binaba si JP at hinarap ako.

"Be careful to the people who you pull, baka ikaw ang bumagsak Alas pag nagkataon."
Ngisi pa nya.

Hindi ako nakagalaw saking kinatatayuan.

Inakay nya si Aye upang makatayo na hindi ko napansin mula kanina.

Maraming nagbigay daan sa kanya. Minasdan sila ng lahat hanggang makalayo at mawala saming paningin.

"Akayin nyo sya! At dalhin nyo sa clinic!"
Pag uutos ko sa ilang estudyante.

Lumapit si Fae sa akin na umiiyak. Niyakap ko naman sya at inalo upang tumahan, siguro at hindi nya nagustuhan ang kanyang nakita kaya sya at umiiyak.

Teka ano bang nangyari?
Pakshettt Nyebe!!!!

Ace & IceWhere stories live. Discover now