Chapter 2

143 5 0
                                    

Ice POV

Over acting? Tss that boy is the best example for that words. Never mind TSS. Birthday ni Gelo, kaya bumili ako ng cake para sa pinaka paborito kong nilalang sa bahay. Mabilis lang ang byahe kaya nakarating agad ako sa bahay.

"San ka galing?"maawtoridad na tanong ni Kuya Anton mula sa aking likuran.

Nilingon ko sya at pinakita ang cake na binili ko. Pero agad ko rin syang tinalikuran at umakyat sa hagdan. Wala akong ganang makipag usap sa kanya as always.

Tok Tok tok..

"Gelo?" Malumanay Kong tawag sa kanyang pangalan.

"Pasok, bukas yan ate Ice." Kahit Hindi ko pa nakikita ang kanyang muka Ay Alam Kong nakangiti sya.

Binuksan ko ang pinto, at nakangite na pumasok.

"Happy birthday Gelo!" Bungad ko sa kanya at saka inabot ang cake na binili ko para sa kanya.

"Wow!"

Lalong namilog ang kanyang mga mata ng abotin ang dala ko.

"Thank you ate Ice"
dagdag pa nya at saka ako binigyan ng mahigpit na yakap.

"Happy 16th birthday Gelo!" Pangwakas Kong bati sa kanya.

"Salamat ate Ice, you're the awesome cousin I've ever had."
Si Gelo habang hinihiwa ang cake.

Nginitian ko nalang sya. Saka ko tuloyang sinarado ang kanyang pinto.
Masyadong matipid si Gelo, ayaw nyang pinagkakagastosan sya. Tsk. Tsk.
Nakakapagod ang araw na to.

"Huy! "

"What?"
Walang gana Kong tanong.

"Kakain na ng hapunan," Si Clyde na nakasandal pa sa may pinto ng kwarto nya.

"Oh?" Taas kilay ko uling tanong.

"Hindi ka nanaman kakain? haha" Sya na mukang nang iinis nanaman.

"TSS. Busog ako"
Hindi ko na inintay ang kanyang sagot dahil mangungulit lang sya ng mangungulit.

Haysst... Gusto ko ng matulog para mapaghandaan ang pagpasok ko sa school.

K I n a b u k a s a n

"Ileez Carmela Ellie!"

Agad akong napamulat ng marinig ko ang nakakabinging boses ni kuya Anton.

Kakatok pa sana sya sa pintuan pero ag binuksan ko agad ito.

"You're late Ice! First day of school mo sa bago mong school tapos malelate ka? For god sake's"
Habang sapo nya ang kanyang noo.

"Tapos ka na Antonio Ferrer? Next time wag mong banggitin ng buo ang pangalan ko, baka Hindi mo magustohan pag ako ang tumawag sa buong pangalan mo."
Tatalikuran ko na sya ng..

"By the way, its 4:00 o'clock not 5, maybe you should ask him kung bakit advance yang orasan mo."
Sabay Tinuro ko  si Clyde na utas na ng katatawa habang  nakasandal sa pintuan nya na katapat lang namin.

Liningon naman sya ni kuya Anton.
TSS. Pareho silang gago.
Nawala ang antok ko dahil dun. Naligo narin ako at nauna ng kumain sa kanila. Dahil ayuko silang kasabay. Except Kay Gelo na tulog pa. Naka jogging pans lang ako at maluwag na 3/4 shirt. I have no uniform yet.

Kinuha ko nalang yung Chrome Hearts X Cervelo Mountain Bike ko at saka pinatakbo ito papuntang school.

Mabilis naman akong nakarating sa school dahil medyo malapit lang ito sa bahay.
Mula sa wall ng School gate Ay makikita na ang bulletin na May nakasulat na 'Welcome Bravehearts"
Sa unang tingin palang ay makikita na ang karangyaan ng school na to. Nag tataasang buildings at ang canteen ay May second floor at napakalawak. Ito ay hugis spaceship. Well structured kumbaga.
New school huh. Pumasok na ako at saka ipinark ang aking bike sa parking lot na malapit sa nga dormitories ng school at malapit din sa Tempus. Masyado pang maaga pero marami narin na estudyante. Nagbasa na ako ng ilang info about sa school na to. Kilala ang First Asia Institute of Technologies and Humanities (FAITH) sa pinaka sikat at malaking School dito sa Batangas. Maraming kilalang tao ang pumapasok dito at kung sino man sila, wala akong pakelam!

Tiningnan ko muna ang schedule ko.
BPEd 1st year/Gallery/7:30

Habang binabasa ko pa ang ilang info sa schedule ko ay may biglang tumalapid sakin.

"Oops,"
Pagsasawalang alam nya kunware.

Aray. Dinig na dinig ko ang pag hagikhik ng ilan. Bumangon agad ako at tiningnan ang babaeng tumalapid sa akin. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Walang duda, bitch!  . Sa halip na bigyan ko sya ng Mga ginto Kong salita. Umiling iling lang ang naging tugon ko sa kanya. Tinalikuran ko na sya at saka nagpatuloy sa pag lalakad.

"What the!"
Hindi makapaniwalang sambit. nya.

Hindi pa ako nakalayo ng...

Aray. Nanaman, may bumuhos sa sahig ng cooking oil at Hindi ko to napansin. Ang sakit ng owet ko, hindi agad ako makatayo.
Kung kanina hagikhik lang ngayon ay malalakas na tawa na ang pinakakawalan nila. Nakayuko ako at naghihintay kung kelan mababawasan ang sakit upang makatayo.

"Welcome back, Mavis"

Iniangat ko ang muka,  inelean ko pa ng konte ang aking muka. Ito yung nakabangga ko kahapon ah.
Nakangite sya pero mapait. Naiinis na ako sa Mavis na yun ah. Sino na sya.

Tumayo ako, at hinarap ang gagong to. Tiningnan ko sya sa Mga mata.

"Very well appreciated, Cake boy!!"  Ako na Parang wala lang.

Nanlaki ang kanyang Mga mata sa likod ng kanyang salamin.

"By the way, I'm Ice not Mavis."
Nakangite parin ako, saka ko sya tinalikuran para hanapin ang C.r.

"Psst. Uyy Ako nga pala si Aye."
Kulbit sakin nong nerd sakin mula sa likuran ko.

"And? TSS."
Takang tanong ko naman.

Kumunot naman ang noo nya dahil sa inasal ko.

So many bully and nerd

Ace & IceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang