Kabanata 29

282 22 1
                                    

+ + + Ika Dalawampu't Siyam na Kabanata

"Bii saan mo ba gustong pumunta ngayon?" bungad niya pagkapasok ng dressing room. Ibinaba ko ang laptop at sinalubong siya ng ngiti. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Hindi ka ba muna magpapahinga? kakatapos palang ng shooting mo ah tapos may fan signing ka pa mamaya." wika ko sa kanya.

"Bii ikaw naman ang makakasama ko at masaya na ako doon, tumayo ka na nga lang diyan at mamamasyal muna tayo." wala na akong nagawa sa pagpupumilit niya, kaya tumayo na ako at siya namang pag akbay niya sa akin.

"Mauna na po kami!" paalam niya sa mga staff.

"Hindi mo dapat ako tinatawag na bii pag nasa trabaho ka, manager mo ako at iyon ang alam nila." nakasimangot kong wika dito pagkapasok namin sa kotse niya.

"Hindi naman nila alam tsaka sanay na sila na Bii ang tawag ko sayo kasi they thought that it's your nickname." saad niya saka siya tumawa.

"Tawa tawa ka diyan, naku ha pag may nakaalam talaga na tayo, ewan ko nalang." napatingin siya ng seryoso sa akin.

"Hihiwalayan mo ba ako pag mangyari iyon?" bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Sinong nagsabi na hihiwalayan kita? Bubugbugin lang kita noh!" banta ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Ayos lang sa akin, alam ko naman na bubugbugin mo ako sa pagmamahal mo eh." he said while smiling.

"Ang korni mo! Magmaneho ka nalang nga diyan!" I snapped.

"Opo boss!" ngiting ngiti niyang wika.

Labing anim na taon palang ako at siya naman ay labing walong taong gulang na at oo manager na niya ako. Kung tutuusin ay masyado pa akong bata para maging isang manager pero nangyari pa rin dahil ang agency na humahawak sa kanya ay pag aari ng pamilya namin. Magdadalawang taon na ang relasyon namin bago pa man siya mag artista ay kami ng dalawa, kaya nang nalaman kong ang agency namin ang maghahandle sa kanya ay nagvolounteer na ako kay dad na ako ang hahawak at mangangalaga sa image niya but no one knows na boyfriend ko ang lalaking to. Hindi namin pinapaalam para walang makahadlang.

Mag iisang taon palang siya sa music industry pero sobrang sikat na siya sa buong bansa at maging over seas. He belongs to a boy group pero sa kanilang lima ay siya lang ang hinahandlelan ko. May manager din naman sila na humahawak sa buong grupo kaya kung iisipin bale dalawa ang manager niya.

Ayaw kong may makaagaw sa kanya kaya masyado ko siyang tinututukan. Akala ng mga tao ay magkaibigan ang turingan namin at para sa kanila ay walang malisya ang mga pag akbay at paghalik sa pisngi ko ng hinahangaan nila. Pero iyan ang pagkakamali nila dahil hindi nila alam na may relasyon kaming dalawa. Hindi pa siya sikat ay kami na kaya matibay ang pagsasama namin dahil madami na rin kaming pinagdaanan. Kahit patago ay maayos ang relasyon namin, nagtagal kami hanggang sa pangatlong taon ng relasyon namin.

Akala ko ay wala ng katapusan ang kaligayahan ko pero dumating ang time na madaming tungkulin ang ipinatong sa akin nang mamatay ang aking ina. Pinaupo ako sa high council para palitan ang nabakante niyang pwesto. Naging sunud sunod ang mga ipinapagawang misyon sa amin kaya napabayaan ko ang relasyon namin.

Ibinilin ko muna siya sa manager ng grupo nila dahil hindi kakayanin ng oras ko. Nagkamali ang ilang galaw ko tulad nalang ng pumunta ako sa meeting hall ng kompanya ng pamilya namin para kausapin ang aking ama. Pagkapasok ko ay mukha niya ang una kong nakita, hindi ako nag isip, agad ko siyang niyakap dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon