Kabanata 43

166 16 5
                                    

+ + + Apatnaput tatlong kabanata

"F*ck!" I shouted out of frustration.

"Boss, kahit boss kita sana naman ay hindi niyo ginawa iyon kay Purple, asawa mo siya."

"Shut up!" I hissed at Blaze.

Napakapakialamero. Hinabol ko nalang ang asawa ko. Damn it! Bakit ko ba nagawa ang bagay na iyon?!

Masyado lang akong nastress sa tumawag sa akin kanina, for pete's sake! Hawak na pala ng aking ama ang lahat ng council pati na din ang hari. Hindi naman talaga siya ang tunay kong ama dahil matagal ng patay ang totoo kong mga magulang pero siya ang nag aruga at umampon sa akin ng naulila ako. Kalaunan ay kinuha din ako sa kanya ng aking lolo noong nasa walong taong gulang na ako dahil nagkaroon sila ng alitan at minabuting kalimutan nalang namin na may mga natitira pa sa angkan namin.

Nagpatuloy kaming mabuhay ng aking lolo sa Ice Land na nakatatak sa isip namin na kaming dalawa nalang ang nabubuhay sa lahi namin. Tapos ngayon, mangyayari ang bagay na ito?

Nakatakda na daw ang pagpaslang sa hari ng emperyo namin kaya sobra akong naprepressure ngayon! At kailanga'y bukas na kami maglayag patungong Ice Land. Pero paano ko ililigtas ang mga bihag nila kung wala sa akin ang keeper ng Fire Empire? Paano ko magagawa ang plano ko kung kulang ang mga keeper na nasa kamay ko?!

Akala ko'y tahimik na sila ama na namumuhay sa kung saang lugar at hindi ko aakalaing may balak pala sila gumawa ng malaking gulo. Kung hindi pa ito sinabi sa akin ng hari ay hindi pa ako makakapaghanda sa muli nilang pagbabalik. Binigyan ako ng hari ng mission na hindi ipinabatid sa high council, sa pagitan naming tatlo lamang ito ng aking lolo at ng hari. Ito ang misyong magliligtas sa emperyo kapag dumating ang kaguluhan ngayon.

Hindi niya sinabi kung ano ang dapat kong gawin instead ay hinayaan niya akong mag isip ng solusyon at ito nga ang aking naisip. Ang makipagpalitan. Bawat emperyo ay nagtataglay ng kayamanan at ang keeper ang isang kayamanan na dapat iniingatan at itinatago. Kapag itinrade ko sa kanila ang mga ito, ang pagpapalaya nila sa mga bihag ang kukunin kong kapalit.

Balak ko nga ba talagang ipahamak ang mga keeper? Lalo na ang aking sarili?! Hindi ako bobo para gawin iyon. Dahil panlinlang lang ang gagawin kong trade gamit ang mga keeper. May nakaabang akong plano doon. Sinubukan kong makaimbento ng kakaibang program para itrade sa black market. At ang kapalit? Dagdag pwersa.

Madami akong nalalaman tungkol sa kalakalan sa black market at masasabi kong hindi basta bastang nilalang ang nagpapatakbo nito. Hindi sila mga gangster o mafia pero bukod tangi ang kapangyarihan nila. Hindi sila mga ninjas pero nakakatakot ang kakayahan nila. Hindi sila diyos pero masasabi kong immortal sila.

Sino sila? Sila ang mga nilalang na nagtatago sa sinag ng araw.

Totoo sila at nakakasama natin silang nabubuhay sa mundong ito. At walang sinuman ang nagtatangkang kumalaban sa kanila. Mapanganib dahil kakaiba ang kakayahan nila. At sila ang kailangan ko para manalo kami sa digmaang sinisimulan ng kalahi ko.

May malaking posibilidad kasi na hindi sila kakagat sa panlilinlang ko at labanan ang magaganap.
Pero hangga't maaari ay gusto kong maiwasan ang magkaroon ng sagupaan. But I was left with no choice kundi makipagkasundo sa black market dahil sa ginawang ito ng asawa ko.

Hindi kompleto ang keeper kaya isang labanan ang magaganap ngayon. Kung hindi kasi nakialam ang manipulator na iyon ay hindi naman makukuha ang maling keeper. Pero may mali din ako, dapat sinabi ko sa kanya ang misyong ito. Ang malaking problema na kinakaharap ng emperyo namin, ang problema sa pagitan ng lahi ng hari at ng lahi namin.

Kaya kong kalabanin ang sarili kong lahi kahit ama ko pa ang sangkot dahil alam kong mali ang gagawin nila. At dahil sa sobrang stress ko ay ang asawa ko ang napagbalingan ko nito. B*llsh*t!

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon