Kabanata 28

275 22 4
                                    

+++ Ika Dalawampu't Walong Kabanata

Sinundan ang future wife? Don't tell me ay naglalandi na rin ang Melon na iyon?

My, my.

Hindi ko napansin na isa pala siya sa mga may interesanteng pagkatao bukod sa magkambal nitong kapatid.

"I missed you." saad ng isang boses.

Napatigil ako sa pagbubukas ng kotse ko, nasa likod ko na pala siya at bago niya pa ako mayakap ay mabilis ko na itong iniwasan.

Kitang kita ko ang matatalim niya na tingin pero nababakas ang pagtatanong.

"Bakit Pearl?" he asked coldly.

"Lumayo ka sa akin Makubex." tugon ko sa malamig din na tinig.

"Saan ka ba nagpupunta?! Hindi ka na nga umuuwi sa bahay mo at hindi ka na rin nagpapakita sa akin! Maiisang linggo ka na ring hindi pumapasok!"

"Pumasok ako ngayon." I said coldly again.

"Ano bang nangyayari sayo?"

"Sabi ko kailangan mong lumayo sa akin."

"For what?!" bumahid sa tono niya ang inis pero di ako magpapaapekto ngayon--

"Naiinis ako sayo!" I said at mabilis na pumasok sa kotse ko at pinaharurot iyon.

Nyeta! Kung hindi ako sinabihan ni Lavender na may paparating daw na laruan ay hindi naman ako papasok ngayon. Sa mansyon ako ngayon tumutuloy habang inaasikaso ang kaguluhan.

Pakiramdam ko talaga ay naririto na sa bansa si Himeno at Gab. Pero nasaan sila?

+ + + + + + + + + + + + +

"Boss, nahanap na namin ang kinaroroonan ng keeper ng Water Empire, huhulihin na ba namin?" napatingin ako sa kanila.

"Sinong nakahanap?"

Napakamot silang tatlo. Naramdaman ko kasing hindi si Blue ang nakakita dito dahil buong araw lang itong tumambay.

How'd I know? Gulong gulo ang training grounds, at doon mahilig tumambay ang Blue na iyan.

"Si Black." sagot ni Gray.

Napatingin ako kay Black, maasahan talaga siya.

"Good job, isunod niyo ang tatlo bukas."

Nagsingisihan sila.

"Oo naman boss!"

+ + + + + + + + + + + + +

"Kamusta?"

"Nakakadiri talaga ang ginagawa nila, hindi ko kinaya kaya nagbreak muna ako sa pagmamasid."

"At least alam na natin ang isa sa mga kuta ng Fire Empire."

"Pero hindi ko mahanap kung saan nila itinatago ang keeper ng Wind Empire, walang bakas eh."

"At wala pa tayong nalalamang dahilan kung bakit nila ito ginagawa."

''Yeah, kamusta na ang Jaevey ko?" paiiba niya ng usapan.

"May iba ng babae." simple kong sagot.

"What?!" halos dumagundong ang boses niya sa buong mansyon at parang papatay na siya ng tao.

Buti nalang wala dito si Violet. Malilintikan talaga ang babaeng ito kung nagkataon.

"Just kidding." I smiled sheepishly.

"Leche!" singhal naman niya at nagbuntong hininga.

"No worries Lemon, ikaw pa rin ang mahal ng lalaking iyon." nakangiti kong pahayag.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon