Kabanata 37

170 15 0
                                    

+ + + Ika Tatlumpu't Pitong Kabanata

Napaupo ako sa sahig dahil sa dinatnan namin. Ang mga tauhan ni Leniel ay nakahandusay lahat. Ang mansion ay parang dinaanan ng bagyo, patunay na nanlaban talaga sila Leniel. Ang paligid ay puno ng dugo. Pero bakit? Bakit kailangang mangyari ito?

"A-alexa... " nanghihina kong tawag sa kanya. Nakita kong natulala ito sa paligid at unti unti ng naluha sa dinanas ng mga tauhan ni Leniel. Hindi nagtagal ay isa isa niyang pinulsuhan ang mga ito.

"B-buhay pa sila, we need to bring them to the hospital!" she said.

"No, wag mo silang dadalhin doon, a-ako na ang bahala." pigil ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko na inabot ang phone ko at tinawagan si Ken.

"Yo! Beast friend, bakit ka napatawag?"

"Call the attention of Uno, magdala kayo ng tig iisang van at pumunta kayo sa address na imemessage ko sayo." pagkasabi ko nito ay ibinaba ko na ang tawag at itinext sa kanya ang location ng bahay ni Leniel.

"Purple! May hindi sa kanila napuruhan pwede natin siyang tanungin." imik ni Euxine kaya agad ko siyang nilapitan. Kung hindi ako nagkakamali ay Dennis ang pangalan nito.

"M-miss Purple." tawag niya sa pangalan ko.

"A-anong nangyari?" nanginginig kong tanong.

"Ki--" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil parang may bumara sa lalamunan niya.

"Tubig Euxine." utos ko na agad nitong sinunod.

Pumunta siya sa kusina at binigyan ng tubig si Dennis. Pagkainom ng lalaki ay nagsalita na siya.

"Galing kami sa kuta ng Fire Empire, kakaalis lang din ng tatlong gang nang sinugod kami dito. Ako ang naiwan dahil may pinag usapan pa kami ni Boss. Mga assassin ang sumugod sa amin na pinapangunahan ng apat na lalaki. Walang laban ang mga baril namin sa bilis nilang kumilos. Lalo na iyong apat. Nanlaban kaming lahat lalo na si Boss pero hindi namin sila kinaya." pahayag niya na ikinagulat ko.

"What?! Leniel is strong! Magaling siyang makipaglaban! He's the king of the underground world tapos matatalo nila ng ganon ganon nalang si Leniel?"

"Malalakas sila, as if they could read our minds at ang bawat galaw namin."

A-ano? Paano nangyari iyon?

"I-is he dead?" natanong bigla ni Alexa.

"Hindi, pero sugatan siya gaya namin. Dinala siya ng mga sumugod sa amin at hindi namin alam kung saan nila dadalhin si Boss."

Punyeta! Bago pa man ako may masuntok sa sobrang galit ay nakarinig na ako ng paparating na mga sasakyan.

"Beast friend! Andito na kami-- Anong nangyari dito?!" napanganga sila sa kanilang nadatnan.

Lumapit ako sa kanila. "Bring them to the mansion." utos ko.

Huminto sa harap ko si Prime. Seryoso ang mukha niya. "Time to stop playing, it's time to get serious 5th." he said coldly at nilampasan ako.

I clenched my fist. Hindi na biro ang mga nangyayari.

+ + + +

"Bessy, sleep ka na."

"Lemon, ginagawa mo naman akong bata eh." saad niya ng nakanguso. Natawa nalang ako.

"Ikaw din, baka pagbalik ni Purple ay matarayan ka na naman niya." pananakot ko sa kanya.

"Haay, fine." pagsuko niya saka umayos ng higa sa kama.

Nang makitang komportable na ang higa niya ay lumabas na ako ng silid. Akmang papasok na sana ako sa silid ko nang biglang may maramdaman akong paparating na malalakas na aura. Leche! Natunton na ba kami?

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon