Kabanata 7

467 31 14
                                    

+++ Ika Pitong Kabanata

Agad akong naligo at nagkuskos ng katawan, pahamak talaga ang mga iyon. Gawin ba naman akong pa-in?

Pero ang tanong ay anong ginagawa doon ni Lemon? Akala ko ba natutulog na siya ayon sa sinabi ni Prime? Mukha atang naisahan na naman ni Lemon si Jaeve.

Sa ngayon naging maayos naman ang misyon namin. Kailangan masubaybayan ang taong iyon bago gumawa ng susunod na galaw.

Napangisi ako sa sitwasyon ng UNO ngayon. Gumagawa ang grupo ng galaw na hindi naman ipinag uutos ng emperyo dahil ang paghahanap lang sa lalaking iyon ang kailangan nilang gawin at hindi na kailangan pang bantayan at subaybayan.

Anong iniisip ng pinuno namin? Simple lang, wala siyang balak ipaalam sa emperyo na nahanap na namin ang taong iyon at balak niyang akuin ang responsibilidad sa pagsubaybay upang hindi mapahamak ang kasintahan niya. Dahil oras na maiparating sa emperyo ang pagkakahanap sa target ay ipapadala si Lemon para gawin ang nararapat. At iyon ang iniiwasan ng aming pinuno. Ayaw niyang ipadala doon si Lemon.

What a very caring boyfriend?

Napangiti nalang ako nang maalala ko ang pinagdaanan ng pinuno namin, isip bata siya kaya madali ko lang napaglaruan ang sitwasyon nila pero minabuti kong tapusin na ang paghihirap niya at paglapitin na sila.

Isn't it too nice of me? Lihim akong natawa sa sariling iniisip. Ako mabait? Saan banda?

Ibinalot ko na ang tuwalya sa aking katawan at lumabas na ng banyo. Sakto naman ang pagkakabukas ko sa pinto ng banyo nang pabalang na nagbukas din ang pintuan sa aking silid.

"What are you doing in my room?" malamig kong tanong sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa drag--" nabitin sa ere ang sasabihin niya nang makita niya ako sa ganitong ayos. Nanlaki pa ang mga mata niya at unti unting namula ang mukha.

What was that? Nakatitig lang siya sa akin at parang hindi mapakali ang mukha nito. Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng nakatapis lang?

Napataas ako ng kilay. "Turn around magbibihis ako." utos ko sa kanya na mas ikinalaki ng mata niya.

"What?!"

"Ayaw mo? Manunuod ka ba habang nagbibihis ako?" I asked him teasingly.

''Hell no! In your dreams!" sigaw niya at agad na tumalikod. Bakit siya nauutal at namumula?

Pumasok na ako sa walk-in-closet ko at doon nagbihis ng pantulog.

"Hey! bilisan mo diyan!" naiirita niya pang turan.

"Bihisan mo kaya ako, baka mas mapadali?" wika ko na mas ikinaasar nito.

"What the hell Purple?! Mandiri ka nga!" napataas ako ng kilay at lumabas na sa walk-in closet.

Mandiri? Bakit? Puno ba ng bulutong ang katawan ko? Sa kinis at puti kong ito?

"Whatever you say." bulong ko sa tenga niya nang makalapit na ako sa nakatalikod niyang pigura.

Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ko. Nakakalimutan na ba niya kung sino ang kasama niya? Isang warrior at council lang naman, who can make a swift move in just a snap of seconds.

"So, anong pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya nang makalayo ako at nakaupo na sa kama ko.

Lumingon siya sa akin habang namumula pa rin ang mukha niya.

Napangisi ako. This guy-- ang sarap niyang asarin.

''Anong ginagawa mo sa--" before he could even finish his sentece I decided to cut him off.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon