Kabanata 45

165 10 6
                                    

+ + + Ika Apatnapu't Limang Kabanata

"Ano?! Pero Ama! Hindi ba't ako ang dapat niyong ipapakasal sa prinsesa ng Fire Empire?! Bakit si Jaekeil ang ngayo'y nagpakasal sa kanya?!" sigaw ng makisig na binata at bakas sa mukha nito ang sobrang galit.

Bakas sa mukha ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang kalungkutan samantalang napailing nalang ang ama nitong nakaratay ngayon at noo'y nanghihina na sa sakit nito.

"P-pasensya na anak, hindi ko akalaing magmamadali sila. Alam kong napagkasunduan na ng ating mga lahi na ikaw ang ipapakasal at iyon din ang napagsang ayunan ng kabilang lahi. Pero sadyang may mga ganid talaga sa kapangyarihan sa Glacies Clan kaya hindi na nila hinintay ang pagdating mo. Kung tutuusin ay pwede namang maghintay hanggang sa dumating ka. "

Lingid sa kaalaman nila ay kasintahan talaga ng binata ang prinsesa ng Fire Empire kaya laking tuwa nito nang malaman niyang gusto ng tapusin ng magkabilang emperyo ang gulo sa pagitan ng dalawang makapangyarihang emperyo. Dahil sa kagustuhang mapadali ito ay nagbigay siya ng suhestiyon sa pagpapadali sa pagresolba ng problema.

Sinang-ayunan ng Nivis clan at Glacies clan ang sinabi niya na kung saan ay ipapakasal ang prinsesa ng Fire Empire sa isa sa binata na maharlika galing sa Ice Empire.

Ang Nivis Clan ang nagplano, sa pamumuno ng binata na nagngangalang Indigo at balak din ng binata na sa angkan nalang nila manggagaling ang ipapakasal sa Prinsesa. Buong puso niyang sinabi sa harap ng mga taga Ice Empire na handa siyang magpakasal sa prinsesa kapalit ng katahimikan.

Natuwa ang lahat dahil hindi na kailangang magsakripisyo ng iba na matali sa babaeng hindi pa nila nakikita. Ngunit noong nagkataong may misyon na ginawa si Indigo sa malayong lugar ay nagbago ang mga nakaplano. Pagbalik nito ay halos mawasak ang mundo niya nang mabalitaan niya na ikinasal na ang kasintahan niyang prinsesa sa kaedad niyang binata na mula sa Glacies Clan na walang iba kundi ang matalik niyang kaibigan na si Jaekeil.

Hindi siya makapaniwala dahil nagawa siyang baliktarin ng mga kaemperyo niya lalo na ang hindi pagsunod sa mga nakaplano. Hindi na raw makapaghintay ang Fire Empire. Dahil nga wala siya kaya ang matalik niyang kaibigan na si Jaekeil nalang ang ipinakasal at doon niya napag alaman na ang ipapakasal ay siyang uupo sa pwesto ng namatay na hari ng Ice Empire.

Noong mga panahon kasi na iyon ay namatay ang hari nila kaya ang maharlika galing sa Nivis at Glacies Clan ang pansamantalang namumuno dahil napaslang na din sa digmaan ang reyna. At sa kasamaang palad ay hindi nabiyayaan ng tagapagmana ang mga ito kaya sa dalawang maharlikang lahi kukuha ng papalit sa posisyon.

Sobrang nagalit si Indigo dahil sa mga sakim sa kapangyarihan na taga Glacies Clan at ang malala pa nito ay binalak ipapatay ang buong lahi nila ng mga taga Glacies Clan para wala na daw itong kaagaw sa kapangyarihan. Ngunit ang hindi alam ng Nivis clan ay may itinatagong dahilan ang mga taga Glacies clan kaya nagawa nila ang lahat ng ito.

Ang kasalukuyang reyna ng Ice Empire ang nagsabi kay Indigo sa balitang iyon. Patago pa din kasi silang nagkikita kahit kasal na ang dati nitong kasintahan.

Sa gabing maalinsangan ay sinugod nga ang lugar kung saan nanunuluyan ang Nivis Clan pero dahil napaghandaan nila iyon ay pinalabas nilang nagtagumpay ang Glacies sa paglupig sa kanila. Umalis sila sa isla dala dala ang hangaring papabagsakin ang emperyong iyon at papalitan ang nakaupo sa pwesto.

Dala dala sa puso ni Indigo ang paghihiganti sa taksil na mga taga Glacies clan lalong lalo na sa taksil niyang matalik na kaibigan.

+ + + +

Nakakulong ang high council pati na din ang lahat ng mga nasasakupan ko except sa mga warriors. Ako naman ay nakatali sa isang napakadilim na kwartong ito. Sobra ang galit ng Nivis clan sa aming lahi lalong lalo na si Indigo. Dahil ito sa librong iyon. Ang libro ng propesiya ng mga ninuno namin, na kung tawagin ay ang Book of Secrets.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon