Chapter 40: Taken

42 2 0
                                    

Maxton's pov

Kasama ko sina Troy dito sa shop kung saan kami laging nagpapatahi ng mga sinusuot sa mga formal meetings and such.

Nagpagawa ako ng white suit with gold linings sa sleeves upto the back. Talagang parang prinsepe. Naks naman.

"Sige, pumili na kayo ng gusto nyo." sabi ko.

Kinuha ko yung suit ko saka ako nag sukat. Tinignan ko ang oras.

5 pm to midnight ang start at 3 pm na. Sa hotel namin gagawin ang ending-prom.

After ko mag sukat, saktong lumabas na din sina Elijah.

Tumango ako sa mga napili nila.

Almost puro midnight blue and black ang mga pinili nila.

"Teka, san ba magaganap?" tanong ni Troy.

"Sa Monshi Hotel" sabi ko sakanila.

"Monshi? That's where Ellie is staying right?" really? So don sya ihahatid mamaya?

"Can I invite your sister? She might want to join" sabi ko.

"Well, she really like parties" sabi ni Brian.

"If she wants to" sabi nya. Tumango nalang ako.

Pagkalabas namin, andon na din sina Scorpio.

"Wala po si Ms. Ellie.. Pero nang tanungin namin ang mga naka kita sakanya, pumunta na po ata sya sa hotel" sabi niya. Tumingin kami kay Elijah.

"Where are you?"

"Tell me next time"

"Okay, bye"

"She's in the hotel" sabi nya. Anong meron at parang ayaw naman non mag pahatid? Napailing nalang ako.

Sumakay na kami sa kotse at dumiretso sa hotel. Dito na kami sa labas nag bihis, since di naman na namin kailangan magcheck in pa ng room para lang mag bihis.

Nakita ko sina Nathan na papasok sa loob.

"Pasok na tayo" sabi ni Troy.

"Teka lang" sabi ko.

"Grand entrance ba tayo bro?" tanong ni Jae.

Tumango ako.

"Yown! Hahaha"

Lumabas ulit sina Nathan. At nang makita nila ako lumapit sila sakin at nakipagfist bump.

"Woah, outsiders.. Kris is the name" sabi niya at nakipagshake hands.

"Nathan Park"

"Troy Samson"

"Alex Wu"

"Allan Gomez, All nalang"

"Luke Sy"

"Rex Gonzales"

"Caloy Alonzo"

"Brian Almarez"

Tumingin sila kay Elijah.

"Woah, Akiro version 2.0" sabi ni Kris. Siniko sya ni Nathan.

"Elijah ang pangalan nya mga bro"

"Teka? Asan si Max?" tanong ni Luke.

"She's not answering my calls. And I don't know if she'll attend this" sabi ko.

"Guys!" napatingin kami sa likuran nila. Bumaba sa dalawang kotse sina Sara, Devine, Marie, Liam, Tyron, Kylie, Jed, and Killian.

"Wala pa rin si Max hanggang ngayon?" umiling kami.

Takahashi's Lost HeiressWhere stories live. Discover now