Chapter 9: Saki Who?

142 6 0
                                    

Maxine's pov

Monday, 10:00 am
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐠𝐨𝐦𝐞𝐫𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲
Day 1, Sports Program

Day 1 ng sports program at lahat ay naghahanda para sa mga kanya kanyang laro.

Nakapagpractice na din kami. Volleyball ang sinalihan ko dahil yun talaga ang nilalaro namin nina Aiko.

Sara, Devine, Aiko, Kyla, Iyah, Kelsey, Yeri and Pauline. Yan ang mga varsity players. Except for me and Aiko dahil varsity players kami sa TU at hindi dito.

Sina Kylie at Marie naman ay magkakasama for their cheerleading mamaya.

"Guys! Eto na yung mga uniforms!!" napatingin kami kay Kylie na may hawak na box sa harap.

"Once I call out your names, lapit kayo ha" tumango kami sakanya.

"Villanueva, 1"

"Bautista, 09"

"Suzuki, 03"

"Ferrer, 23"

"Samson, 15"

"Lazaro, 25"

"Lee, 20"

"Sy, 18"

"Medina, 06"

Lumapit ako at kinuha yon. It's color neon green and orange. Kylie surely picked these.

"06 ka pala?" tanong ni Kylie. Tumango ako.

"Kailan birthday mo?" tanong ni Marie.

"Ah, August"

"Hala anlapit na! Next month na" ngumiti ako.

Wala yung boys dito dahil andon sila sa gym at nagpapractice ng basketball.

Lumapit ako sa board at tinignan ang schedule.

Morning, puro practice lang. After lunch, una ang basketball, then volleyball, then soccer then baseball.

Tinago na namin ang mga uniforms at naglakad na kami papunta sa gym.

Sina Kylie at yung iba lang ang naka bihis ng cheerleader uniform samin dahil sila ang representatives. Akalain mo nga naman, may ganon pa pala dito.

Pagkapasok namin sa gym, nakita namin yung ibang boys na nagjojog. Habang yung iba, nasa bench.

Napatingin ako kay Killian. After that night, nahalata ko yung pagiwas nya. Pero naiintindihan ko naman sya. He needs time para makapag isip at makalimot.

Nakita ko si Lay, Neil at Akiro na nakaupo don sa ibabaw.

Kumunot ang noo ko. Umupo kami sa baba nila.

"Hindi kayo maglalaro?" tanong ko kay Neil.

"Nope. Yung mga natira, is either volleyball, soccer or baseball. Soccer team kami ni Lay kasama sina Wang and Park" Park and Wang.. So surname basis na pala?

"Tapos sina Killian naman at sina Liam, nasa volleyball team sila. Kasama yung iba dyan sa basketball team" sabi naman ni Lay. Tinuro ko si Akiro na nakatingin sa ibaba.

"Kasama sya sa baseball team. Siya ang pambato doon" tumango tango naman ako bago humarap sa ibaba.

Buti nalang si Max the first ay nandito sa basketball. Kung magsasama ang dalawa, feeling ko hindi magkakasundo ang grupo.

"Wild cats in the air, wild cats all the way. Wild cats in the air, wild cats all the way!!! W- I- L- D- C- A- T- S. WILDCATS!"

Wildcats?

Takahashi's Lost HeiressWhere stories live. Discover now