Chapter 11: Familiar Tune

121 3 0
                                    

Maxine's pov

Friday, 10:00 am
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐠𝐨𝐦𝐞𝐫𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲

Andito kami sa classroom at hinihintay ang announcement para sa mga nanalo.

Nung Tuesday naman, may mga ibang sports na sinalihan ang mga iba naming kaklase. Tapos nung Wednesday, yun yung finals. Kahapon naman, rest day namin. At ngayon, announcement ng mga nanalo.

"Guys?" napatingin kami kay Killian na galing ata sa office.

"Mamayang afternoon pa daw ang announcements so, pwede tayong lumabas pero inside the campus lang" tumayo ang iba namin mga kaklase at nagaya sa field.

"Tara bespren, sama tayo" saka ako hinila ni Aiko palabas.

"May problem kaya si Killian?" tanong nya.

"Napansin ko lang kase na hindi siya masyadong sumasama satin ngayon. Kina Liam nalang" tumigil ako kaya napatigil din siya. Hinila ko siya papasok sa restroom.

"Natatandaan mo pa yung lumabas tayong lahat at kumain tayo sa Korean restaurant?" tumango tango siya.

"Nung gabing nasa 711 tayo, umamin siya sakin. Sabi nya, may gusto sya saken" napatakip siya sa bibig.

Napatingin kami sa cubicle na bumukas. Napatigil kami ni Aiko.

"May gusto sayo si Killian?" agad akong lumapit sakanya.

"Pero sinabi ko naman sakanya na ayaw kong masaktan ka at lalo na, sinabi nya mismo na may chance kayo. Ayoko namang umasa ka sakanya habang umaasa si Killian sakin. Bestfriend ko kayong dalawa ni Killian at ayokong magkasira tayo dahil lang don. At bestfriend lang din tingin ko sakanya. I made it clear" ngumiti siya saka yinakap ako.

"Thank you" hinagod ko naman ang likod nya habang lumapit samin si Aiko at yinakap kami.

"Ganda talaga ng bespren Max ko" then we chuckled.

Inakbayan ko silang dalawa at lumabas na. Pagkadating sa field, nakapaikot sila sa tabi ng malaking puno. Lumapit din kami sakanila.

"Asan sina Max?" tanong ko kay Devine.

"Bumili ata sila. Saka sina Akiro" tumango ako sakanya.

Habang nagkekwentuhan sila ng nakakatakot, dumadami na ang mga estudyante na nagkakalat sa field. May mga naglalaro, naghahabulan at ano ano pa.

"Ah-" napatingin ako sa volleyball na tumama sakin. Kinuha ko toh at tumayo. Saka tumingin sa grupo nina Stacy. Kanina ko pa sila na halata. Di ko lang pinapansin.

Isaspike ko sana toh ng pumikit sila.

"Chill, wala pa" pagkamulat nila, saka ko hinagis ng mabilis ang bola sakanila. Sabay sabay silang natumba kaya natawa ang mga kaklase ko.

"I thought you're gangsters? Bat parang takot kayo sa bola?" sabay ngisi. Binato nya ang bola ulit sakin saka lumapit sakin.

"Now you're acting so brave ngayong nakapalibot ka sa mga gangsters. Umaasa ka lang naman sakanila diba?" ngumiti ako.

Tinaas ko lang ang bola, umatras siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Binaba ko ang bola at inapakan.

Tinulak tulak nya ako gamit ang daliri nya.

"What is it again at naisipan mong batuhin ako nito?" tanong ko.

"Hah, the scene you made a day ago. How dare you touch Maxton and Akiro" tinignan ko lang sya.

"And what do you care? They're my friends so I can touch them whenever I want" she laughed and rolled her eyes.

"Friends? They're just using you. And are you a slut? Why do you keep on clinging on them?"

Takahashi's Lost HeiressWhere stories live. Discover now