Chapter 4: Glimpse

151 7 0
                                    

Maxine's pov

Tuesday, 1:30 pm
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐠𝐨𝐦𝐞𝐫𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲
Science class

Kanina pa kami nagrerecitation tungkol sa pinagaralan namin at sa pinabasa samin ni Ms. Beauty.

As usual, kaming tatlo lang nina Akiro at Maxton ang nakakasagot sa mga tanong nya.

"Last question. Which one refers to the mass over which a star will become a black hole?" that's a hard and advance question.

Nabasa ko yan eh. Napansin kong di nagtaas ng kamay si Maxton kaya napatingin ako sa likod ko. Same goes for him.

Its either plank mass or chandrasekhar limit.

"Yess Ms. Medina?" napatingin agad ako kay Ms. Beauty. Nakangiti siyang tumango sakin.

Dahan dahan akong tumayo. Their eyes are on me.

"Chandrasekhar limit?" I'm not sure.

"Are you sure?" huminga ako ng malalim at tumango tango.

"Can you explain why?" I'll try.

"You can try"

"Well, the Planck mass is much, much, much smaller for the star. Ah, It's named after a physicist who independently calculated the limit at the age of 19."

"Right. It's Subrahmanyan chandrasekhar I supposed" I remember it now. Tumango din ako.

"Very very good. I see you're really good at this. You even beat Mr. Montenery and Mr. Takahashi. Goodjob" saka sila nagpalakpakan.

Umupo ako.

After a few minutes, nagannounce sya ng first project. Kasabay ng first quiz din namin.

"Since Mr. Montenery, Mr. Takahashi and Ms. Medina are exempted for the first quiz, mas mauuna silang mag present. At para fair, magpepresent ang iba kinabukasan. But you'll take your quiz after the presentation" what does she mean na una kaming magpepresent?

"Ms? You mean, silang tatlo ang magkakasama?" tanong ng isa naming kaklase.

"Well, hindi pantay ang bilang ng klase niyo. 5 members of each group. Except for the three of them. Gusto ko, silang tatlo lang ang magkakasama" sabay turo samin tatlo.

"Bakit naman Ms?"

"Aba, magiging pabigat lang kayo sigurado kung na pasama kayo sa kanila" saka siya inasar ng klase.

Natawa naman ako. Hindi ba alam ni Ms. Beauty na hindi nga bati ang dalawang toh?

"Bespren huhu, hiwalay ka samin" oa naman neto. Sabagay, lagi kasi kaming magkasama sa mga gantong projects eh.

But I guess, she means that, ma papasama ako sa dalawang delikadong tao dito sa klase.

"Let's talk later dismissal/usap tayo mamaya" napatingin ako sa likod ko at sa harap.

Nagkatinginan sila saka nag iwasan. Saka tumayo din ang mga nasa likod namin.

"Bess, bili lang kami. Sama kayo?" tumango kami ni Aiko saka lumabas. May 20 minutes pa naman since maagang natapos sa science class.

Pagdating sa canteen, agad kong tinanong si Sara.

"Mga kaibigan yun ni Maxton diba?" tanong ko sabay tingin sa kabilang table di malayo samin.

"Oo. Kris Wang, chick magnet slash cassanova" the blonde haired guy. May black earing siya sa kaliwang tenga na bagay nya naman.

"Alex Wu, the joker slash friendly guy" brown haired guy at di nawawala ang malawak na ngiti.

Takahashi's Lost HeiressOù les histoires vivent. Découvrez maintenant