Chapter 2: Takahashi

179 7 0
                                    

Maxine's pov

Ang sosyal talaga ng school na yon ano?

Kagabi kasi, pinadala ang mga uniforms and school shoes. Alam ba talaga nila size ko? O sinabi ni Aiko sakanila dahil required na malaman yon?

Fit naman sakin lahat. Parang nga mas sumexy pa ako sa lagay na toh eh. Lumabas na ako at saktong nakita ko si Aiko na nakikipagkwentuhan kay lola.

"lola? Bat po kayo umalis sa mansion?"

"Walang kasama si Max dito. At ayaw kong pumunta siya doon"

"Bakit po? Mas safe sya don"

"basta ayoko. Saka hinahanap pa nila ang nawawalang babae sa pamilya nila diba?"

Napapasok ulit ako sa kwarto. May alam si Aiko? I mean, alam niya kung saan nanggaling si lola. Saka nawawalang babae?

Lumabas na ako at iba na ang pinaguusapan nila.

"Goodmorning bespren!"

"Goodmorning, apo"

Ngumiti ako. "Goodmorning. Bat andito ka na agad?" tumingin sakin si Aiko.

"Aba syempre! Dapat maaga tayo sa school! Saka buti nalang at mag kaklase tayo noh! At araw araw, sabay tayo okay?"

Bumuntong hininga nalang ako at nag simula na kaming kumain.

"Required pala na sabihin sakanila ang sizes ng uniforms and shoes. Kaya kumpleto lahat except for the rubber shoes for PE class" sabi niya at inabot sakin ang phone ko.

Aba, kaya pala wala sa table ko kanina.

"Andyan ang schedule natin. Naka connect din yan sa school kaya madali niya tayong maiinform about any announcements" tumango tango ako sakanya.

Pagkatapos kumain, sumakay na kami sa kotse. Binuksan ko ang phone ko at tinignan ang schedule ko. Normal subjects and time. May snack time din pala kaming 15 minutes at natatapos kami ng 3:00.

Kapag naman Wednesday, half-day, pe class. Tapos Friday, pe class as usual. Nang makarating kami sa tapat, bumaba na din kami agad ni Aiko.

"Hi kuya guard" tumango siya samin. Close nya agad? Ang friendly naman nya masyado, kahapon eh hindi naman nya pinapansin. Nailing nalang ako at nagpahila sakanya.

Hilig niyang manghila ngayon. Pumasok na kami at sari saring estudyante ang mga nakikita namin. Dahil masyadong excited ang babaeng kasama ko, 1 hr pa bago mag simula ang klase.

Hinila ko ulit siya palabas. "Dun tayo oh! Sa bench. Hindi masyadong mainit" tumango siya at na unang maglakad sakin.

Nang maupo kami, saktong may nahulog na cherry blossom. Parang Japanese school ang pinapasukan ko. Andaming cherry blossoms sa paligid. Ang ganda sa mata.

Napatingin ako sa gate ng pumasok ang magkakasunod na tatlong kotse. Kumunot ang noo ko sa mga naging itsura nila. Pero mas kumunot ang noo ko ng lumayo ang mga estudyante sakanila.

"Takahashi" napatingin ako kay Aiko ng bumulong siya.

"Takahashi Clan. They're mix with gangsters and assassins. But mostly, their leader is the greatest and powerful mafia in the whole world. Hindi naman lahat ng tao kilala sila. Yung konektado lang sa government at sa mga ganyan. And para aware ka, most of the students are like that. Sila ang pinakamarami dito though may mga ibang clans din pero di ganon kadami"

Tama ako. Gangsters, assassins, and mafias. In one school? This is rage.

Napatingin ulit kami sa gate ng pumasok ang isang kotse. It's a red car.

Takahashi's Lost HeiressDär berättelser lever. Upptäck nu