Chapter Thirteen

1.3K 116 18
                                    

" GIRL, musta? Out ka na ba?" bungad ni Megs sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito.

" Palabas pa lang ng office. Why?"

" Zey and Cj will arrive tonight. Punta ka sa bahay nila around eight for dinner. Zey wanted to see you when they come home."

Napatingin siya sa wrist watch niya. Alas kuwatro y media na ng hapon. Kakalabas niya lang ng opisina nila.

" Okay, sige. I'll be there later then."

" Alright. See yah later. Babush na."

" 'Bye!"

Pagka-off niya ng cellphone niya ay tumungo na siya sa parking lot. Pero bago pa siya nakarating sa kinapaparadahan ng sasakyan niya ay nakita niya si Zig na paparating. Three days itong wala sa office dahil may conference ito out of town.

He looks tired and as usual his aura is very serious. Minsan naiilang siya kapag sinasama siya nito sa mga meetings nito. Because he rarely talk to her. At mas lalo pa itong naging tahimik simula nung makita nito ang Ex nito last week. Kung saan ay ipinakilala siya nitong nobya. Until now she can't believe that he did that.

"Hi, Sir. How's the conference?" bati niya rito nang magkasalubong sila. Nahihiya siyang iaaproach ito pero ayaw niya naman magmukhang rude.

" Good. Are you leaving now?"

Tumango siya.

" I am done with the contract that you asked me to print. I put it on your table."

" Okay, thank you. Have a safe drive going home. See you on Monday." sabi nito saka dumiretso papunta sa entrance ng building.

Dumiretso na siya sa sasakyan niya and she starts the engine. Nagsimula na siyang magdrive. Habang nagmamaneho siya pauwi ay hindi niya maiwasang maexcite dahil magkikita na sila ni Zey mamayang gabi.

Nang makauwi siya sa kanila ay sinalubong siya ng Mama niya.

" Anak, pumunta si Nillie dito kanina. Inaaya tayong maghapunan sa kanila. Parating raw sina Zey mamayang gabi."

Humalik muna siya sa pisngi nito bago siya sumagot.

" Yes, 'Ma. Tinawagan na ako ni Megs. 8PM daw. Akyat po muna ako. I'll take a shower."

" Okay. Nag-baked ako ng brownies. Dadalhin ko do'n mamaya. Favorite 'to ni Zey."

" Sige, 'Ma."

Nang makapasok siya sa kwarto niya ay kaagad siyang naligo. Habang nasa shower siya ay hindi niya maiwasang mag-isip kung nagkausap ba si Migiel at si Zey habang nasa Amerika ang mga ito. Hindi niya pa detalyeng naikukwento sa bestfriend niya ang mga nangyari sa kanila ni Migiel. Ang tanging napagusapan lamang nila ay ang paghingi nito ng tawad sa kanya.

Dalawang buwan na rin siya dito sa Pilipinas at hanggang ngayon ay hindi pa rin pinipirmahan ni Migiel ang divorce papers nila. Hindi na rin siya nito kinontak matapos ang first attempt nito na tawagan siya at itext siya. Ang sabi ng lawyer nila sa kanya ay ayaw raw pirmahan ng lalake ang application. He even said to their lawyer not to worry about it.

Napabuntong-hininga siya saka napailing. Pagkatapos ay pinatay na niya ang shower saka naghanda na para makita sina Zey at Cj sa kabilang bahay.

" Ready ka na 'Ma?" tanong niya sa ina nang puntahan niya ito sa kusina. Tinatakpan nito ng foil ang binaked na brownies para sa kaibigan niya.

" Oo, anak. Halika na."

Kinuha niya ang tray dito at siya na ang nagbitbit noon. Naglakad lamang sila papunta sa kabilang bahay. Nag-doorbell sila. Hindi naman nagtagal at lumabas si Mang Abner. Binati sila nito saka kinuha ang tray na dala niya.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now