Chapter Eighteen

1.1K 85 9
                                    

MARAHAN na haplos sa pisngi niya ang nagpadilat sa mga mata niya. Napakurap-kurap pa siya nang mabungaran ang mukha ng asawa niya.

" We're home, wifey." sabi nito saka binuksan ang pintuan sa side nito.

Napatingin siya sa labas ng bintana. Nasa harapan na nga sila ng bahay nila at tumila na rin ang ulan. Ipinagbukas siya ni Migiel ng pintuan at tahimik siyang lumabas ng sasakyan bitbit ang bulaklak na binigay nito.

Matapos magpasalamat ay naglakad na siya patungo sa gate nila. Akmang papasok na siya sa loob nang tawagin siya nito.

" Mikkha..."

Nilingon niya ang lalake at nakita niyang naglakad ito palapit sa direksyon niya. Nabigla siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. Hindi siya nakagalaw mula sa kinatatayuan niya. Marahan nitong hinagod ang likod niya habang yakap siya. Bigla tuloy siyang napaisip kung kelan ang huling pagkakataon na niyakap siya nito ng ganito na tila punong-puno ng emosyon. And yes, she would not deny it. She misses this kind of hig from him. Pero hindi siya gumanti ng yakap dito.

" This is the least I can do to comfort you

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" This is the least I can do to comfort you. So, if there's anything I can do to lessen your pain please let me know. I just can't see you crying again, it's killing me inside." bulong nito sa tenga niya.

Maya-maya ay binitiwan na siya nito saka tumalikod na at pumasok sa sasakyan. Tila wala siya sa sarili na pumasok na sa loob ng bahay nila.

" Mabuti naman at sinundo ka ni Migiel, anak. Nag-alala ako sa iyo at wala ka'ng dalang payong. Ang lakas pa naman ng ulan kanina." salubong ng Mama niya pagkabukas niya ng pintuan.

" Paano po ninyo nalaman?" nagtatakang usisa niya sa ina.

Ngumiti naman ng nakakaloko ang Mama niya na tila tinutukso siya.

" Pinapanuod ko kayo sa bintana."

" 'Ma, naman!" nahihiyang react niya. Nilapitan siya ng Mama niya at saka siya niyakap.

" Anak, alam ko hindi madaling kalimutan iyong ginawa ng asawa mo. Pero para sa akin mabait na lalake pa rin 'yang asawa mo. At alam ko na mahal na mahal ka pa rin niya. Kita mo nga at sinusuyo ka. Hindi lang ikaw ang mahal niya kung hindi kami rin na pamilya mo. Kung hindi dahil sa tulong niya baka tuluyan nang nalulong sa droga at sugal ang kuya mo."

Ipinasok nito sa rehab ang kuya niya nang hindi ipinapaalam sa kanya. Ayaw kasi nito na madagdagan ang stress niya noon.

" Saka anak walang perpektong marriage. Darating talaga sa punto na hindi kayo magkakaunawaan. At saka hindi naman siya nambabae. Iyong ex niya lang ang may lihim na agenda sa asawa mo. Nabulag lang rin siya ng galit dahil sa mga nangyari sa inyo. Pero ang importante sa ngayon ay na-realized na niya ang mga pagkakamali niya at pinagsisihan niya nang lahat iyon. Kaya anak, sana matuto ka rin na magpatawad. Wala ako'ng ibang hangad sa inyong mag-asawa kung hindi ang kaligayahan ninyong dalawa. 'Ika nga, love is sweeter the second time around."

Life After MarriageWhere stories live. Discover now