Chapter Six

1.2K 121 12
                                    

MULA nang dumating siya sa trabaho niya ay hindi siya makapag-concentrate. He tried his best to get into work pero bigla siyang napapahinto dahil sumasagi sa isip niya si Mikkha.

The reality is finally hitting him that Mikkha left him. Wala siyang natanggap na text o tawag mula rito. Somehow he started to feel worried about her. Although they had a fight she is still his wife. He's still responsible for her safety. Lalo pa at wala namang itong ibang kamag-anak dito sa States.

Napatingin siya sa cellphone niya. His conscience is telling him to atleast check up on her. But his pride is preventing him to make a first move. Naiinis siyang napabuntong-hininga. Then he decided to call Zerynne instead. Baka alam ng pinsan niya kung saan pumunta ang asawa niya.

Naka-dalawang ring siya pero hindi sumagot si Zey. Nagtalo na naman ang isip niya kung kokontakin niya ba si Mikkha.

' What about just text her? Make sure that she is safe and sound.' sabi ng konsensya niya.

He took a deep breath then decided to just text her. Nagsimula na siyang mag-type ng message nang bigla namang nag-beep ang cellphone niya. Binura niya muna ang mensahe para tingnan kung sino ang nagtext. It was Meryll.

' Hey, just curious if you and Mikkha are doing okay? Because I saw her here at the cinema with Charles. They looked pretty sweet and close with one another. Not sure if you aware but this is the second time that I saw them together. The first one was last week by the boardwalk. Nakahawak pa si Mikkha sa braso ni Charles nun. I don't have evidence during the first time that I saw them. Dahil hindi ko yun binigyan ng malisya. But today I took a photo because I don't want you to think that I am just making up a story. Here's the photo.' text ng babae sa kanya. Tiningnan niya ang larawan na ipinadala nito. Si Mikkha nga iyon at si Cj. Why are they together?

Nanginig ang mga kamay niya at bumilis ang pintig ng puso niya habang tinitigan ang larawan. Parang hindi mag-sink in sa isip niya ang sinabi ni Meryll. Nakita nito na sweet ang dalawa at magkasama. Not just once but twice.

He shook his head. Ano'ng ibig sabihin nito? Are they cheating on them? Kaya ba umalis si Mikkha sa bahay nila? Kaya ba naging unreasonable ito at ginawa lang rason ang pagseselos nito sa bata dahil may hindi ito magandang ginagawa? Pinagseselosan rin nito ang closeness nila ni Meryll pero maging ito naman pala ay sobrang close kay Cj. He was not aware that the two of them are going out.

Biglang sumakit ang ulo niya. Naging kaibigan niya na rin si Charles because he married his cousin. Pero sa dalawang beses na nagkita ito at ang asawa niya ay hindi man lang siya tinext ng lalake para ipaalam na magkasama ang mga ito just for a sign of respect sa kanya.

Sa tuwing lalabas sila upang magbonding noon ay parati nilang kasama ang mga asawa nila. This is just not right to watch a movie na silang dalawa lang ang magkasama. If Zey was there hindi niya ito bibigyan ng malisya. Isa pa bago nakilala ni Charles ang pinsan niya ay nagka-gusto muna ito kay Mikkha. Alam ba ni Zey na nakikipagkita ang asawa nito sa asawa niya?

" What the hell is happening..." iiling-iling na bulong niya.

Muling tumunog ang cellphone niya. Si Meryll ulit ang nag-text.

' Just give me a call if you need someone to talk to. I hope you guys are okay. And I hope she is not cheating on you.'

Alam niyang nagmamalasakit lamang si Meryll sa kanya. But when she mentioned the word cheating ay nakaramdam rin siya ng inis sa babae. She also cheated on him before. And with that thought ay hindi na siya mapakali sa kinauupuan niya.

Pinagseselosan pa ni Mikkha si Meryll yun naman pala ay siya ang mas may karapatan na magalit at magselos sa lihim na pakikipagkita nito kay Charles.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now