Chapter Two

1K 88 8
                                    

MEGS AND JEI RESIDENCE.

Matapos mapatulog ang anak niya ay lumabas na siya sa silid ng bata. Habang naglalakad siya papunta sa kwarto nila ni Jeihard ay nakasalubong niya sa hallway si Rita. Kasama nila sa bahay.

" Ano 'yan?" nguso niya sa plastic na hawak nito.

" Lumang briefs po ni sir. Pinapatapon na niya sa basurahan."

" Let me see." at saka niya tiningnan ang loob ng plastic. Mga isang dosenang briefs ang nandoon. Pinili niya iyon at saka kumuha ng apat na piraso na hindi pa worn out ang garter.

" Nasa'n si Jeihard?" pabulong na tanong niya rito.

" Nasa study room po."

" Okay, thank you. Kunin ko 'tong apat na briefs." nakangiting tugon niya kay Rita.

Napakunot noo ang babae.

" Ano'ng gagawin ninyo diyan? Baka pagalitan ako ni Jeihard. Sabi niya itapon ko eh."

" Susuotin ko pangtulog. Don't worry hindi yun magagalit."

" Pangtulog? Kasya ba 'yan sa inyo?"

Sinenyasan niya ito na huwag maingay baka kasi marinig sila ng asawa niya.

" Basta. Sige na. Thank you." at saka siya nagmamadaling pumasok sa loob ng silid nila.

Nang makapasok siya sa kwarto nila ay dali-dali siyang kumuha ng gunting. She's been wanting to do this. Tiningnan niya ang briefs na kinuha niya mula kay Rita. Sinipat niya ang harapan noon kung paano niyang gagawan ng butas sa harap.

" Dito ko ba gugupitin? Hmm, lulusot kaya ang mais niya dito? Hold on." parang baliw na kausap niya sa sarili saka tinantiya ang briefs sa harapan niya.

" Lakihan ko na lang ang butas. Tutal malaki naman ang mais niya." tila siraulo na natatawang sabi niya. She started making a hole on the briefs. Nang matapos niyang gupitin ang harapan ng briefs ay natatawa siya sa naiisip niya. Suotin kaya ito ng asawa niya?

" What is that?"

Muntik na siyang mapasigaw sa gulat nang biglang pumasok ang asawa niya sa silid nila. He was looking at the briefs na nasa harapan niya.

" Oh this one? It's your undies." nakangiting sagot niya saka kinuha iyon at lumapit sa asawa niya.

" That's my old briefs. I already asked Rita to throw that. Why you have it?" kunot noo na usisa nito.

" I know. Pero ayos pa naman 'to. And guess what I've made?"

" What?"

Itinaas niya ang hawak na briefs sa harapan nito at saka ipinakita ang butas na ginawa niya.

" Tadaa! I improvised it. I am so genius!" proud na proud na sagot niya. Habang ang asawa niya naman ay naka-kunot noo pa rin while staring at his undies.

" What the heck, Megan Ellysa? Ano na naman ba'ng kalokohan 'yan? Please throw it away." sagot nito saka naglakad papunta sa loob ng bathroom. She followed him.

" Jeihard, ano ka ba? Don't you like it?"

Nilingon siya nito saglit.

" Are you out of your mind? Ano namang gagawin ko sa butas na briefs? Look at the hole in it. It's the size of my fist!"

Nakakaloko niya itong nginitian.

" Ang slow naman ng asawa ko. I cut that hole on purpose! So, that when we make love you don't have to take off your undies. Gets mo? Ilulusot mo na lang dito yung mais mo." paliwanag niya sabay turo ng butas sa briefs.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now