Chapter Eight

1.7K 149 67
                                    

NAGPATULOY siya sa paghahanap ng table ni Migiel nang magpaalam si Mikkha na magbabanyo muna. Ang sabi ni Bryan kanina ay nasa sulok ang mesa ng mga ito. Naglakad siya papunta sa may pinakadulo at pagkuway napahinto nang makita niya sina Migiel at Meryll na naghahalikan sa table ng mga ito.

Naikuyom niya ang mga kamao niya. At saka mabilis na sumugod sa dalawa.

" Migiel!" sigaw niya sa lalake.

Napahinto ang mga ito sa ginagawa. Kaagad niyang hinawakan ang collar ng lalake at pilit itong itinayo at saka inundayan ng suntok sa mukha. Bumalandra ito sa sahig.

" How could you do this to Mikkha?!" galit na sigaw niya rito.

Lumapit si Meryll sa kanya at hinila ang damit niya para awatin siya.

" Charles, will you please stop it!"

" Stay away from here, Meryll. Isa ka pa! Have you gone out of your mind? He is a married man!" sigaw niya sa babae saka pinalis ang kamay nito sa damit niya.

Tumayo si Migiel saka nakakalokong tumawa.

" Look who's talking! Who cheated here first? Hindi ba at kayong dalawa ng asawa ko ang unang nagloko? You are having an affair with my wife!" sigaw nito. At bago pa siya nakasagot ay nasuntok siya nito sa mukha niya. Tumilapon siya sa may mesa.

Nilapitan siya nito at hinawakan ang magkabilang kwelyo niya.

" Do you really like my wife that much? That even if she chose me over you hinahabol mo pa rin siya kahit kasal na kami. You have lost your mind for crossing over our friendship and for stealing my wife! You're an asshole, Cj!"

Nang makita niyang susuntukin ulit siya nito ay mabilis niya itong sinipa para makawala siya sa pagkakahawak nito. Muli itong sumadsad sa sahig. Pumaibabaw siya rito at muli itong sinuntok sa mukha.

" How could you accused us of having an affair? I was trying to comfort your wife while she was hurting because of you! Napaka-gago mo Migiel! I did my part to help you save your marriage. But here you are, kissing another woman! Hanggang kelan mo gustong saktan ang asawa mo?!" galit na galit na sigaw niya sa mukha nito. Itinulak siya nito at nagpagulong-gulong sila sa sahig. Muli siya nitong naundayan ng suntok sa may gilid ng mga labi niya.

This time nagkagulo na sa loob. Tumakbo na sa labas ang ibang tao at si Meryll naman ay tumatawag ng security.

" Migiel, Charles, stop it!" sigaw ni Meryll saka ito nagmakaawa sa mga tao na awatin sila. May pumasok na tatlong lalake at pilit silang inawat ni Migiel.

Nang maghiwalay sila ay saka niya nakita si Mikkha. Mabilis itong lumapit sa kanya at inalalayan siyang makatayo.

" Cj, what happened?" nagaalalang tanong nito.

Sa halip na sagutin iyon ay hinawakan niya na lamang ang isang kamay nito at hinila ito palabas.

" Let's go home."

Narinig niya na tinawag pa ni Migiel ang asawa nito. Pero sinabihan niya si Mikkha na magpapaliwanag siya pagdating nila sa bahay. Hinila na niya ito palabas ng venue. Dahil baka ito naman at si Meryll ang magkagulo kapag nalaman nito ang nangyari.

NANG makarating sila ng condo ay kaagad siyang kumuha ng ice pack. Nilinis niya muna ang mukha ng lalake saka niya inilapat ang icepack sa mga pasa nito sa mukha.

" What happened at the party? Bakit kayo nag-away ni Migiel?" tanong niya rito.

Humugot muna ito nang malalim na hininga bago sumagot.

" I don't know how you gonna take it. But I saw them kissing on the table." sagot nito.

Nabitawan niya ang hawak na ice pack pagkarinig sa sinabi nito. Nakita nitong naghahalikan ang asawa niya at si Meryll. Bigla siyang nanghina at hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now