Prologue

37 1 0
                                    



"Paalam Celine"

"Hanggang sa muli Hendrix"

"Nais mo bang magtsaa sa aming tahanan?"

"Kinagagalak ko"

"Hanggang sa muli!"

Ilan yan sa mga usapang maririnig sa kalagitaan ng pasilyo ng Rheshonouviz

Mapapansin na may isang dalagang naglalakad habang hawak hawak ang isang tambak ng libro, tinutungo nya ang daan papuntang silid aklatan ng bigla na lamang  may di inaasahang lalaki ang nakabunggo sa kanya.
Dahil nadin sa lutang ang ating bida ay natumba ang dalaga at nagkalat ang librong kanyang dala, dali daling humingi ng tawad ang binata.

"Binibini Paumanhin, hindi ko sinasadya, nagmamadali lang kasi talag-"

Saglit itong natigilan ng masilayan ang babae ,
Kapansin pansin ang napakaputi at makinis nitong kutis na nasisinagan ng papalubog na araw, ang mahabang medyo kulot at puting buhok nito na sumasayad sa sahig dahil sa pag pulot at pagaayos ng mga librong nagkalat sa daan,  nahigit nya ang kanyang hininga ng mapasulyap sakanya ang dalaga at nasilayan nya ang mga mata nitong tila nagiiba iba ng kulay na kung titigan ka'y para bang tumatagos sa kaibuturan ng iyong  kaluluwa, ang mapipilantik at mahahabang pilik mata na sumakto sa maliit at matangos nyang ilong at ang mapupulang labi na ano mang oras ay kanya ng hahag-

"S-sandali"

Pagpigil nya rito na akmang lilisan na, ni hindi man lang sya nakatulong sa pagliligpit ng mga libro pagkat masyado sya nahumaling.
Nagtagumpay naman sya sa pagpigil dito ng unti unti itong lumingon sa kanyang kinatatayuan.

Nagtagumpay naman sya sa pagpigil dito ng unti unti itong lumingon sa kanyang kinatatayuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mukang nagaantay ito ng kanyang sasabihin

"Binibini, Ano ang iyong ngalan? Paumanhin sa aking pagtatanong ngunit nais ko lang malaman ang ngalan ng pinaka magandang dilag na nabubuhay sa buong Fidenolofiou" isang ngiti ang ginawad ng binata.

Nagdaan ang ilang minuto at nakatitig lang ito sa kanya't tila ba inaalam nito ang kanyang nasa isipan, napabulong ang dalaga.

"Adik ba to?"

Di ako makadecide kung anong pic HUHU

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Di ako makadecide kung anong pic HUHU

Pero isipin nyo na lang na ganyan muka nya nung sinabi nyang "adik ba'to?"
Ps: bet ko talaga yung art nung 2nd pic eh ang cuuute

Living againWhere stories live. Discover now