Chapter 9

422 399 0
                                    

July 01, 2009

Sobrang busy namin nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na magawang sumabay kina Leigh sa canteen.

Ayos na rin 'yon para mapahupa na rin ang inis ni sir Rence sa akin. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako tuwing naiisip ko 'yon dahil doon ko lang nakita ang sobrang pagkainis niya.

Gusto ko sanang ikwento kay Zoe ang mga nangyari tungkol kay nurse Rence kaso lagi silang magkasama ni Leigh. Sigurado ay mapapagalitan na naman niya ako.

"Tol! Sabay ka sa amin?" tanong ni Mike.

Lagi kasi akong sumasabay sa kanila nitong mga nakaraang araw dahil busy rin si Leigh pero ngayon ay may pinaplano ako kaya mukhang hindi na ako makasasabay sa kanila.

"Una na kayo. Sabay kami ni Leigh ngayon," tinapik ko ang mga balikat nila bago ako umalis.

My plan for now is to surprise Leigh because I'm a bit guilty for hiding her what I have done. Napapansin ko rin kasi ang madalas na pagkabalisa niya nitong mga nagdaang araw.

Nasa bandang parking area na ako nang makita ko si Leigh habang may kinakalikot sa bag niya at mukhang nagmamadali.

Akmang hahabulin ko na sana siya nang bigla kong mapansin ang taong nasa harapan ko.

"Sir Rence!" Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ngayon.

Hindi niya ako pinansin at umalis lang siya. Bigla naman akong nalito sa gagawin ko. Buti na lamang at dinala ako ng mga paa ko patungo sa dinaanan ni Leigh.

Nagtaka ako nang hindi ko naabutan si Leigh. Pinagtanungan ko na lahat ng mga kakilala namin na napadaan. Sa huli ay napaupo na lang ako sa upuan sa garden.

Ano ba 'yan! Si nurse Rence na lang sana sinundan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag para maitext si Leigh ngunit bago ko pa masimulan ang pagtipa ay nagulat ako sa biglang kumaluskos. Ponyeta! May mumu ata.

"Itigil na natin 'to. Lagot ako kay kuya." Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may babaeng nagsalita. Aatakihin  ako sa puso nito eh!

"Please let me introduce myself to them," sagot ng lalaki.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang mga tao pala sila.

"No!" pasigaw na sagot ng babae.

Sumilip ako mula sa dahon na nakaharang sa dalawang taong nag-uusap dito sa garden ng school namin. Ayaw ko namang makitsismis pero gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kanila kaya parang ganun na nga.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang babaeng iyon.

"Leigh!!" Lumabas ako sa pagtatago ko mula sa mga dahon.

"Macy," bakas ang pagkagulat sa mukha ni Leigh nang makita ako.

Hinila ko ang braso niya mula sa pagkakahawak ng lalaking kausap niya. "Anong ginagawa mo rito, ha! Ano 'to? Tama ba 'yung mga narinig ko!?" Hindi ko na maiwasang mapasigaw dahil sa gulat.

"Macy, I'll explain it to you. Please calm down." she almost  begged at me. Binitawan ko ang braso ni Leigh.

"So, kayo na?" I asked with full of sarcasm.

"I'm Ralph," pagpapakilala ng lalaki sa harap ko. He also offered his hand but I ignored it.

My nose flared as I glanced at his boyfriend?! He had a good features and strong presence. No doubt about my cousin's type but that doesn't change a thing she did!

I glared sharply at Leigh. "You hide your relationship from us! Malalaman 'to nila mama at kuya Alex." pagbabanta ko sa kaniya dahil sa inis. Kahit sa akin hindi man lang niya sinabi?

Contagious Love (CoViD Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon