Chapter 7

519 460 0
                                    

June 09, 2009

Kinwento ko kina Leigh at Zoe ang nangyari. Zoe scolded me for failing again while Leigh encouraged me to stop.

Hindi ko sinunod si Leigh. Sa halip ay nagplano pa ako kung paano ako makakapagpapansin kay nurse Rence. Hindi pa ako susuko.

Sinabihan ko si Leigh na hindi na ako sasabay sa kaniya sa pag-uwi dahil nalaman ko na 6:00 pm pala umuuwi si nurse Rence. Siguro naman masosolo ko na siya kahit ngayon na lang.

Pumwesto ako sa hallway ng faculty na malapit sa parking area dahil umuulan. Tinago ko na rin sa bag ko ang dala kong payong alinsunod sa plano ko. Medyo madilim na rin at wala ng masyadong mga estudyante sa paligid. May mga nagkaklase pa samantalang nagsiuwian naman na ang iba.

Ilang minuto lang ay nakita ko na si nurse Rence na walang kasama. Napatalikod agad ako at nagkunwaring may katawagan sa cellphone ko nang mapadaan siya sa harapan ko.

"Oo kuya kanina pa ako nandito sa hallway ng faculty. Akala ko kasi nasa parking area ka na eh. Hihintay-," napahinto na ako nang makalagpas na siya sa gawi ko.

Lumakad ako palapit sa kaniya. "Sir Terrence!" tawag ko.

Napalingon siya sa akin. His face was expressionless. Lumapit pa ako sa kaniya.

"Hello po sir," ngumiti ako ng pilit. He patiently waited for my words.

"Uhm, kung 'di niyo po ako naaalala, naging pasyente niyo na po ako sa Cortez Hospital. Tatanong ko lang po sana kung may payong ka..." I swallowed hard as he seriously looked at me. "....at pwede pong pasabay? Sa waiting shed lang po, sir. Wala po kasi akong payong eh saka dun ko na po hihintayin 'yung sundo ko para makita niya ako agad. Kung okay lang po?" I can't easily breathe with all of my lies.

He slightly bit his lower lip. "Sorry, I don't have one," tinalikuran niya agad ako at nagsimula ng maglakad. Hinabol ko siya at nakarating na kami sa parking area. Sa may paradahan ng mga motorsiklo kami napadpad kaya hindi pa kami nababasa ng ulan dahil may bubong din ito, hindi gaya sa paradahan ng mga kotse.

Buti nalang medyo maganda ang plano ko dahil malayo nga sa parking area ang waiting shed na sinasabi ko kaya hindi ako medyo kaduda-duda. Magiging basang sisiw ako kung totoong kailangan kong pumunta sa waiting shed nang walang payong.

"Wait!" I called him. He faced me while his brow furrowed a bit. "May sasakyan ka po? Pwede po bang pahatid nalang po sa waiting shed, please? Lowbat na rin po kasi ako kaya baka 'di ako makita ng susundo sa akin," pagpapaawa ko.

Pinigilan kong matawa sa sarili ko dahil ayaw ko ngang kinakaawaan ako pero ngayon nagpapaawa pa talaga ako. Ponyeta talaga oh!

Nakatitig siya sa akin habang tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nagpaawa pa ako lalo para mapaniwala siya pero hindi ko siya tinitigan habang ginagawa ko iyon. I even tiptoed while waiting for his answer because my conscience is eating me up.

Napatingin na ako sa kaniya nang humakbang siya ng ilang beses at huminto sa tapat ng..... bike? Don't tell me?!

I can't hide my surprised face. Hala akala ko magmomotor siya. Napasapo ako sa aking noo nang hindi nag-iisip.

I noticed the sudden changed on nurse Rence's face and his eyes narrowed at me. He also chuckled, a short laugh without exceeding in two counts before his smile disappeared. Dumilim naman ang mga titig niya sa akin.

"Magbibiseklata lang ako, sasabay ka pa?" he said with a hostile tone soaked in frigid words.

I trembled in shock. Did I offend him!?

Sasagot na sana ako ngunit napatalon ako sa isang malakas na busina. Bawal sa loob ng school 'yun ah!

Huminto ang pamilyar na sasakyan sa harap ko.

Contagious Love (CoViD Series #1)Where stories live. Discover now