Chapter 5

517 460 0
                                    

'CRIMINOLOGY'

May 11, 2009

"Macy!"

Napako ang tingin ko kay nurse Rence. Hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang tingin sa akin kahit na naglalakad siya. Para tuloy kaming tangang magkatitigan dito.

"Baliw!"

He's wearing a black shirt and pants while his shoes were white. Kahit nasa labas na siya ng ospital, ang linis niya pa ring tignan. His soft-looking black hair also stands out.

"Nababaliw na ata, tol"

Shocks bakit ngayon ko pa siya nakita! Napakawrong timing naman oh.

"Shit, diba 'yung nakablue na damit 'yung nurse ni Macy tapos 'yung naka-black naman 'yung nurse na kasama niya."

Umiwas nang tingin si nurse Rence nang makarating na siya sa counter. Hindi ako natinag at pinagpatuloy ko pa rin ang pagtingin sa kaniya.

"Macy!!!" Dave clapped his hands in front of my face.

I almost jumped on my sit. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Humalakhak naman ang tatlong ugok na kasama ko.

"Parang tanga naman eh! Nanggugulat pa," I glared at Dave. For sure his the mastermind. Siya 'yung nanggulat sa akin eh.

"Baliw! Kanina ka pa kaya namin tinatawag," Mike chuckled.

"Ikaw 'yung parang tanga ah. Nakatitig pa dun sa nurse. Teka! Crush mo 'yun no," Dave teasingly said.

"Weh crush mo? Yes! May ipangbablackmail na ako," si Jeron na kitang kita ang mga ngiting may binabalak na masama.

Nataranta agad ako pero hindi ko na pinahalata. Ponyeta! Kaya ayaw kong ipaalam kung sino ang mga nagiging crush ko eh.

"Mga tanga! Hindi ko 'yun crush! Nagulat lang ako kasi sila yung mga naging nurses na nanggamot sa akin sa ospital tapos nandito sila sa school natin. Napakacoincidence diba?" I defensively explained. Muntikan pa akong pagpawisan dahil sa kaba. Puro mga sugo pa naman ni satanas 'tong mga kaibigan ko pagdating sa pang-aasar.

Nakahinga ako nang maluwag dahil bumakas sa mga mukha nila ang pagkapaniwala sa akin. I evilly laughed on my head. Mga tanga talaga eh. Ang bilis mapaniwala.

"Excuse me, you're the patient who was diagnosed with superficial partial thickness burn right?" Hindi ko napansin ang pagpunta ni nurse Alvin sa table namin. Kinabahan tuloy ako.

"N-Nurse Alvin..." nagmukha pang OA ang pagtawag ko sa kaniya."uh, yes ako po 'yun," I added.

"Pwedeng 'wag ng nurse Alvin nasa labas naman na tayo ng ospital. Alvin nalang o kaya kuya Alvin. 24 pa lang naman  ako," he said while offering his right hand. He also chuckled, maybe to diminish the awkwardness.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay. "Macy nalang po nur-. Ay kuya Alvin pala!" I slightly laughed at my mistake. Wew! Lumaki namang makapal ang mukha ko eh.

I introduced my friends to him and we let him sit with us.

"Alright, Macy. By the way si Rence 'yung lalaking naka-black na kasama ko, nurse din siya sa Cortez Hospital," tinuro niya pa si nurse Rence na bumibili ng bottled water.

Sabay sabay kaming napatingin kay nurse Rence dahil hindi man lang niya pinansin si nurse Alvin at lumabas na siya agad pagkatapos niyang makuha ang binili niya.

"Nagmamadali ata siya. By the way, it's good to see you. Mangangamusta pa sana ako tungkol sa kalagayan mo pero siguro next time nalang. Bye Macy." Tumingin siya sa mga kaibigan ko. "Bye." He waved at us.

Contagious Love (CoViD Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon