BV One

123 2 0
                                    

             BV1: [Before Everything]

"Tatanggapin kaya niya pre?" tanong ni Greg sa kaibigang si Sammy.

"Oo naman mahal ka nun eh.." sabay tapik nito sa balikat niya.

"Tingin mo?" pangungulit pa niya na di na malaman ang itsura. Di na niya kasi alam kung anong mararamdaman. Naghalo na kasi ang excitement at kaba.

"Oo nga, sasagutin ka nun ng.. NO hahaha" hawak pa nito ang tyan habang humahagalpak ng tawa.

"G*go ka ah! F*ck you kabado na nga ako eh magsasalita ka pa ng ganyan" sabay amba ng suntok rito.

"Oh oh, Easy ka lang kasi. Tiwala lang ano ka ba. Dami ko kayang masayang na oras para tumulong sayo no?" kunway pangungunsensya pa ng kaibigan pero may bahid ng mapang asar na ngiti sa labi.

"Alam mo, umalis ka na nga baka mag dilang anghel ka pa eh. Shoo!" aktong pagtulak nito sa kaibigan.

"To naman tinatanggal ko lang kaba mo. Masyado to, highblood agad eh."

"Di ka naman kasi nakakatulong kitang di na ako mapirmi dito eh nanggag*go ka pa." pinaghalong inis sa kaibigan at sa sarili. Sa kaibigan dahil kanina pa ito nangaalaska at sa sarili dahil kanina niya pa di magawang huminahon. Everything's need to be perfect kaya pilit niyang tinatanggal ang kaba sa dibdib niya.

"Oh tama na tulungan ko lang si Yssa dun. Magbreathing exercise ka muna dyan." napailing nalang siya sa kaibigan na tumatakbo na papalayo sa kanya.

Kabadong kabado si  Gregory Sebastian dahil ngayong araw siya magpopropose sa limang taon nang  kasintahan na si Avyanna Perez.

Nakilala niya ito noong freshman palang siya sa college. Kasama ito sa circle of friends ng friend niyang si Samson. Noong una para silang aso't pusa lalo sa tuwing may lakad silang magbarkada. Laging nagbabangayan.

Ngunit di rin nagtagal ay nahulog din siya sa dalaga. Di niya alam kung anong meron sa babae kung bakit siya na fall rito. He denies it at first. May pagkabrat kasi ito minsan kapag magkakasama sila lalo na sa kanya pero sa tuwing tumatambay sila sa bahay nito at nakikita kung paano ito umakto ay dun nagsimula ang pag usbong ng special feelings niya para sa dalaga.

Noong una ay natorpe siya dahil di niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang feelings lalo pa at kahit papaano ay magkaibigan silang dalawa. Sa sobrang katorpehan ay sinabi niya ito sa mga kaibigang lalaki upang matulungan siyang bantayan ito dahil takot pa siyang umamin. No. Takot sa rejection actually.

Isang araw ay nagsumbong si Larry, kaibigan niya na malapit lang ang building kay Avy na meron daw umaaligid dito at hinahatid pa nga sa room. Doon mas lalong nag grow ang eagerness niyang umamin na. Kung tanggihan man siya nito it's okay he can think of other ways. Di pa rin siya titigil to prove to her that his feelings are pure and true.

Di na tapos ang linggo mula noon ay agad siyang nagset up ng talk nila kuno at syempre with the help of their dear friends. And thanks with all the help at nagsuccess naman ang love confession niya. Matapos nun ay grabe na nga ang pambubuyo sa kanila ng barkada na hinahayaan nalang naman nila.

Naging mabilis ang mga pangyayari sa pagitan nila dahil ilang buwan bago matapos ang last semester of the year ay tinanong na niya ito agad kung pwede niya ba niya itong maging girlfriend. Kabado na naman siya nung una dahil sa poker face lang ang dalaga ngunit nakahinga naman siya agad ng YES ang isinagot nito at inaamin din ni Avy na inaantay lang din siya nito.

Broken Vow [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon