BV Five

53 1 0
                                    

                 BV5: [Her Solution]

Ilang araw na ang nagdaan mula noong maisipan at sabihin ni Avy sa asawa ang mag-ampon nalang sila. Ganun din katagal nang hindi siya pinapansin nang asawa.

Oo ganun na siya kadesperada na bumalik na sila sa dati ni Greg. Anak nalang ang kulang sa kanila diba? Why not. Masyado niya pang dinibdib ang nalaman pero di mawala ang kagustuhan niyang maibalik na sila sa dati. Naaalala niya pa ang naging reaksyon nito.

~Flashback~

Kakabalik lang ni Avy mula sa bahay ampunan na palagi niyang pinupuntahan matapos ang trabaho bago umuwi. Ilang araw na rin siyang nagbalik trabaho. Nang maabutan si Greg sa sala ay excited siyang naglakad palapit rito.

"Corn.. ahm may suggestion ako."

"Ano yun?" kahit papaano ay okay na sila pero malayo pa rin sa kung ano sila noon.

"Ahm may nakilala akong bata sa orphanage na parati kong binibisita, suggest ko la-"

"You mean to say na aapunin mo yun?" nagsisimula nang rumihestro ang galit rito.

"Ahm opo ganun na nga aampunin na- ."

"NO! ITS A BIG NO AVYANNA! THAT'S BULLSH*T! AT PAANO MO NAMAN NAISIP YAN!"

"Gusto ko lang na kasing bumalik tayo sa dati and gustong magpa-ampon din yung bata. Kaya naisip ko why not diba?" mangiyak ngiyak ng paliwanag niya.

"At tingin mo ganun lang kadali yun. Oo anak nalang kulang satin PERO I WANT HIM OR HER TO BE NATURALLY OURS. PAANO MO SIYA PAPALAKIHIN NA HINDI LALAKING PURO TUKSO ANG INAABOT SA LABAS! KUNG KAYA MONG MAY MAKITANG BATANG GANUN SIGE GAWIN MO PERO DI MO MAKUKUHA ANG SIMPATYA KO!" at pabalyang tumayo at dire diretsong lumabas ng bahay.

"S-saan ka pupunta?"

"Lalayo sa impyernong buhay na to!"

"Greg naguusap pa tayo!"

"Wala na tayong pag-uusapan. Hayaan mo muna ako." malamig na saad nito.

"Lalayo ka na naman.. hindi mo ba ako kayang damayan. Laban natin to eh! Suportahan natin ang isa't isa." hinawakan niya ito sa braso bago pa man ito tuluyang makalabas ng gate tumigil naman ito ngunit buong lakas nitong iniwakli ang kanyang kamay.

"Anong laban natin? Laban mo lang yun. Ako ba yung may diperensya, hindi diba? Gawan mo ng paraan dun lang tayo mag-uusap." matigas na sabi nito.

"Alam kong hindi to simpleng problema pero kung magtutulungan tayo magagawa din natin. Wag mo namang sabihin na iiwan mo ko dahil dito." malambing pa ring saad niya rito kahit mangiyak ngiyak na.

Hindi nakaimik si Greg

"Tell me Greg may halaga pa ba ako sayo? Mahal mo pa ba ako? Na..nakahanap ka na ba ng kayang makapagbigay sayo ng anak?" masakit man ay nagawa niya pa rin yong itanong.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya ng di pa rin kasi sumasagot ang asawa. Lumipas pa ng ilang minuto ay nakatayo pa rin si Greg at di pa rin umiimik. Di siya nakatiis at tinawag niya ulit ito pero laking gulat niya ng tumingin lang ito sa kanya ng walang anumang mababasang emosyon at tuluyan na nga itong lumabas.

Naiwan na namang nakatigagal si Avy at tuluyan ng napahaguhol.

*****

Sa mga araw na wala ang asawa ay mas lalong dumadalas  siya sa orphanage upang maibsan kahit papaano ang lungkot.

Pupunta lamang siya dun at walang ibang gagawin kundi ang pagmasdan ang mga batang masayang naglalaro at naghaharutan habang iniimagine na anak niya ang mga ito.

Broken Vow [Completed]Where stories live. Discover now